gusto mo ng sikreto?

alam mo kung ano ang sikreto kung papaano ka magkakaron ng maraming girlfriend sa tunay na buhay? ganito ‘yan, pag nakasalubong mo ako sa kahit saang lugar hindi ako ‘yung tipo na lilingunin mo ulit. pag nakasama mo ako sa isang inuman hindi ako ‘yung tipong aagaw ng atensyon mo, hindi naman kase ako palasalitang tao sa labas ng internet. walang kapansin pansin sa anyo ko bukod sa maputi akong tao na alam naman natin lahat na mas maraming babae ang mas gusto ‘yung moreno para sa isang lalaki, mas macho daw kaseng tignan. hindi rin ako matangkad at lalong anliit ko tignan dahil hindi ako payat. anlaki ng noo ko at anliit ng tenga ko na pinalamutian pa ng ilong ko na parang hindi talaga para sa mukha ko. pangit ako maglakad at para akong siraulo na parang palaging may iniisip na malalim. walang interesante sa buhay ko na umiikot lang sa harap ng computer sa opisina o sa kwarto. wala akong sports at walang akong alam tugtugin na instrumento. hindi ako ang tipo ng lalaki na maihaharap mo sa makaluma mong magulang dahil may tattoo ako at nagmumura ako ng malakas pag nagugulat. hindi rin ako ang tipo ng lalaki na gugustuhin mong iuwi sa mga makabago mong magulang dahil wala naman akong alam na ibang pagkuwentuhan kundi tungkol sa computer.
para hindi na ‘to humaba, ano ang sikreto ko kung bakit andami kong naging girlfriend sa tunay na buhay? simple lang, hindi ako nakikipag kaibigan sa mga lalaking mas gwapo pa sa akin. wala akong maisip na salitang pwede kong gamitin na hindi lalabas na nagyayabang lang ako at ayoko naman isa isahin dito ‘yung mga babaeng tinutukoy ko, kabastusan naman ‘yun. tignan n’yo na lang ‘yung mga kaibigan ko siguro para maintindihan n’yo kung ano ang sinasabi ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “gusto mo ng sikreto?”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s