dear kimchi

bigla ka na lang nawala na parang bula at mula nun wala kahit na anong balita akong narinig tungkol sa’yo. nababahala akong isipin kung ano na ang nangyari sa’yo at naiinis akong tanggapin na wala akong pinanghahawakan na impormasyon tungkol sa pagkatao mo sa tunay na mundo dito sa labas ng internet na lalong naghahalintulad sa paghahanap ko sa’yo sa paghahanap ng isang pirasong typewriting paper sa kulumpon ng isandamukal na bond paper, napakatinding pagsubok! . maliban sa ilan mong mga alyas katulad ng:

1. kimchi
2. koreana
3. dose / trese
4. ( o )( o )
5. angel park
6. bhievs
7. bon sunee
8. suneechi
9. beverly ann

alam mong iilan lang kayong mga kaibigan ko dito sa mundong ‘to na talagang mahalaga sa akin at tinatrato ko talagang kaibigan at hindi katulad ng iba na pinaplastik ko lang para may bisita ako dito sa blog ko. ayokong kunsintihin ang masama kong naiisip tungkol sa’yo sa mga oras na ‘to., sana ayos ka lang at nasa mabuting kalagayan. hindi nakidnap ng mga siyentipiko para pag aralan ang dede o hindi naaresto at nakulong kung saan dahil sa bintang na may kinalaman ka sa nangyaring lindol sa japan.
kailangan kong malaman na ayos ka, hindi lang dahil importante ka sa akin kundi dahil bilang isang tipikal na kaibigan kailangan kong malaman kung buhay ka pa o p’wede ko ng ipagkalat ang mga lihim mo na ipinagkatiwala mo sa akin.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “dear kimchi”

  1. :cwy: awwww naiyak naman ako…napa unavail ako sa mga calls ko nung makita ko to..
    una.. hindi ako nakidnap pra pag aralan ang dede ko, ayos pa rin sila at hello daw sabi nila.

    pangalawa, wala akong kinalaman sa japan japan na yan, masyado na ba kong mbigat para isipin mong posibleng maging dahilan ako ng paglindil sa japan? watta friend..

    seriously miss ko na kayo😦 next week pramis balik na ko sa sirkulasyon… kaya yung lihim, walang ibang makakaalam.. ‘chos!

    talagang nakakabit na sakin ang koreana at dodo? :ermm:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s