kung bakit kaya pala nahihirapan akong magtupi ng laylayan ng pantalon ko.

ngayon ko lang napansin na hindi pala pantay ang paa ko, mas mahaba ‘yung kanan. eto siguro ang dahilan kaya nahihirapan akong magtupi ng laylayan ng pantalon.
pero hindi ako nababahala dahil hindi naman ako palalabas na tao, lagi lang naman ako sa loob ng bahay pag wala akong trabaho. madalas, nakaupo sa harap ng laptop o kaya nag iinom o kung hindi naman, nakahiga at natutulog.
bentahe din naman ‘to pag may kailangan akong abutin gamit ang paa ko, katulad halimbawa ng susi ng posas.. hindi ko lang alam kung may iba pang disadvantage ang magkaroon ng isang paa na mas mahaba sa isa dahil kanina ko lang naman napansin ‘to kaya bukod sa naikokonekta ko dito kung bakit pag nagkukuyakoy ako antagal ko mapahinto ang paa ko sa pag ugoy kahit gustong gusto ko na, siguro nga dahil matagal umabot ang mensaheng pinadala ng utak ko hanggang sa dulo ng paa ko. maliban dun, wala na. ..o wala pa.
at isa pa, ayos nga ‘to e madali akong makikilala sa hanay ng mga isang damukal na may pangalang “jon“. pag tinanong ka kung kilala mo ‘yung jon na may itsura, magaling magsulat at mahaba ang isang paa ..alam mo na agad ang isasagot mo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “kung bakit kaya pala nahihirapan akong magtupi ng laylayan ng pantalon ko.”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s