hindi bansa ang dubai

kamusta naman ako? mabuti naman ako at salamat sa pagtatanong. magdadalawang linggo na ako dito sa dubai, ok naman ako at medyo nasasanay na rin sa buhay dito. napagdaanan ko na ang panunugat ng labi dahil sa lamig sa labas at nalipasan ko na ang pagkailang sa paggamit ng cr habang may mga taong palakad lakad sa kabila ng pinto.. hindi ako sanay ng may ibang mga kasama sa bahay at sobrang bihira akong makitulog sa ibang bahay nung nasa pilipinas pa ako pero kailangan kong sanayin ang sarili ko ngayon, swerte na mababait naman ang mga kasama ko dito. naiiwan akong mag isa tuwing pumapasok sila sa trabaho lahat pero hindi ako nakakaramdam ng pagka inip, katulad ng dati sanay akong mag isa.. tinuruan ko pa nga ang sarili ko na mag inom mag isa sa pilipinas ‘di ba? sanay ako na walang kausap at hindi malaking bagay sa akin kung mapanisan ako ng laway. ang problema na lang ‘yung pag utot ko, aircon ang buong bahay at hindi ko alam ang batas kung papaano umutot sa ganito. tsaka nung nasa pilipinas ako pag utot, utot talaga.
ganito pala talaga sa abroad masyadong haytek ang mga gamit kaya lahat ng bagay bago lahat sa paningin ko, may kung ilang araw din akong nangapa bago ako nasanay gamitin ang mga kasangkapan dito katulad ng rice cooker, microwave, at ‘yung shower na pwede kang mag wish kung mainit o malamig ang tubig.
may trabaho na sana ako sa unang interview ko pa lang dito kundi lang ako nababaan sa  sweldo. dun sana ‘yun sa sharjah, parang dubai din ‘yun pero hindi.  magiging dalubhasang tiga pag assemble sana ako ng mga gadget sa pagkalkula ng panahon, madali lang sana pero graveyard ang oras para sa mga kliyenteng nasa amerika at may mga panahon pa na kinakailangan kong puntahan ang ibang kliyente na malapit para ayusin ang gadget nila. mababang sweldo para sa anim na araw na pasok, halos katulad lang ng sweldo ko sa pilipinas. meron daw mas mataas ang bigayan at halos sampung triple ng sweldo ko pero kinakailangan nilang butasan ang bumbunan ko at kabitan ng isang gadget na susukat sa temperatura ng hangin, wala daw akong gagawin kundi tumakbo ng tumakbo paikot sa loob ng walong oras araw araw.
naikondisyon ko na ang sarili ko na eto na ngayon ang buhay ko, ok na ako dito. malayo sa mga kaibigan ko sa pilipinas pero at least dito kung tuluyan mang malagas ang buhok ko maisisisi ko ‘yun sa init ng tubig sa shower at hindi ko na kinakailangan pang magimbento ng kwento katulad ng nung natuklasan ko kunyari na anak pala ako ng nanay ko sa isang amerkanong amo n’ya dati masyado akong nadepress kaya tinubuan ako ng kung anu anong sakit na naging dahilan ng unti unting pagkaubos ng buhok ko. namimiss ko rin naman ang buhay ko dati at hinahanap hanap ko rin minsan ang mga kaibigang naiwan ko sa pilipinas katulad ng pagkamiss ko sa gatas.

..hindi ako umiinom ng gatas.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “hindi bansa ang dubai”

  1. wow bossing,dubayuki ka na talaga…
    ganito pa rin ba ang sitwasyon sa dubai?
    ang kwarto nyo ba ay may partisyon? na maaring, kabinet lang, o kaya naman lawanit…o kung mejo dukha, eh kurtina na lang labanan?
    ang mga damit nyo ba ay nasa maleta lang lagi? dahil wala ng space sa loob ng kwarto?
    halo-halo ba sa kwarto ang lalake at babae?
    namiss ko bigla ang dubai…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s