kung kaya ko lang hilahin ang dila mo ipupulupot ko ‘yan sa leeg mo

para sa akin hindi lang droga ang salot ng lipunan, kasama din dun ‘yung mga tsismoso at tsismosa. sila ‘yung mga taong walang magawa sa buhay kundi makialam sa buhay ng may buhay. maituturing na sakit ang pagiging tsismosa at walang gamot dun kundi sungalngal sa bunganga, ayokong mangumpronta sa ngayon dahil nasa malayo ako, manggigigil lang ako. isang sakit ‘yun na bukod sa nakakahawa namamana pa. nakakalungkot isipin na madalas hindi alam ng isang taong dinapuan ng sakit na ‘yun na grabe na pala ang lagay n’ya, kumbaga sa hiv full blown AIDS na, nasa sitwasyon na sila na pag walang mapag usapan sila na mismo ‘yung gagawa ng kwento tungkol sa ibang tao. hindi na nakukuha sa simpleng sungalngal lang sa bunganga pag ganun na, wala pang nasusulat na mabisang lunas sa ganun pero meron akong nabasa minsan kung saan na sinusunog na raw ng buhay dapat pag ganun para hindi na makahawa.. ewan ko, hindi ako sigurado kung saan ko nabasa ‘yun.
hindi ko mapigil ang sarili ko na ‘wag mag isip ng malisya sa intensyon na pag may nabalitaan tungkol sa’yo ang isang tao, imbis na ikaw ang mismong pagkamutin n’ya ng nangangati n’yang utak didiretso s’ya sa ibang tao. bago makarating sa bida ng kwento ang nangangating pantal para masolusyunan n’ya, nagnanaknak na sugat na  ang aabutan n’ya dahil sa kakakamot ng mga wala namang kinalaman sa istorya.

“narinig mo na ba ‘yung balita? kalat na ah”

may mga taong kahit yata mapadaan sa puno ng saging at makarinig ng bulong mula sa sanga nun ng kuwento tungkol sa isang tao, hindi man lang mahihiwagahan. ikakalat at ikakalat n’ya ‘yung narinig n’ya. imbis na kwestyunin n’ya muna kung bakit nagsasalita ang isang puno mas uunahin n’ya pang papakin ang kwentong narinig n’ya.
nakakasawa ng basta na lang lunukin ‘yung mga paalala na “hayaan mo na kase mangmang nga, hindi nakapag aral” hindi katwiran ‘yun at hindi dahilan ‘yun para lagi mong malusutan lahat ng kagaguhang ginagawa mo. may pakpak ang balita, may tenga ang lupa.. at sana hindi magtagal makatagpo mo na ang kamay na susungalngal sa bunganga mo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “kung kaya ko lang hilahin ang dila mo ipupulupot ko ‘yan sa leeg mo”

  1. parang alam ko kung ano yang tsismis na yan.

    pero agree ako sa sinabi mo. ok lang makinig sa tsismis pero ang ikalat pa yun w/o knowledge kung totoo ba yun o kung sino ba talaga pinagmulan nun eh ibang istorya na talaga. alam mo na kung ano sinasabi ko. basta.

    di ko sasabihin na hayaan mo na dahil alam kong di maglulubag loob mo dun. subukan na lang natin hanapan ng solusyon. buong summer nasa manila ako. kung kailangan mo ng kahit ano,alam na. sure yan.🙂

  2. besides sex, yan daw ang isa sa mga paboritong libangan ng mga pinoy na walang magawa… pero sir jon.. totoo ba ang sabi nila na hindi ka daw talaga lalake? isa ka daw napakagandang babae na nagtatago sa pangalang jon cabron? amm pwede malaman cell number mo?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s