limitasyon

naniniwala ako na lahat ng tao may kanya kanyang limitasyon. ako, kaya kong tumanggap ng sobra pero pagkatapos nun wala na. mabunganga lang akong tao, maindahin, at mahilig dumaing pero sa lahat ng bagay hinihila ko ‘yung limit ko ng sobra sobra pa sa kaya ko bago ko sabihin na tama na.
ako ang boksingerong nakahiga na sumusuntok pa, ako ang sugatang sundalo na kesa ubusin ko ang natitira kong lakas sa pagtakbo, ikakalabit ko pa ‘yun ng gatilyo. ako ang taong handang gumawa ng hindi ordinaryo at handang tumrabaho ng labas sa linya ko pero pag tinaas ko na ang kamay ko para sumuko, wala ng makakapilit sa akin lumaban. kilala ko ang huling suntok ko na hindi ko na kayang sundan pa. ..hindi ako magdadalawang isip itututok sa sintido ko ang baril bago kalabitin ang gatilyo kung hindi rin lang ako siguradong tatama ‘yun sa kaharap ko.
matalino akong mandirigma at mapapatunayan ‘yun hindi ng mga laban na ipinanalo ko kundi sa mga hindi ko napagtagumpayan, alam ko kung kelan ako dapat umayaw.
kung hindi magbabago ang lahat at sakaling uuwi man ako ng pilipinas bitbit ang parehong ako nung umalis ako dun, wala akong pagsisisihan. hindi ako nagtaas ng puting bandera dahil sa sumuko ako kundi dahil tapos na para sa akin ang laban. hindi lahat ng hindi nagtagumpay ay talunan, magiging talunan ka lang kung hindi mo sinubukang magtagumpay. ginawa ko ang lahat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “limitasyon”

  1. Hindi kailanman naging kahinaan ang pagsuko lalo pa’t ginawa mo na ang lahat, pagpapakita pa nga ito ng kalakasan dahil alam mo sa sarili mo kung hanggang saan ka lang. Simple, bakit ipagpipilitan ang hindi na kaya pa. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s