ang sikreto ko dati

nung bata pa ako at bawal pa uminom ng alak ang tanging takbuhan ko lang pag sobrang lungkot ko, ang paliligo. hindi ko alam pero pakiramdam ko natatangay ng agos ng tubig sa buong katawan ko ‘yung lungkot na nararamdaman ko tuwing naliligo ako. ilang beses ko ng naranasang isabay sa buhos ng tubig ‘yung mga luha at paghikbi ko at itago ang mga hagulhol sa pagpatak ng tubig sa semento.
tuwing nagaaway kami ng tatay ko dati madalas hindi na lang ako sumasagot, alam ko naman kase na hindi rin naman ako mananalo masasaktan pa ako at masisisi pa ng nanay ko.. ikaw kase sumagot sagot ka pa, paliligo ang nagiging takbuhan ko sa mga pagkakataon na ‘yun. nilulunod ko ang sarili ko sa patak ng tubig sa mukha ko habang ibinubulong ko sa sarili ko lahat ng mga gusto kong sabihin sana sa tatay ko at ang maraming katanungan sa nanay ko.. hanggang halos hindi na ako makahinga, pagkatapos nun pakiramdam ko gumagaan ang dibdib ko.. parang may natatanggal na bara.
hindi ko na maalala kung kelan ko unang nadiskubre ‘yun at kung may kinalaman ba dun ‘yung lumaki akong walang kaibigan at masasabihan ng problema dati. basta naging otomatik na sa akin ‘yun, lahat ng problema na wala akong mapagsabihan at lahat ng mga bagay na wala akong mapagkwentuhan idinadaan ko sa ligo.
hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam ng ganun o may iba pang gumagawa ng ganun, hindi ko ipinagsasabi dati ‘yung gawain ko na ‘yun natatakot ako na baka pag marami nang nakaalam nung sikreto ko, katulad ng napapanood ko sa tv dati patungkol sa mga sikretong agimat parang unti unti itong mawawalan ng bisa, natatakot akong mawalan ng pagtataguan ng emosyon ko.
naaalala ko pa, puring puri ako ng mga tiyahin ko dati, ako daw ang pinakamabangong bata sa lugar namin.. lagi daw kase akong bagong paligo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “ang sikreto ko dati”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s