tanong sagot 22

mga sinagot na tanong.
TANONG/SAGOT

T. ano ang paborito mosa lahat ng sinulat mo sa tumblr at blog dito?
S. eto ‘yung mga entry na habang sinusulat mo pa lang alam mo na nasa eksaktong lugar ka, pagkakataon, at mood.. eto ‘yung mga entry na hindi ka mangangapa ng mga salitang gagamitin mo dahil pag upo mo pa lang sa harap ng computer dire diretso na,
eto ‘yung mga mula umpisa hanggang wakas hindi ako iniwan ng utak ko habang nagsusulat ako.
1. entry na walang pamagat – para sa mga tumututol sa mga sinasabi ko dahil para sa kanila mali iyon at para sa mga sumasalungat para lang marinig din ang boses nila. (kung hindi ako nagkakamali, dito unang nahagip ng utak ko ang “patuka sa utak” na salita)
2. re: xxx scandal – madaling araw nung isinulat ko ang entry na ‘to bilang sagot sa isang komento sa entry ko tungkol sa babaeng ginahasa na naipalabas sa programang XXX sa channel 2, inaasahan ko kinabukasan pagkagising ko na gegerahin ako ng mga kababaihan para idepensa ang kalahi nila pero seryosong nagulat ako na ang inaasahan kong salpukan ng magkabilang kasarian nauwi sa debate ng mga may malalawak na utak at ng mga hindi masyadong biniyayaan nun.
3. pandesal – maliban kay lualhati bautista si edgardo m. reyes ang malimit na pangalan na isinasagot ko tuwing may nagtatanong sa akin kung sino ang paborito kong manunulat. sa kanya ang unang libro na nahawakan at binasa ko mula umpisa hanggang wakas na isinulat ng iisang tao lang. ang entry ng pandesal ang “bigo” kong pagsubok gayahin ang estilo n’ya. kung may magtatanong sa akin kung hango sa tunay na pangyayari ang kwentong ‘yan ..ayokong sagutin.
4. che che – dahil gaya ng madalas mangyari, napatunayan ko na naman na tama ako.
5. teh mighty jon cabron show – eto ‘yung isinagot ko sa isang bakla na pinagpipilitang akuin ko ang responsibilidad ko bilang manunulat at ‘wag daw akong “manlandi” ng mga babae dito sa blog ko. PS. nasusuka pa rin ako pag naaalala ko ‘yung amoy ng hininga n’ya nung nasa bus kami.
6. jeep – sinubukan ko lang kumurot ng kaunti sa temang ‘yun.. pa-one time lang.
7. ang love at first sight.. at dalawamput limang batayan kung bakla.. – masaya ako na malayo ang narating ng dalawang entry ko na ‘yan. sa forum, sa email, sa ibang blog, at sa plurk.. oo, kahit ‘yung iba inangkin ‘yang kwento na ‘yan at hindi nagbigay ng kredito.
8. papano ba magblog? – medyo seryosong ang galing ko kase ng kaunti d’yan.
9. kupal magnet – parang ano lang, parang lalaking lalaki ako sa entry ko na ‘yan.
10.buhay online – tungkol sa dati kong mundo sa loob ng internet at sa pakikipagrelasyon dito.

T.ano yung sinasabi mong magsaltik?
S. magjacks

T. kilala ka bilang bloger na walang sinasanto pero sino ang kapwa bloger na hindi mo kayang banggain? pls answer honestly lahat naman may katapat.
S. hmmm napaisip ako dito.. si dok mnel at si leyn, sila lang para sa akin ang babaeng blogger na hindi bastusin.

T.
Happy kaarawan idlemind! -katok
S. sori ngayon ko lang nabasa pero thanks.

T. love
S. is like a rosary na puno ng mistery.

T. bkt nyo po gusto ung mga babaeng nakalawlaw ang ibaba ng nguso?
S. ampangit naman yata kase kung ‘yung ibabaw ng nguso ang nakalawlaw.

T. maliban sa kili kili saang parte pa ng yong katawan ang maaaring magkaroon ng putok. from taympers
S. sa nguso. pero p’wede mo akong sagutin na hindi naman parte ng “katawan” ‘yun kaya ang isasagot ko na lang.. sa buong katawan mo pag nakasuntukan mo ako na nasa mood talaga ako.

T. pro or anti RH bill ka ba?
S.
ahhh dun ako sa tama!

T. Hi John🙂 SMNL
S. john ka d’yan! oh hai!

T. may mga babae bang hindi showy? sa sobrang hindi showy eh once a week lang magparamdam? anak ng putangena long distance love affair pa kame.. nahihirapan kasi akong sumuko dahil may anak kame.
S. hindi “hindi showy” ang tawag dun, ang tamang salita e “busy” baka naman busy lang, ikaw naman!

T. nalulungkot ako hangang ngayon na wala kana sa tumblr and im still hoping na bumalik ka. one question lang sir anong masasabi mo sa mga gumagaya sayo sa tumblr?
S. seryoso, ayos lang. lahat naman may karapatan sa ganun tsaka hindi rin naman ako ang naunang gumawa ng ganun sa tumblr. walang problema sa mga nanggagaya ang problema e ‘yung mga nangongopya.

T. masaya ka po ba sa twitter?
S. oo naman!

salamat sa mga tanong at sa mga nagtanong.
Jon Cabron
TANONG/SAGOT

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “tanong sagot 22”

Sarado na ang mga puna.