game na ulit

ang mahirap sa ating mga tao madalas pag inuulan tayo ng pagsubok ang inisyal na reaksyon natin maging matapang at labanan ‘yun. likas sa atin na tignan ang bawat hamon na isang harang sa dadaanan natin na kailangan nating gibain at hindi natin naiisip na minsan baka kaya malubak ang kalsada dahil wala naman patutunguhan ang dulo nun kaya wala ng nag abalang solusyunan ito. kalimitang tanga ang tao, nakita ng tae ang naapakan n’ya at kakailanganin n’ya pang amuyin ang tsinelas n’ya para kumpirmahin ‘yun. 
nangarap ako ng sobra at naabot ko ang kalahati nun dahil sa katigasan ng ulo ko, hindi na masama. babalik ako sa kung saan ako nag simula at wala akong pagsisisihan, puro panghihinayang lang at walang sisihan. hindi ako masyadong  naging swerte sa pangarap ko na maging masaya pero sino nga ba sa atin ang naging masaya ng todo? wala.
babalik ako sa totong nagmamahal at tumatanggap sa akin at magiging mas matalino na ako ngayon.. at sa “pagiging matalino” ang ibig kong sabihin dun, mas magiging matapang ako para wala ng maglalakas loob gaguhin ako, at sa totoong nagmamahal wala akong pinapatungkulan dun kundi “internet”..

matagal akong nawala sa mundo ng internet at ngayon nakahanda na ulit akong magbigay tugon sa yakap n’ya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “game na ulit”

  1. yey! game ka na ba? game na!

    ako din idol game na! ang galing ng sinulat mo di lang pang internet para din buhay at pagmamahal yan… salamat lumakas ang loob ko :kissing:

    pahiram ako ng quotes🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s