tanong sagot 20

mga sinagot na tanong.
MULA DITO

T. kua i.t. din ako, nakakatamad mag aral ng i.t. maski na pangarap ko to, anu mapapayo mo?
S.hindi ko maintindihan kung bakit ka tinatamad para kaseng hindi tamang magkasama sa iisang pangungusap ang salitang “pangarap” at “tinatamad”. tingin ko tipikal ka na estudyante na kumukuha ng kursong IT, ‘yung tipong napahilig sa mga online games o naging tambay sa internet cafe kaya naengganyong kumuha ng IT, malawak na kurso ‘yan, iho. maniwala ka sa akin, kung matapos mo man ngayon ‘yan pero isa ka sa matatawag na basta “nakatapos” lang dahil pinairal mo ang katamaran mo.. ikaw din ang kawawa paglabas mo ng eskuwelahan na binayaran ng mga magulang mo.

T. pano pag ginawa kang kabit na wala kang kamalay malay, anung gagawin mo?
S.wala kang kamalay malay, ibig sabihin hindi mo alam na may asawa na pala s’ya, tama ba? sa oras na malaman mo ang totoo alamin mo kung bakit s’ya naglihim sa’yo at pagkatapos alamin mo sa sarili mo kung sapat ba ang dahilan n’ya para magpatuloy pa ang relasyon na meron kayo.

T. puwede ba kitang mahalin???😉
S.oo naman.

T. turuan niyo po ako ng mga teknik sa pagsusulat.
S.swerte mo may entry ako tungkol d’yan dati. click mo ‘to

T. who would you love… someone who completes you? Or a person who loves you completely?” asked by mylkah
S. someone who completes me, ang ganda kaseng pakinggan.

T. me pag-asa pa bang magkabalikan kame ng ex gf ko???na naghiwalay just this may…kc meron na syang iba pero feeling ko mahal nya pa rin ako….
S. meron, kung dadaanin mo sa dahas, biro lang. seryoso, ‘wag ka ng umasa. hindi s’ya magkakaron ng iba kung mahal ka pa n’ya, ganun lang kasimple ‘yun. at tama ang ginamit mong salita “feeling mo lang” ‘yun. at seryoso, sa nakikita kong paggamit mo ng tatlong question marks sa pagtatanong mo at tatlo hanggang apat na tuldok sa pagtatapos ng pangungusap, labis akong nagtataka kung papaano n’ya nakuhang ipagpalit ang isang diyamanteng katulad mo.

T. ano ang maipapayo mo sa isang babaeng may kabit ?
S. aba e ‘wag naman.

T. ano ang dahilan kung bkit ka uminom?
S.hmmm maraming dahilan ‘yan pero maniwala ka kalimitan nauuhaw ako kaya ako umiinom.

T. wala ka bang matinong litrato na maipapakita? Hindi ko alam kung bakit curious ako pero siguro minsan nagiging kupal din ang mga babaeng tulad ko😐
S.kung hindi ka natitinuan sa mga litrato ko na nakikita mo, papaano naman ako makakatiyak na matitinuan ka sa mga kuha ko na may mukha? may dahilan ang lahat ng bagay, iha.

T. Bakit may mga taong bumibitaw tapos ipaparamdam parin yung tinatawag nilang kaputa-putahang affection? Hindi ba pwedeng break tapos period. Naaalibadbaran ako sa kanila. Kung ako lang ay si Darna, panigurado tinadyakan ko na peys nila.
S.gusto ka pa rin n’ya pero ayaw n’ya na nakatali s’ya sa’yo para magagawa n’ya lahat ng gusto n’ya sa buhay n’ya ng andyan ka pa rin tapos pag nagreklamo ka may ipambabara s’ya sa’yo na “bakit tayo ba?” IKAW PALA EH!

T. may asawa’t anak ka na ba? Sayang
S.kukuwentuhan kita,isinama ako dati ng isang kaibigan sa probinsya nila sa may parteng nueva ecija. nagulat ‘yung nanay n’ya na dinatnan namin dun kase hindi man lang daw nagpasabi ‘yung anak n’ya na luluwas s’ya dun, hindi man lang tuloy s’ya nakapaghanda ng pagkain nakakahiya at may bisita pa naman daw na kasama.. ako nga. sabi nung kaibigan ko kahit ano na lang daw na meron dun at sinegundahan ko naman na oo nga, tutal pagod din naman kami sa byahe kaya baka hindi rin kami makakain ng maayos. napagdesisyunan na lang ng nanay n’ya na magtinola, tamang tama daw dahil maniba na ‘yung bunga ng tanim nilang papaya, ayun daw ang masarap ‘yung alanganing hilaw at alanganing hinog. isinama n’ya akong manghuli ng manok sa likod ng bahay nila.. ang hinuli n’ya ‘yung nakatali, itinanong ko kung bakit hindi na lang ‘yung mga nakaalpas na pagala galang manok ang iluto n’ya nakakahiya naman dahil mukhang alaga ‘yung nakatali kase.. ang sagot sa akin ng nanay n’ya mas mabuti na ‘yung nakatali kase malinis hindi tulad ng mga manok na gala kung anu ano ang tinutuka n’yan sa kung saan saan at isa pa mas madaling hulihin ang nakatali.
tapos, ayun ansarap ng tinola.
.. ayun lang naman, ano nga ulit ang ikinakasayang mo sa tanong mo?

T. hindi ko alam kung nakikita ko lang sayo yung ugali ng ex ko pero parang hayok na hayok akong makilala ka. Oh di kaya makita kahit larawan mo. Natutuwa ako sa takbo ng kokote mo na tumutugma rin sa takbo ng utak ng ex ko. to be continue..
S.ayokong makipag kita sa isang taong hayok na hayok na makita ako. iyan ang sigurado.

T. pero nasisigurado ko na di ko na siya mahal. Sadyang may pagkakapareho lang kayo. Nung sinimulan kong basahin yang blog mo, nais ko ng ngumuya ng ipis para lang matanggal lang yung ngiti ko kahit isang minuto lang. (Pero minsan, bolera talaga ako) tbc..
S.pero gusto kong makakita ng babaeng ngumunguya ng ipis.

T. sa wari ko, 18 years na akong humihinga at nambobola ng mga tao xD) At sobrang iniidolo kita simula sa patay mong kuko hanggang sa daliri ng anak mo. Astig mo pare! :-bd At sana makabangga kita dito sa Muntinlupa tapos igagapos kita at ipapalapa sa bakla
S.wala akong patay na kuko!

T. nasaan na ang nanay ng anak mo? At tunay bang may girlfriend ka?
S.masyadong malawak ang tanong mo, bakit hindi natin gawing simple lang.
papaano ba magluto ng lucky me pancit canton?

1. magpakulo ng dalawa’t kalahating tasa ng tubig.
2. ilagay ang noodles sa nangangalit na kumukulong tubig.
3. pagkalipas ng tatlong minuto, hanguin ang noodles.
4. salain at itapon ang tubig.
5. ilagay sa plato o mangkok ang noodles pagkatapos maihiwalay sa tubig.
6. ilagay ang mga sangkap (toyo at panlasa)
7. haluin.
8. lagyan ng nilagang itlog kung nais.
9. ngumiti.

T. LOVE.. means what? to WANT or to NEED?
S. both.

T. eh kung matulog kana kaya? sa piling ko🙂
S.eh kung ‘wag kaya?

tapos na. salamat sa mga tanong ha’
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.