mara clara

matapos mo akong lokohin ng limang taon bumalik ka ulit para ‘yung mga kabataan naman ngayon ang bibiktimahin mo? hindi ako makakapayag, limang taon ng kabataan ko ang ninakaw mo na wala akong hinintay araw araw kundi ang may makabasa ng diary at lumabas ang katotohanan sa pagkatao ni mara at clara. niligaw mo lang ng konti, binilisan ang ilang tagpo sa istorya para hindi makahabol ang mga tulad kong dati mo ng nabiktima.
bukas ang blog ko para buksan ang mata ng mga kabataan sa henerasyon ngayon, ako ang maglalabas ng katotohanan sa likod ng masalimuot na kwento ng mara clara. hindi ko na hahayaan pang may isang bata pa ulit ang aatungal sa pag iyak dahil sa galing nitong si emil cruz jr sa pagpapaikot ng kwento. ipupusta ko ang kredibilidad ko at ang buong blog ko, hindi si mara kundi si lenita ang nasabugan ng gabing iyon..

oo, gago! alam ko sasabihin mo na nagmamarunong ako dahil alam naman ng lahat ‘yun. pero hindi pa iyon ang pasabog ng entry ko na ito kaya humawak ka na sa silyang kinauupuan mo dahil aangat ka dito at kumuha ka na ng tubig na maiinom mo dahil tiyak na maninikip ang dibdib mo sa rebelasyon na ‘to.

sa katapus tapusan ng kwento, masasayang lang ang lahat ng luha ni mara at clara at wala din kapupuntahan ang kasamaan ni gary dahil lalabas din ang katotohanan na wala kila mara at clara ang tunay na del valle, ito ay walang iba kundi si.. SPOILER  ALERT.

walang anuman.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “mara clara”

      1. you r absolutely right!these junk teleserye should not be patronized by young generation. it only promote negative values. we only waste electricity and time in watching these kind of shows.

  1. :kissing: :heart: :alien:
    :blink: :sideways:😎 :blush: :blink: :angry: :ninja:😆 :wub: :pinch: :pouty:😦 :shocked: :shocked: :sick: :silly: :tongue: :unsure: :w00t: :whistle:😉 ayos un ahhhh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s