mara clara (ang katapusan)

naghalo ang saya at lungkot sa akin sa pagtatapos ng isa sa pinakamalaking teleserye sa pilipinas. masaya dahil sa wakas tapos na ang paghihirap ni mara at alvira at lungkot dahil maraming mawawalan ng trabaho sa likod ng teleserye na ‘yun.. at mamimiss ko ang kaseksihan ni clara lalo na pag nakashorts s’ya at sando, panalo.
inabangan ko din dati ang bawat labas ng naunang mara clara nila juday at gladys reyes pero hindi ko na maalala kung saan nagtapos ang kwento nun, malamang iba kesa sa ngayon dahil sa biglaang pagkamatay ni eruel tongco ang gumanap na gary davis dati. gaya ng isang tipikal na kwentong pinoy nahanapan ko ng maraming butas ang istorya ng mara clara ngayon at gaya ng mga tipikal na katapusan ng isang istoryang pinoy, naiwan akong nakatunganga at nagiisip sa pagtatapos nito. una, papaano gumraduate si mara gayung andami n’yang absent sa eskuwelahan? kaya ba wala si erris nung graduation dahil hindi na s’ya pinagtuloy sa pag aaral ng tiyahin n’yang nanay ni christian nung nalaman nito na may nangyari sa kanila ni butch? bakit laging may nakasukbit na bag sa balikat si clara nung dinadalaw n’ya si alvira habang bihag ni gary? bakit nung sinundo si clara nung naggaduate s’ya sa mental.. isang shoulder bag lang ang dala n’ya? asan ang ibang gamit n’ya? kung kambal ang anak ni gary at susan, ibig sabihin ba nun may posibilidad na anak talaga nila si mara at clara at kambal pala talaga ang dalawa? at p’wede din na hindi totoo ang tsismis na anak ni aga ang anak ni carmina? mapipikon kaya si susan at amante kung sakaling naging lalake ang isa sa kambal at pangalanan ni susan ng gary junior ang isa dun? bakit sa katapusan ng kwento nung sama sama silang magpipiknik sa park, ‘yung isang bata lang ang may lobo? pinapakita ba dun na talagang totoo ang sinasabi ni clara dati na may mas pinapaboran si susan? bakit nung dumating si amante sa piknik, si clara ang kasama n’ya

a

at bakit nung magkukuhanan sila ng litrato hindi sila magkatabi ni alvira?

b

meron bang hindi sinasabi sa atin si emil cruz jr tungkol sa dalawa?

kung susulat si mara sa maalaala mo kaya, mahuhulaan mo ba na “hairclip” ang posibleng title nito? anong gagawin mo sa premyo kung sakaling ikaw ang manalo?

sa huli, isang aral ang malakas at matibay na iniwan sa atin ng kwento nila mara at clara.. kahit marami kang absent, pag mabait kang bata makakagraduate ka.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “mara clara (ang katapusan)”

  1. talagang di ka nagpahuli sa paggawa nito at kahit ilang araw ka ng absent sa paggawa ng blog eh super effort ka sa mga tanong mo ha..
    me book 3 yata..yung kambal na anak naman ang pagpalitin. di ka naniniwala? alam mo kung pano magsulat si emil cruz jr.,maghintay ka na lang sa mga idol mo.
    gay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s