patuka sa utak

nagpaalam ang patuka sa utak sa mundo ng tumblr sa kung papaano
inihalintulad ng isang kilalang  hari ang kanyang pagbabalik, parang
isang magnanakaw, walang makakaalam, tahimik, at isang kisapmata lang.
mas pinili ko ang mabilisang wakas kesa sa ginawa ko na dating
pagtutulog tulugan lang, wala na akong balak gumising sa kaparehong
mundo at wala na akong balak bumangon sa kaparehong higaan na ‘yun. hindi ito pagpupusong mamon lang na nakasentro sa pibertdei pic na
hiniling ko at hindi naibigay, iyon lang siguro ang naging instrumento
ng timbangan kung itutuloy ko pa ba o hindi na ang pagpapatuka sa
mga utak na kumakalam, malinaw ang naging sagot. pangkaraniwang reaksyon ng katawan na tamading kumilos at antukin
pag nabusog ang sikmura, ganun din siguro ang utak. kasabay ng
paglikha ko ng patuka sa utak sa mundo ng tumblr ang obligasyon ko na
patukain ang mga utak na gutom, sa puntong ‘yun ginampanan ko ang
papel ko at naniniwala ako na nagampanan ko ‘yun ng mahusay, ginawa ko
ang parte ko at kalokohan para sa akin na sumubok humingi ng kapalit
sa naibigay ko, wala ‘yun sa kontrata na pinirmahan ko. dumating lang
siguro ako sa sitwasyon na nagmistula akong guro sa isang silid sa
harap ng kulang dalawang libong estudyante, kailangan kong malaman
kung ilan sa mga ‘yun ang nakikinig para matuto at ilan sa kanila ang
nakikinig lang para hindi mapagalitan.
hindi lang sampung beses na kinulit ako ng kunsensya ko kung bakit
daw mag iisang linggo na at wala pa akong natitimplang patuka. madalas
hindi n’ya tinatanggap ang katwiran ko na abala lang masyado sa
trabaho, hirap nun hindi n’ya rin tinatanggap ang panunumbat ko na
kung ‘yung dotcom ko nga hindi ko maasikaso e tumblr pa kaya. masyado
na akong matanda sa mundo ng internet para pumogi sa dami ng followers
at reblog, hindi ko na ‘yun kailangan.
maraming beses na rin na aksidenteng nakatikim ako ng pamilyar sa
dila ko na lasa dito sa internet, matabang dahil nawala ang kreditong
sangkap at mapait dahil inari n’yang kanya. kilala ko ang sarili kong
salita kahit pa anong dami ng letra ang ihalo mo dun.
para sa mga susunod na aako ng responsibilidad para magpatuka sa mga utak na gutom, siguraduhin mo munang busog ang sarili mong utak, papaano ka magpapatuka kung ang sariling utak mo ay gutom at payat.
at gaya ng mga pangkaraniwang pagpaalam, gusto kong tapusin ang entry na ‘to sa salitang salamat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “patuka sa utak”

  1. nakita ko din sa wakas ang dahilan kung bakit nawala ka sa tumblr.. sabi na nga ba at may kinalaman kahit papano ang mga picture-picture.. nanghihingi din ako ngayon ng ganun pero pota parang wala ngang pumapansin..

    nagulat lang ako dun sa kredit isyu. wew.

    pasensya sa pagiging madaldal ko dito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s