birthday cake

hindi ko na maalala kung kelan ako huling nag birthday na may cake sa lamesa. basta ang tanda ko tulad ng isang tipikal na bata sigurado ako na meron ako nun nung unang birthday ko at ‘yung pampito, hindi ko na alam ang mga sumunod pa dun. hindi naman malaking bagay sa akin ang cake pag kaarawan ko. ang totoo hindi ko nga makuha kung bakit naging kaparte ‘yun ng bawat birthday samantalang nakasulat naman sa lobo ang idad ng may kaarawan at pwede naman s’yang magwish pagkauwi ng mga bisita mapagiisipan n’ya pa ng maayos ang hihilingin n’ya ng hindi s’ya magmamadali sa takot na bigla s’yang unahan ng pinsan n’yang gago sa pag ihip sa kandila. ang totoo hindi naman talaga pinapansin ‘yang cake sa handaan, wala naman mahilig kumain nun at kaya lang madalas nauubos ‘yun kase pinagpaparti partehan ng mga tiyahin mong makakapal ang mukha para maiuwi nila sa mga anak nilang hindi nila naisama d’yan sa birthday mo dahil tatlong anak na ang kasama nila.
ginagamit lang naman talaga ng mga magulang ‘yang cake na ‘yan para makapagpasikat sila sa mga bisita, dun din kase nakabase sa kung sinong karakter ng figurine ang nasa ibabaw nun ang estado ng pamumuhay nila.
para sa mga bata isa pa ring ordinaryong tinapay ang cake na ‘yun. ang habol lang nila dun ‘yung mga bulaklak na matatamis na toothpick ang tangkay. madalas pagbusog na ang yaya ng bata ‘yung cake na kinuha n’ya para sa alaga n’ya natitira lang sa plato kasama ng buto ng manok at mga baguio beans galing sa pansit.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s