masarap ang disisais anyos

kung merong idad akong babalikan sa buhay ko iyon ‘yung disisais anyos pa lang ako. ‘yung idad na ang tanging pinoproblema mo lang ay tigyawat, bakit ampangit ng gupit mo, at kung papaano ka makakalusot sa sinehan na nagpapalabas ng hindi pambatang panoorin. iyon ‘yung idad na kahit anong kalokohan ang gawin mo sa mundo at sa buhay mo p’wede mong isisi ‘yun sa pagiging bata mo. ni hindi ka pwedeng makulong sa idad mong ‘yun.
sa idad na ‘yun  ng isang lalaki nagaganap ang napakaraming bago at una sa buhay n’ya at ganung idad din n’ya natututunan ang kahalagahan ng maraming “sana” na ipinagpalit n’ya sa maraming “sana hindi na lang”. madalas ang napakaraming sana at hindi na lang na ‘yun ang nagiging hulmahan kung magiging anong uri ng tao s’ya sa hinaharap.
masasabi ko na ayos naman ang buhay ko nung nasa ganyang idad ako. hawak ko ang buhay ko at ako ang sarili kong tigapag alaga pag nasa kalye ako. mas masarap tumambay sa kalye kasa sa sarili mong bahay. hassle sa bahay dahil nagsisimula na silang manibago sa bagong ikaw ngayon, nakaka urat sa eskuwelahan bakit ba kailangan mong pag aralan ‘yang mga ‘yan e pumapasok ka lang naman para sa baon at para magpa cute.
iyon ang panahon ng pagrerebelde, panahon na maglalakas loob kang ibangga sa prinsipyo ng tatay mo ang hilaw mong prinsipyo. panahon na magpupumiglas ka para makawala sa gabay ng nanay mo, at panahon na makakaramdam ka na pinababayaan ka ng magulang mo pag pumayag ang nanay mo na kumawala ka sa gabay n’ya… dahil laging kailangan mo ng dahilan para magrebelde.
gusto kong balikan ang buhay ko nung disisais pa lang ako. ako ang nagmamaneho ng sarili kong buhay at ayos lang ang mga bangga dahil baguhan pa lang ako, walang problema kung magpatigil tigil dahil hindi ko naman kailangan magmadali, at ayos lang kung magmadali ako at tarantaduhin ang sarili kong buhay dahil mahaba pa naman ang nakalaang oras para sa akin marami pang oras para ayusin ang lahat pag sawa na ako.
iba na ang sakit pag nabigo ka sa ganitong idad. totohanan na ang pagkabasag ng puso mo, hindi na katulad nung mga nauna na konting tulog lang bagong tao ka na ulit. kaya sa ganitong idad ka matututong magpahalaga sa isang relasyon, nasaktan ka na e.
nakakamiss makipaglaban sa mundo dahil lang sa isang relasyon. masarap ang tagumpay at masarap ang idad disisais. masarap sumalisi sa paggo grocery ng nanay mo at kunyari dinala mo lang sa inyo ang nobya mo para lang makikain. masarap ang lahat ng patago, masarap ang mga muntikang pagkahuli. tsaka pag tumigas, tigas talaga.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “masarap ang disisais anyos”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s