upuan

naalala ko ang gasgas na korning kwento ng isang batang nagmamalaki sa nanay n’ya dahil may bata daw na nadapa sa eskuwelahan nila at pinagtawanan ng lahat maliban sa kanya, matapos s’yang purihin ng nanay n’ya at sabihan na tama ang ginawa n’ya dahil hindi dapat talaga pagtawanan ang batang nadapa dun n’ya lang ipinagtapat na s’ya mismo ang batang nadapa kaya hindi s’ya natawa.
naniniwala ako na natural na sa atin na matawa sa lahat ng katatawanan sa buhay maliban na lang kung tayo mismo ang nasa sentro ng katatawanan na ‘yun. natural na sa ating pangatihan ng tenga at dila sa pakikinig at pagtalakay sa isang kwentong malaman, maliban na lang kung tayo ang pangunahing paksa ng kwentong ‘yun. sa madaling salita, natatawa ka sa mundo pero hindi ka natutuwa pag ang mundo ang tumatawa sa’yo.
ginawa ko ang upuan bilang katuwaan lang, parang usapan ng dalawang taong nakatambay na hindi nagiisip na baka may makarinig sa pinaguusapan nila. masarap pagusapan ang mga bagay na hindi mo pangkaraniwang naririnig sa iba at masarap ipangkamot sa dila at tenga ang katatawanan ng iba.. aminin man natin  ‘yan o hindi.
kwentuhan lang ang habol ko sa mga taong iniimbitahan ko na maupo sa upuan ko, magtatanong lang ako at sasagot sila.. kung may iba man silang intensyon sa isinagot nila sa akin, labas na ako dun. mahaba ang batas sa upuan pero madaling paikliin, mag BUZZ! ka kung ayaw mong sagutin ang tanong.
nasabi ko na dati na hindi ko ginawa ang upuan para magustuhan at mapalapit ako sa mga tao, malinaw na hindi iyon ang intensyon ko dun. alam ko na hahakot ‘yun ng puna at lalong pagkadisgusto sa akin pero wala akong pakialam. simula pa lang hindi na ang “magustuhan” ng mga tao ang laro ko dito sa mundo ng internet at lalong wala akong pakialam kung hindi man ako magustuhan ng mga taong hindi ko rin naman gusto, iyan ang totoo.

“kunyare ka pang para mabuo ulit camaraderie dito sa cyber eh pinapag away away mo lang lalo yang mga yan”

una, hindi ko alam kung dapat ba akong pumatol sa anonymous na mandirigmang katulad mo.
pangalawa, hindi ko alam kung dapat ba akong pumatol sa nakaproxy na mandirigmang katulad mo.
at pangatlo, dahil naisip mong nagkukunyari ako na maganda ang intensyon ko sa upuan.. naisip ko na tatamarin kang magbasa kung sasagutin ko pa ng mahaba ang sinabi mo na ‘yan. aminin mo na hindi ka palabasang tao.

PS
kung sakaling balak mong ligawan si xg, ibang paraan ang gamitin mo para magpasikat sa kanya. hindi ako naniniwala na maaappreciate nun ang isang mandirigmang nakaanonymous na naka proxy pa, kumbaga sa superhero naka maskara na naka invisibility cloak pa.

PS
hindi ako kumakain ng camaraderie na ‘yan at ni hindi ko alam kung ano ang sangkap n’yang ulam na ‘yan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “upuan”

  1. out of all the for guests you’ve invited, the pinakahuli yung kontrobersyal. baket ba? mas marami ba’ng bloggers na namention dun? eh napansin ko, halos parepareho naman ang mga tanong mo sa lahat (keyword: halos). sa totoo lang, ako enjoy ako magbasa ng mga upuan posts mo. although most of the time di ko naman kilala yung mga nilalait or pinupuri nila.🙂

    1. pare pareho nga, tama! kaya ang pagiging kontrobersyal ng upuan ay nakasalalay sa isasagot ng nakaupo dun at isa pa klarado at walang kasing linaw ang batas pag ayaw mong sagutin magba buzz ka lang.. sa madaling salita.. napakasakdal linis ko sa usaping ‘yan at wala akong kasalanan sa magiging resulta ng bawat upuan dahil nagtatanong lang naman ako. at kung may magtatanong sa akin na kung bakit pa kase ako nagtatanong, simple lang ang sagot.. ‘wag mo din akong tanungin, syet!

      salamat, ate chona.

  2. ako din ako din, natutuwang basahin yun…
    bwahahahaha… at gaya ng nasabi mo na, marami dun di ko kilala…pero syempre marami din nababasa ko na o kaya nakita ko na ng personal…

    sensya na masyado na atang huli ang comment ko, ngayon lang ulit ako nakasalubong ng internet eh…hehehehehe…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s