laptop, helicopter, ampon

hindi sa ipinagyayabang pero kailangan ko talagang banggitin ‘to dahil kasama sa istorya. pinalitan ko na ‘yung netbook ko ng pitumpu at pitong libong porsiyentong mas malakas at mas kapaki pakinabang.

5742g

ayan ang ipinalit ko, kulay pula din para matapang ang dating tsaka para pag halimbawa nagkape ako sa starbaks e takaw pansin.
marami akong gustong sabihin tungkol sa pagiging hindi pangkaraniwan ng laptop na ‘yan kumpara sa ibinili sa’yo ng nanay mo nung nag graduate ka o ‘yung laptop na binigay sa’yo ng tatay mo nung nauto mo s’ya na kailangang kailangan mo kunyari para sa thesis mo, pero hindi ko alam kung papaano ‘yun sasabihin ng hindi teknikal. basta dalawa ang videocard n’ya, isang pangkaraniwan pag gumagawa ka rin ng pangkaraniwan sa laptop na ‘to, halimbawa, nagtatype ka lang ng kung anu ano sa msword o excel o kaya nanonood ng bold o naghahanap ng magmamahal sa’yo sa internet. at isang matinding videocard pag gumagawa ka ng matindihan sa laptop na ‘to, halimbawa, naglalaro ng matitinding games. sa madaling salita, kusa s’yang nagpapalit depende sa pangangailangan mo.
ilang ulit na matindi pa ang specs nitong laptop na ‘to kesa sa desktop ko sa bahay. .. at s’yempre sa mga desktop at mga laptop n’yo din. marami akong nadownload na laro ang hindi gumana sa desktop ko dati sa bahay ang kinikilig akong mabuti hindi ko pa nabubura sa external hard disk ko dahil nalalaro ko na sila ngayon. balik ako sa paglalaro kaya matagal din halos na hindi ako nakapag entry dito sa blog ko .. at s’yempre hindi mo napansin ‘yun dahil wala naman akong halaga sa’yo na gago ka.
isa sa matagal ko ng kinasasabikang laruin ang call of duty –  black ops dahil sa lupit ng review nito online at astig daw ng graphics. barilan ‘yun, gera at dahil naniniwala ako na mas marami ang babae at baklang nagbabasa nitong blog ko kesa sa mga tunay na lalaki, hindi ko na idedetalye masyado ‘yun. halos kakasimula ko pa lang nitong game na ‘to pero merong isang kalaban na nagpapatagal sa akin, helicopter ‘yun na kailangan ko s’yang pasabugin o pabagsakin pero hindi n’ya ako binibigyan ng pagkakataon na mag isip. ilang tama lang sa akin patay agad ako. isang gabi naisipan kong magtanong sa twitter kung may nakakaalam ng teknik para dun pero gaya ng inaasahan ko, walang nakatulong sa akin.
sakto na nakita kong nakaonline ang isang pinsan ko na alam kong medyo may kredibilidad kumpara sa kahit na sinong kakilala ko dito sa online pagdating sa mga laro. pero tingin ko mali ang timing ko at may hinala ako na mainit ang ulo n’ya dahil nung tinanong ko s’ya kung papaano kaya ang teknik para mapabagsak ko ‘yung helicopter dun sa nilalaro ko sinagot n’ya ako ng

“bakit hindi mo na lang isearch sa internet?”

sa isang banda, tama nga naman s’ya. pero hindi ako tanga para hindi ko maisip ‘yun nung una pa lang. ayokong maghanap ng sagot  sa internet dahil matutukso akong basahin lahat ng tips and tricks at pag nangyari ‘yun mawawalan na ng saysay ang paglalaro ko. maniwala ka, alam ko. ganyan na ganyan kung bakit nawalan ako ng gana sa SIMS na nilalaro ko buhat nung matutunan ko kung papaano ka magkakaron ng limpak limpak na salapi kahit hindi ka na magtrabaho, matapos kong bilihin lahat ng gusto ko at mapalaki ang bahay ko at maging kaibigan halos lahat sa neighborhood namin dahil sa halos gabi gabi kong pagpapaparty sa kanila inuninstall ko ‘yung laro.
gusto kong sagutin ‘yung pinsan ko ng

“bakit hindi kaya ikaw ang mag search sa internet kung sino talaga ang tatay mo para hindi ka tawag ng tawag ng papa sa hindi mo naman kaanu ano?”

pero nangako ako sa tita ko na mananatiling sikreto ang sikreto.

kung pangkaraniwang mambabasa ka lang na naligaw dito sa blog ko, maaaring maisip mo na bitin ang kwento ko,
pero kung mapansinin kang mambabasa mapapansin mo na may ilan akong pinupunto sa entry ko.

1. kailangan ko ng tulong kung papaano pasasabugin o papabagsakin ‘yung helicopter na haharang sa’yo matapos mong tumakas sa bilangguan.
2. gusto ko lang ipagyabang ang laptop ko.
3. may pinsan akong ampon.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “laptop, helicopter, ampon”

  1. then congratulations. nakuha mo ang atensyon ko kahit di mo ko binati kahapon (bday ko leche!!). gusto ko lang i-share sa yo na ilang beses ka ng topic sa sexist -themed summer class ko. yung pagpapagulong mo ng mangangaral sa bus at pagappasagasa sa gf pag tatawid ang ilan sa mga tinalakay namin. sana proud ka. i love you.

  2. Tungkol sa COD blackops, doon ka na ba sa tatakas na kayo ng kulungan ni victor reznov? may spotlight mula sa hilicopter?.. talagang hindi mo mapapasabog yun. ang gagawin mo lang doon abangan mo yung spotlight tapos sundan mo lang si victor reznov at wag kang magpapakita sa liwanag doon ka lang sa mga gilid dumaan yung walang ilaw. Congrats din pala sa bago mong laptop. At bago ko makalimutan gusto ko malaman ang tunay kong magulang pinsan jon.

    1. argh! hindi ko dapat pasabugin ‘yung bwakanangenang helicopter na ‘yun? napaka hindi makatotohan naman ng larong ‘to.. sa tunay na buhay pag may paharang harang na helicopter sa akin pasasabugin ko ng kamao ko.

      maraming salamat, ikaw na ang pinakapaborito kong mambabasa mula sa oras na ‘to

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s