gaguhan at kagaguhan

alam mo kung anong karima rimarim na gawain nitong mga lalaking ito bukod pa sa pag amoy sa daliri nila matapos magkamot ng itlog tuwing walang nakakakita sa kanila? makikipag relasyon sila tapos papaiyakin lang nila ‘yung babae, wawasakin. tapos pag nakita na nila na nakaka ahon na ‘yung babae mula sa balon na pinagkahulugan n’ya dito bigla s’yang magpaparamdam at magbibigay ng mga payo tungkol sa bagong relasyon ng babae, na para bang s’ya ang nakakaalam kung ano ang makakabuti dito, na tipong concern na concern s’ya sa pakiramdam at kalagayan nito. kalokohang malaki! hindi mo nga naalagaan nung yakap mo ngayon pa kaya na abot tanaw mo na lang. eto kaseng mga lalaki na ‘to sarap na sarap ang ego nila pag nakikita nila na halos nasisiraan ng ulo ang babae dahil sa kanila, pag kinulit mo at nagmamakaawa ka na balikan ka nila ipapakita nila na naiinis sila at iritable sila sa presensya mo.. pero ‘wag kang magparamdam ng ilang araw at sila mismo ang gagawa ng paraan para magkaron kayo ng komunikasyon. kunyari pa nangangamusta lang.. gusto ko lang malaman kung ok ka, kunyari pa na nawrong send lang, at kunyari pa gusto ko lang magpasalamat sa lahat at sana ok ka na. ang totoo, gusto lang nilang magkaron ulit ng daan para makapagusap kayo, ayaw kase nila na makarekober ka sa kanya, pag nararamdaman nila na unti unti ka ng nakakaahon ipaparamdam nila sa’yo na andyan pa sila dahil alam nila na isang tawag at text n’ya lang back to zero ka na naman.
‘wag mong busugin ang mga ego nila ng pagmamakaawa at luha mo, iyon ang nagpapataba sa mga iyon at ‘wag kang malungkot pag iniwan ka ng gagong nanloko sa’yo matuwa ka dahil nakakawala ka na. tanga lang ang nasasanay na ginagago s’ya at mas tanga pa ang hinahanap hanap na ginagago s’ya pagkatapos s’yang iwan nito.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

7 thoughts on “gaguhan at kagaguhan”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s