silvia saint

kagabi ko lang napansin na nawawalan pala ako ng unan. paborito ko pa man din ‘yun at halos hindi ako nakakatulog ng maayos pag hindi ko yakap ‘yung hotdog pillow ko na ‘yun, at para patunayan na hindi s’ya pangkaraniwang unan lang para sa akin pinangalanan ko s’ya ng silvia, wala naman espesyal na kung ano sa pangalang ‘yun pero walang pangalan ang ibang unan ko at iyon ang gusto kong sabihin dito. hindi ko na matandaan kung saan at papaano s’ya nawala, hindi ko na rin matandaan kung kelan ko s’ya huling nayakap at nakita. isa lang ang ibig sabihin nito, kung may dalubhasang mag aaral sa kwento ng buhay ko at huhusgahan ako dahil sa pagkawala ng mahal kong unan ng hindi ko namamalayan sa loob ng mahabang panahon maikukumpara n’ya ako sa isang ama na walang kwenta o sa isang taong walang pagpapahalaga sa pakiramdam ng mga taong nagmamahal sa kanya, ewan ko.
bumalik ako sa bahay ng mga nanay ko at nagbakasakaling makita ko dun si silvia pero nabigo ako. wala s’ya sa kwarto ng kapatid ko at lalong wala s’ya sa kwarto ng mga magulang ko at wala din sa kwarto ko dati. malamang naitapon na, naitapon na ng wala man lang pasabi sa may ari.
malamang nga basta nalang itinapon ng nanay ko ‘yun. sino ba naman ang mag iisip na may silbi pa pala ang unan na may butas at nangangamoy clorox.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s