ay kayo po pala ‘yung tito n’ya, ako po si jon.. kamusta po?

ginising ako ng isang hindi inaasahang anunsyo ilang araw bago ako umalis papuntang malayong bansa. pupunta daw dito bukas ang kapatid na lalaki ng lolo ni polin na hindi ko pa nakikita kahit kailan, wala naman problema sa akin kung gusto n’yang pumasyal o tulad ng sinabi n’ya na isasama n’ya daw dito ang anak n’ya para dito na sila kumain ng tanghalian, isang bagay lang ang medyo nag iwan ng mapait na panlasa sa dila ko.. kaya n’ya daw gustong pumunta dito para daw makilala ako. seryoso, hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lohikal na dahilan sa sarili ko kung anong dahilan at gusto n’ya akong makilala at bakit kung kelan paalis na ako. maniwala ka, hindi ito pagiging suplado o pagmamayabang pero hindi normal sa dalawang lalaki ‘yung ganun na bibisita ka sa isa para makilala mo s’ya, kung magkakakilala man kami hindi sa ganung paraan, pwedeng sa isang reunion o sa isang aksidenteng pagkikita sa mall.. hindi sa ganun na pinlano. hindi ko alam pero seryosong hindi ko malunok ‘yung ideya na ‘yun parang may humaharang sa lalamunan ko.
isa pa, para magkakilala ang dalawang tao kailangan mutual ‘yun. gusto ng isa at gusto rin ng kabila, hindi pwedeng isa lang. sa agwat ng idad namin ano naman ang pag uusapan namin? porn? sabong?  tinanong ko ‘yung apo n’ya kung anong hilig ng kapatid ng tatay n’ya. gym daw. good luck.
pasensya na talaga, isipin n’yo na lang na binibigyan kita ng pabor sa pagtanggi ko. hindi ako interesanteng tao at ayokong mag mistulang tofu ang utak n’yo sa inip habang ikinukuwento ko sa inyo ang makulay na buhay ko dito sa internet. oo, iyon lang ang meron ako.
sa madaling salita, kahit makilala n’yo man ako o hindi walang ipapagbago ‘yun sa buhay n’yo. hindi n’yo hahanap hanapin ang presensya ko at hindi kayo magigising sa gitna ng madaling araw at maghahabol ng hininga dahil sa pangungulila n’yo sa akin. hindi ako ang tipong hahanap hanapin n’yo.

pupunta na ako sa dubai ilang araw na lang, ‘wag n’yo ng sayangin ang panahon n’yo sa akin.. wala akong kahit anong maiooffer na ligaya sa inyo. ituloy n’yo na lang ang pagpapalaki ng katawan d’yan sa kung nasaan man kayo ngayon. mag aerobics lesson ka o kung ano mang kabaklaan na naiisip n’yong gawin habang nakaharap kayo sa mga lalaking katulad n’yong pawisan at naka cycling shorts.. bahala na kayo.

o kaya ifollow mo na lang ako sa facebook.

lubos na gumagalang,
Jon Cabron po.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “ay kayo po pala ‘yung tito n’ya, ako po si jon.. kamusta po?”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s