babala: mayabang

ito ay pasasalamat sa lahat ng nagbabasa at sumusubaybay mula pa nung una sa itim na mukha sa wordpress papuntang joncabron.com na ninakaw ng bobong si sherwin at shannhost bumalik sa wordpress at  ngayon mightyjoncabron. kamusta rin sa lahat ng nabully at nadaragan sa dating  wp-p sana nakarekober na kayo at napatawad n’yo na ako.
may kung ilang araw din akong balisa at hindi makatulog mula ng nawala sa akin ang dotcom hindi dahil sa pakiramdam na nanakawan ako kundi sa pakiramdam na binusalan ang bibig ko. hindi ako makapagsalita at hindi ako makapagkuwento, napakabigat na pakiramdam para sa isang katulad ko na kakambal na ng paghinga ang pagsusulat. pero hindi ako mauubusan ng paraan para makabalik katulad din na hindi ako mauubusan ng maisusulat.
alam ko na mahihirapan akong ibalik lahat ng mga dati kong mambabasa, ang ilan sa kanila iisipin na bigla na lang akong tinamad at nawala. hindi maaabot ng mga letra ko ang bawat tenga ng mga dati kong mambabasa kaya babalik ako sa dati nung nagsisimula pa lang na makilala ko ang wordpress at nagsisimula pa lang akong ipagsiksikan ng pwesto sa mundo ng internet ang karakter ni Jon Cabron, kakalat ang blog ko sa pamamagitan ng bibig na nakakabit sa utak ng maliligaw at makakapagbasa dito.

“nabasa mo na ba ‘yung  blog na may matalas na dila at utak na radikal.. mapanganib, nakakasakit?”

babalik ako sa pagsusulat kung saan ako nagsimula, walang pakialam.
muli kong ibabato ng paitaas ang bola ng walang direktang patatamaan, pasintabi sa lahat ng makakabasa at  sa lahat ng mga tangang kusang ipansasalo ang mga mukha nila.
hihila ako ng mga bagong mambabasa habang yakap ang mga datihang natira. magiimbita ako ng mga bagong babatikos habang iniestima ang mga datihan na. at katulad ng dati, ngunguyain ko ang  bawat maaanghang na salitang ibabato nila sa akin at idudura ko ‘yun pabalik sa mga mukha nila.
ako ang pinaka gagong manunulat na hindi na kailangan ng mga bastos na salita para patunayan ‘yun. kahit minsan hindi ko pinalamutian ng mga malulutong na mura ang mga salita ko para lang sumugat sa pinatutungkulan ko nun, sapat na ang talas ng dila ko. paglalaruan ka ng utak ko at sisipain palayo ng dila ko. mapanganib, nakakasakit.
sa huli, ito ay mainit na pagtanggap para sa mga bagong maliligaw at magbabasa ng mga sinusulat ko. dalawa lang ang batas dito mula pa nung una, respeto lang at lawak ng utak, ‘wag n’yo kong seryosohin masyado. maraming salamat sa mga tao sa tumblr at sa mga magaganang utak nila para tumuka sa inihahain ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “babala: mayabang”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s