pssssst!

ang ibig sabihin lang nun kaya wala akong ginagawang paraan para magustuhan n’yo ako, wala akong pakialam. kung gusto mo ako tatangkilikin mo ang mga sinusulat ko at kung ayaw mo naman  sa akin babalik balik ka pa rin dito para maghanap pa ng mga bagay na ikaaayaw mo sa akin, sa madaling salita ke gusto mo ako o ayaw mo magbabasa ka pa rin ng mga sinusulat ko.. at iyon lang naman ang habol ko talaga sa’yo. ganun din naman ‘yun ke gusto n’yo ako o ayaw n’yo wala din naman mangyayaring sekswal sa atin.. aksaya lang ng emosyon. magsusulat ako at magbabasa ka lang.
hindi ako nagsusulat para manligaw ng paghanga at hindi ako nandito para magustuhan n’yo. walang saysay sa akin kung idolo mo ako o kung nagagalingan ka sa akin dahil sa bandang huli, pagkatapos ng lahat at paglogout ko sa internet isa pa rin akong matabang tao na pinagpapawisan ang ilalim ng suso dahil sa init ng panahon katulad n’yo.
ilang beses na akong nakatalisod ng sariling sulat ko dito sa internet na ginamit ng ibang tao ng walang paalam o pasabi, wala na sa akin ‘yun. habang inaangkin mo ang mga salitang lumalabas sa bibig ko at inaari mong sa iyo pinapatunayan mo lang na wala ka nung pinanggagalingan nung mga salitang ‘yun, andyan lang ang ulo mo para pandesenyo sa katawan mo at panimbang para magpantay ang lakad mo.
nagsusulat ako pag masaya o pag malungkot ako. natutunan kong kaibiganin ang sarili ko dahil sa pagsusulat at dun ko napatunayan na hindi ko kailangan ng ibang tao para maging masaya, mahusay na tiga pakinig ang sarili ko at ni minsan hindi s’ya nagkumento ng mga bagay na alam n’yang masasaktan ako. masaya ako na sa tagal kong nagsusulat kahit papaano nakapagpundar na rin ako ng mga matitibay na mambabasa, may kung anong kasiyahan akong nararamdaman sa ibabang bahagi ng katawan ko tuwing nakikita ko ang matatag na bilang ng mga bumibisita dito sa blog ko araw araw. hindi pala-komento ang mga nagbabasa ng entry ko pero ayos lang, hindi naman ikakahaba ng ano ko ang mga komento nila.. at madalas, hindi ko binibigyan ng masyadong pansin ang isang bagay na hindi naman nakakaresolba ng problema ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s