binibining pwede na

dalawa lang kaming lalaki sa limang pasahero ng jeep na ‘yun kahapon, sa unahan s’ya katabi ng drayber at ako sa likuran kasama ng tatlong kababaihan. lumilipad ang isip ko sa byahe kakaisip ng bagong patuka sa utak at entry para dito sa blog ko, pag ganun na kahit anong piga ko na at wala pa ring lumalabas na katas sa utak ko inihihinto ko na ang pag iisip natatakot akong kumbulsyon na ang kasunod nun. inisa isa kong tignan ang mga babaeng kasakay ko, sa tingin ko pinakamaganda ‘yung babae sa harap ko mukhang anim na ang anak n’ya pero mukhang may asim pa din, mukha s’yang tumakbo pasakay ng jeep pagkatapos mag igib ng tubig pero mukhang may kahit katiting na tamis pa rin naman na nakatago sa asim ng katawan n’ya. pero ayos din ‘yung katabi n’ya, mukhang kubrador ng jueteng pero may katawan naman, bungal ang ngipin sa harapan pero kahit ganun mukha s’yang mabait at maalagang babae sa asawa n’ya, naisip ko p’wede na. huli kong nabigyan ng atensyon ‘yung babaeng katabi ko, hindi sa pag aano pero para sa akin hindi pangkaraniwan ‘yung babaeng mataba tapos kulot, hindi pangkaraniwan at hindi tama. dalawa lang ‘yan para sa akin e kung mataba ka maganda ang buhok mo dapat at kung pangit ang buhok mo wala ka dapat problema sa timbang mo.. ganun kasimple, napakasaklap kung matabang babae ka tapos kulot ka pa. ok, alam ko na may pagkakulot na maayos naman, umaasa ako na nagkakaintindihan tayo kung anong uri ng pagkakulot ang tinutukoy ko dito.
pero sa kabila ng itsura ng buhok n’ya at sa halatang problema n’ya sa timbang s’ya ‘yung tipo ng babae na mukhang maalalahanin, ‘yung bawa’t kilos n’ya ipapaalam n’ya sa’yo sa pamamagitan ng text at lahat ng galaw mo interesado s’yang malaman sa kahit na anong paraan, p’wede na din.
malapit na ako sa lugar na sakayan ng bus kaya ibig sabihin malapit na akong bumaba, hinihiling na ng pagkakataon na pumili ako sa tatlong babae. para sa akin pinaka pwede na ‘yung babaeng mataba at kulot. masyado akong possessive kaya importante sa akin na alam ko ang bawa’t kilos at galaw ng babaeng mamahalin ko.
kung sa ordinaryong sitwasyon hindi ko mapapansin ‘yung babaeng ‘yun, ganun nga siguro talaga kumbaga s’ya ‘yung pinakamay itsura sa lahat ng pangkaraniwan. hindi pang display, hindi pamporma. basta pwede na.
naisip ko tuloy ‘yung buhay ko nung high school at hindi na ako nagtataka kung bakit ampapangit ng mga naging ex girlfriends ko. nasabi ko nga dati, isa sa kinakatakot ko pag namatay ako baka magpuntahan ‘yung mga ex ko at malaman ng pamilya ko kung gaano kasagwa ang taste ko pagdating sa mga babae.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “binibining pwede na”

    1. nasa iisang bangka tayo na may nakasulat na “mas gusto ang malaman” maganda lang naman talagang tignan ‘yung babaeng buto buto sa kaseksihan pero hindi s’ya ganun kaganda sa pakiramdam pag ano na. ayoko din ng kulot kase kulot na ako.. ayoko sa sarili ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s