posibleng huling entry

mamamatay na yata ako sa gutom. wala man lang kahit anong de lata dito, wala din kahit anong makakain sa ref maliban sa harina. kahit man lang sana agiw sa kisame pero wala din. alas onse pa kahapon ng umaga ang huling kain ko matapos akong iwan ng mga tao dito. seryoso, kung may buntot lang ako kanina ko pa hiniwa at pinirito wala akong pakialam kung wala na akong buntot bukas, aanhin ko naman ang buntot?!
medyo malayo ding lakaran ang pinakamalapit na karinderya dito, wala na akong lakas at natatakot akong baka matumba na lang ako kung saan dahil sa gutom bago ako umabot dun. kakauwi ko lang galing sa walong oras na magdamag na trabaho, siguro naman nasa akin ang lahat ng karapatan para tamadin na bumili ng sarili kong pagkain.. kung hindi lang sana ako umasa ng sobra sa pusong ina ng nanay ko sana man lang kahit spageting palengke nakabili ako kanina sa daan.
sinubukan kong magdasal at humingi ng tulong, sinabi ko na kahit ano lang maitawid ko lang ‘yung gutom ko. hindi ko alam kung anong mensahe ang gusto n’yang iparating pero wala pang limang minuto pagkatapos kong magdasal tumae ‘yung aso ko sa mismong harapan ko. hindi ko alam kung anong ibig sabihin n’ya dun.. nakakaoffend lang.
siguro itutulog ko na lang ‘to o hihintayin ko na lang na mamatay ako sa gutom, basta kung ano na lang ang mauna. pag hindi n’yo na ako nakita sa twitter o dito sa blog ko pagkatapos ng entry na ‘to ibig sabihin lang kinain na ng malaking bituka ko ‘yung maliit na bituka ko. hindi din uubra sa sitwasyon ko ‘yung biro na “hahabol sa araw ng patay” dahil sa tuesday pa magkakatao dito, ibig sabihin dun pa lang matatagpuan ang namamaga kong bangkay kung sakali. alam mo na ang pinakalohikal na dapat mong gawin, iprint mo ‘tong entry ko na ‘to ngayon pa lang at malay mo dumating ang araw na magkaron ng halaga ang isinulat ko na ‘to. pakibalatuhan na lang ako ng sinangag at sabaw kape sa puntod ko kung sakali. pakisamahan ng itlog na prito. ‘yung buo ang pula.

Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “posibleng huling entry”

  1. para yan lang? OA!! uminom ka lang ng maraming tubig,mabubusog ka na. isipin mo na lang na madami kaming nagmamahal sa yo at pag namatay ka,di kita madadalaw dahil masyado ka malayo.wag naman. :biggrin:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s