tanong sagot 21

mga sinagot na tanong.
MULA DITO

T. bakit may mga taong kahit sya na sya ang may kasalanan ohh hindi, sya palagi ang galit?
S.defense mechanism, inuunahan ka sa galit. ginagawa ko din sa nanay ko ‘yan dati pag madaling araw na akong nakakauwi, pagbukas n’ya ng pinto nagmumura ako “putangena! napakatrapik!”  tungkol naman sa kaso mo, gusto mong mabawasan ang mga taong ganun na s’ya na ang may kasalanan s’ya pa ang galit? bawasan mo ang taong pumapayag na ginaganun s’ya.

T.
Are you a virgin?
S.oo, dati.

T. bakit mahilig kang uminom ng alak? ano ano ba ang naiidulot nito sayo?
S.ang totoo, hindi naman ako talaga mahilig uminom ng alak nagkakataon lang na malimit akong mag isa, walang magawa at nagkakataon din na alak lang ang pinaka abot kamay na p’wede kong pagkaabalahan para mabilis lumipas ang oras. ang totoo pa n’yan mas gusto kong magsaltik kesa uminom ng alak pero mas madalas ko lang maiblog ang pag iinom ko kesa pagpapaligaya sa sarili kaya ganyan ang tingin mo sa akin.

 

T. kablog mo ba si bob ong?🙂
S. hindi.

T. bakit napaka putangina ng pagibig?
S. dumidipende ang pag ibig sa kung sino ang kahati mo dun. baka naman nagkakataon lang na sa putangina ka natatapat? oo, sa tingin ko.

T. bakit may puso na iyun at iyun pa rin ang minamahal kahit lagi lang nmn siya sinasaktan nun..
S.ganyan ang nangyayari pag hindi makasabay ang utak sa puso. tinatanga ng puso ang taong nagmamay ari nun kaya madalas nakakalimutan n’ya ng may utak s’ya.

T. Kung isasapelikula mo ano ang tagline na malupet ang ilalagay mo? asked by joyo
S.ako si jon cabron, tahimik na dagat, malalim na balon .. mainit na apoy.

T. bakla ka teh?
S.gago ba ang nanay mo? pareho tayo ng sagot.

T. dsdsdd,sdssdd,sd,d,dsd,d,sd,d,,dsd,s,ds,d,d,sd,sssd
S.

 

T. pano mo ba malalaman kung talagang mahal ka ng isang tao?
S. pag hindi mo na kailangan pang magtanong sa ibang tao ng ganyan ibig sabihin nun mahal ka ng kasintahan mo.

T. sa dubai ka na pala magtata-tae ngayon? kakainggit! hehe.. goodluck!
S. oo, pakyu, thanks.

 

T. bakit ang gwapo ni justin bieber?
S. dahil maputi s’ya.

T. totoo ba yan???
S. eto? oo, maliit pero totoo.

T. Kuya! Pwede ko po bang iposts ang quotes mo from patuka sa blog ko? quotes-box.blogspot.com. i will put credit🙂
S.walang problema.

T. paano ko ifo-follow ang blogs na ito? salamat, tanga eh.
S.http://mightyjoncabron.com/feed/

T. kapag IT po ba kailangan magaling ka mag-edit? like, sa adobe photoshop?
S.kapag ba duktor ka kailangan magaling kang magbunot ng ngipin?

 

T. Hi Jon. Wala na ba ang mightyjoncabron.com? O lumipat ka ng bagong site? Sorry, alam kong hindi tayo close, you can ignore this. Yun lang, magandang araw! asked by salbehe
S.
hi salbe. wala na e ninakaw na nung dupang na host ko. habang binabasa mo ‘to nakalipat na ako.. may mabait na nag ampon sa akin pero gustuhin ko man e ayaw n’yang ilabas ko ang pangalan n’ya. nahihiya yata na maugnay ang pangalan n’ya sa akin .. at hindi naman ako nagtataka dun. close na tayo bago pa lang kita makilala.

T. blah
S.bleh

 

T. paano matanggal ang buhay na bakuna?
S.itiman mo ng bolpen.

T. what is love?
S. love is pag ibig.

T. paano kalupet ang ultimate revenge na narasanan mo na ginawa sa umagaw sa gf mo?
S. pinabayaan ko sa umagaw na ‘yun ang girlfriend ko. makalipas ang ilang buwan niloko din s’ya nung babae.. napakatamis na pag hihiganti.

salamat sa mga tanong at sa mga nagtanong.
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.