threatmill

nagulat na lang ako pagsilip ko sa bintana para itapon ang balat ng chichirya na pinabili ko sa pamangkin ko, madilim na pala sa labas. gabi na naman. katulad ng mga naunang araw buhat ng hindi na ako pumapasok sa trabaho nilubugan na naman ako ng araw sa higaan. mabibilang lang siguro sa daliri kung ilang beses lang akong tumayo sa higaan at mahahati mo lang siguro sa apat na kategorya ‘yung iilang pagkakataon na ‘yun. kumain sa kusina, nag cr (umihi / maligo), kumuha ng yosi (dito na rin ako sa kama nagyoyosi), at sumilip sa pinto kung sino ang kinakahulan ng aso sa kabila.
lahat ng mga bagay na kakailanganin ko nakakalat lang dito sa kama sa may paanan ko, andito ang celfone at charger na hindi nakasaksak sa kanya pero nakasaksak sa outlet, charger at notebuk na nakasaksak at walang hugutan, lighter. isang bagay ang naisip ko, dahil kinukulang na naman ako sa exercise malamang na antaas na naman ng dugo ko, kinakailangan kong maghanap ng pagpapawisan. binabalak ko na kanina na kunin ‘yung portable treadmill sa mga nanay ko pero naisip ko naman na wala akong pagpupuwestuhan nun dito sa amin kaya ang mangyayari kukunin ko s’ya dun sa kabila dadalhin ko dito tapos pag ok na ako at pakiramdam ko natagtag na ang lahat ng taba ko sa katawan bibitbitin ko ulit ang treadmill pabalik sa mga nanay ko, masyadong matrabaho. bigla kong naisip, kung ano ang posible kong kahinatnan pag nagpatuloy ako sa sistema ko na hindi man lang ako pinapawisan at halos hindi na ako tumatayo dito sa kama.. tama, mararatay ako sa higaan.. wala rin naman pinagkaiba. tingin ko ayos na din, hindi naman ako masyadong maninibago siguro.
ok, baka magkarashes lang ako sa mga unang buwan dahil sa diaper pero sigurado naman ako na makakasanayan ko din ‘yun.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s