fukc!

sa ilang interview ko dito sa dubai kahapon lang ako pumalpak, kung kelan gusto ko na sana ‘yung trabaho at kung kelan ayos din sana ‘yung sweldo at malapit pa dito sa amin. inisip ko na lang hindi talaga karapat dapat sa akin ‘yung trabaho na ‘yun masyado kaseng perpekto.
kung tutuusin ok na sana ako nung sa HR pa lang ang kausap ko, inspirado pa akong magsasagot dahil ang ganda nung kausap ko, australiana s’ya at kulay green ang mata, anlaki nga lang ng pwet. nabigla lang ako nung ipinanel interview ako, hindi ko alam na may ganun. kaharap ko ‘yung IT manager na indiano, dalawang mukhang amerkano, at andun pa rin ‘yung HR. dinikdik ako masyado nung indiano, kulang na lang lamukusin ang mukha ko habang nagtatanong s’ya. para akong suspektado na pinapaamin sa isang krimen. ilang beses akong nablangko, meron s’yang tanong na sa sobrang pagkablangko ko napatungo ako ng matagal napansin ko ‘yung dumi sa sapatos ko tapos lumipad na ‘yung isip ko.. ”

“magkano kaya ang nike cortez dito sa dubai? pag natanggap ako dito sa trabaho na ‘to bibili agad ako ng bago”

bigla ang balik ng diwa ko, putangena nasa kalagitnaan nga pala ako ng interview! paglingon ko sa mga nasa harap ko puro sila nakatitig lang sa akin, parang tumigil ang mundo nila at ang sagot ko ang magpapabalik sa paggalaw nun. sa kasamaang palad hindi pa rin nakakarating sa himaymay ng utak ko ang sagot na nasa dulo na ng dila ko. lumingon ako sa labas ng bintana sa pag asang makakatulong ‘yun pero pakiramdam ko mas lalo akong nililito ng mga naggagalawan na kotse sa labas nun, napasigaw ako ng mahina

“FUCK!!”

nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang sabay sabay na pag angat ng mga pwet nila sa pagkakaupo kasabay ng mabilis at hindi boluntaryong pag buka ng mga bibig nila. hindi ko na alam kung papaano natapos ang interview na ‘yun. basta nakita ko na lang ang sarili ko na nasa labas ng building nila at nagyoyosi habang nagpapahid ng luha. “expect mo ‘yung tawag dalawa o tatlong araw mula ngayon kung nakapasa ka”. ayoko ng umasa, naisip ko ang tsansa ko na lang para makuha ang trabahong ‘yun kung mga mas tanga ang susunod na mag aapply sa akin. syempre ako ang magwawagi kung ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga tanga. pero kung babaliktarin ko ang mesa, sa tingin ko tanga rin sila pag tinawagan pa nila ako.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “fukc!”

  1. ay, naku, iho. Let me tell something about the pana’s (as in indian pana, kakana-kana)…

    Una. masyadong power-trippers yang mga yan. He’s asking you questions like that kasi gusto nyang mapakita na marami syang alam technically, and kung hindi mo masagot, mas matalino sya kesa sa iyo.

    Pangalawa. Matindi rin ang nepotism ng mga yan. Baka meron syang gustong ipasok na pareho nyang pana, palalabasin nya talaga na hindi ka qualified. At siempre mas lalabas na mas magaling yung isa.

    Nagkaroon ng time na may nag-interview sa akn na pana na nayamot ako ng husto kasi ang mga tanong nya sobrang technical na gusto kong sabihin sa kanya, “may review center ka ng programming, kuya?” Hindi ko na tinapos ang interview, sinabi ko na lang, “I’m sorry, I think you’re looking for a writer who can make another COBOL book. I’m only a programmer and when I don’t know the answers to your question, I consult those books. That’s allowed at work, right? I’m sorry you wasted my time.”

    Lecheng yan, I’m not going to feed his narcissistic ego with his own crap. Let him deal with his own shit. Anuba, 12 years na ako nun na piyon, alam ko na kung paano maghalo ng semento.

    So in other words, hindi ikaw yun. Siya ang may sayad. And if you think about it, you’re better off not working for someone like that.

    1. ganyan na ganyan ang eksaktong sinabi sa akin ng “kuya” dito sa bahay, ayaw nga daw ng mga ‘yun na nalalamangan sila natatakot daw. at eksakto din na iyan ang naisip ko mas ok na dun pa lang hinarang n’ya na ako kesa ‘yung matali ako sa dalawang taon na kontrata na kasama s’ya.. mas magmumukha akong tanga nun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s