silang mga kamag anak ng nanay ko.

hindi ako malapit sa kahit na sinong kamag anak ko sa side ng nanay
ko, kahit sa mga pinsan na kaidad ko o mas bata sa akin malayo ang
loob namin sa isa’t isa nakalakihan na kase nila ‘yung pagpapaiwas ng
mga magulang nila na makipaglaro o sumama sa akin. palaaway
daw kase ako, kesyo laging narereklamo sa baranggay at walang gagawing
mabuti. bihira naman kase nila akong makita dahil hindi naman ako pumupunta sa mga okasyon ng mag kakamag anak kaya pag nagiipon ipon sila ako ang napag uusapan at ang mga semplang ko sa buhay. iyon naman kase talaga ang masarap pag usapan sa likod ng kung sinong tao. malay naman nila
sa mga outreach programs na dinadaluhan ko at sa mga punong tinatanim
ko, sumali pa nga ako sa panawagan dati sa facebook na palitan ng cartoon character ang profile pic para sa mga kabataang inaabuso.  tatlong beses lang yata akong naka attend ng reunion nila, at talagang wala lang akong pagpipilian nun dahil sa mismong bahay namin ginanap ang pagtitipon. ayoko nga sanang lumabas ng kuwarto ko nun pero kailangan daw gumamit ng kwarto ng mga pinsan kong malalandi na sabay sabay nadisgrasya ng mga pagangsta gangsta sa kalye kaya kailangan magpasuso ng anak nila sa kwarto ko. ayokong ayoko pag may okasyon sa amin dahil pakiramdam ko nahahalughog ang buong bahay namin, akala yata ng mga pinsan at pamangkin ko may finders keepers sa kwarto ko,  hindi ko na mabilang kung ilang laruan ko ang mga nagsipagwalaan tuwing matatapos ang reunion na ‘yun. laking tuwa ko nung may nag anunsyo nung pangatlong reunion na sa kanila naman daw ganapin ang susunod na pagtitipon sa susunod na taon dahil nakapagpatayo daw ang anak n’ya ng bahay. iyon na ang huli kong attend ng reunion magmula nun, maliban sa isa pa pero dahil lang sa inuman ‘yun. iyon na rin ang huling beses kong nakita ‘yung nag anunsyo na ‘yun dahil namatay na s’ya ilang taon ang lumipas.
isa pang ayokong ayoko ‘yung pag namamatayan kami ng kamag anak. nagagamit kase ng nanay ko ‘yung patay para kunsensyahin akong makaladkad sa mga kamag anak n’ya. kung tutuusin ayos lang naman sa akin pumunta dun dahil hindi naman nawawala ang inuman sa ganun, s’yempre mayayabang ang mga tiyuhin ko e kaya kanya kanya silang bili ng isang case na alak. ayoko lang talaga ‘yung bago ka makalapit sa patay o makakuha ng zesto sa lamesa dadaan ka muna sa mga matatandang nakapila sa may pinto. ayos lang sana kung pagka abot mo ng kamay nila at dikit sa noo mo ok na e kaso hahawakan pa nila ng matagal ang kamay mo tapos kanya kanya silang baon ng istorya tungkol sa’yo o mga pagpapatunay kung paano ka nila inalagaan dati at kung gaano ka kaclose sa mga anak nila dati.

” nakooo eto si jon e alagang alaga ko ‘to dati, ako ang nagdadala dito sa ospital pag tumitirik ang mata nito sa lagnat, kasama ko pa ang tito mo ramon at tita mo lydia”

” etong damuhong ‘to takut na takot magpatuli, isinasabay ko sa pinsan n’yang si michael nag lagnat lagnatan ang damungkang!.. ayun! third year high school na yata natuli ‘to. si michael kinakamusta n’yo? ayun, engineer na.”

at s’yempre ang walang kamatayang kilala mo pa ba ako at naaalala mo pa ba dati.

“kilala mo pa ba ako, jon? sa bicol.. dati?”

tangena! anong maaalala ko e nung una at huling nagpunta ako sa bicol e nung nag ring bearer ako sa kasal ng kung sino, ilang taon lang ako nun sa tingin mo? gago!
wala ng mas paplastik pa sa mga kamag anak ko sa side ng nanay ko. naaalala ko dati nung kauna unahan na nagtangka akong magdala ng babae sa bahay namin, dun sa isang  tita ko muna dinala dahil umaasa ako na tutulungan nila akong magsabi sa nanay ko na binata na ako at may minamahal na. dinatnan namin na nag iinom dun ang tito ko at ‘yung isang anak n’ya kaya nakiinom na rin kami ng syota ko. basta ang naaalala ko nun maayos naman ang naging paguusap namin at binusog pa nga kami ng pangaral ng tito at tita ko bago kami naghiwa hiwalay. kesyo wala naman daw masama sa ganun basta uunahin lang ang pagaaral, kesyo gawin lang inspirasyon ang relasyon pag ganung idad pa lang at iwasan na gawing iyon ang sentro ng buhay. kinabukasan, ginising ako ng sampal at mura ng nanay ko dahil daw nagsama pa ako ng lasinggera sa mga tito ko sabi ng tita ko.
basagulero ang tingin nilang lahat sa akin, patapon daw. pero nung minsan na sinubukan kong ayusin ang buhay ko, sumali ako sa isang relihiyon at pumunta ako sa bahay ng isang tita ko para mag paabot sa kanila ng salita ng diyos. ..kinabukasan pinuntahan n’ya ang nanay ko para sabihin na nasisiraan na raw ako ng ulo at baka daw bumalik na naman ako sa pagda drugs.
mapupuna mo na sa facebook account ko, wala kahit isang kamag anak ko dun na galing sa angkan ng mga nanay ko. wala naman problema sa akin ‘yun dahil ayoko din naman makipag plastikan sa kanila at ayokong magpagamit sa kanila dahil alam ko na kaya lang nila ako iaadd dun kung sakali e para lang magpadami ng “friends” nila dun para isipin ng mga makakakitang kasamahan nila sa trabaho sa kung saang pabrika sa laguna na makulay ang buhay nila.
pero syempre kahit papaano kamag anak ko pa rin sila at sabi nga mas kung sino ‘yung nakakaintindi s’ya na lang ang umunawa, concern pa rin naman ako sa kanila lalo na nakikita ko silang unti unting dumadami at pakalat kalat dito sa mundo ng internet. pinapanalangin ko na lang na sana hindi sila makatagpo ng katulad ko dito sa mundong ‘to dahil seryosong masasaktan sila kung sakali lalo na’t kalimitan sa kanila e mga tatanga tanga na ampapangit naman. napakadelikadong kumbinasyon nun.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “silang mga kamag anak ng nanay ko.”

    1. naisip ko lang, kung ititigil natin ang pagbabasa d’yan sa sinabi mo dun mismo sa unang tuldok, para tayong may relasyon at naghiwalay ng matagal tagal pero ngayon binabalikan na kita kaya ansaya saya mo.. napakasarap ng mga posibilidad :heart:

  1. Ako naman, wala akong ka close sa kahit sinong kamag-anak ng asawa ko. Kinkaladkad pa ko para pumunta sa mga party nila. asiwang-asiwa ako. O baka dahil ayaw ko lang makakita ng mga lasengong walang trabaho at kinkuha sa mga asawa nila ang pang toma nila.

  2. ayos na pala dito. back to regular programming na ulit.

    kahit kelan hindi rin ako ginanahan umattend ng mga reunion ng mga kamag anakan na yan. sinabi mo na yung mga dahilan..hehe! natawa ako dun sa dinaluhang outreach programs,pagtatanim ng puno saka yung pagpapalit ng profile pic na cartoon character sa fb. haha! ginawa ko din yun.

    welcome back! :biggrin:

  3. buti pa ang kaibigan, napipili. ang kamaganak, hindi pwedeng i-unfollow, i-block, o di kaya i-remove ng tuluyan. ang di ko gusto sa kamaganak eh yung feeling nila kung anong meron ka entitled rin sila. mga gago lang, parang pinaghirapan nila yung pagpapaaral sa tao eh mga linta lang naman sila simula pa noon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s