tanong sagot 19

ang mga kasagutan.
MULA DITO

T. kamusta ka na jon cabron?parang namiss kita..
S. medyo ayos naman.

T. Paano mo malalamang mahal mo ang isang tao?
S. hmmm pag s’ya na ‘yung mundo mo at s’ya din ang dahilan kung bakit umiikot ang mundong ‘yun.

T. kelangn ko na ba iwan ang bf ko for 5 years kung nagkaanak sya sa naka 1nyt stand nya nung nagcool off kame ?
S. depende sa dahilan ng cool off at sino ang humiling nun.

T. meron pa ba?
S. meron pa naman, matagal lang.

T.
how are you?
S. ayos naman, at ikaw?

T. walang trabaho tatay at nanay ko.3 kaming magkapatid.ako ang bunso.sa tingin mo po okay lang na mag demand ang mga magulang sa sweldo ng mga anak nila?
S. bakit ikaw e ikaw ang bunso? at sa tanong mo, hindi dapat magdemand ang magulang sa sweldo ng bunso at ‘wag nilang ikatwiran na kundi dahil sa kanila wala ka naman ngaon dahil hindi mo utang na loob sa kanila ‘yun kung  nabuo ka dahil na el sila at hindi sila nag ingat at hindi rin nila p’wedeng isumbat ‘yung pagpapaaral nila sa’yo dahil obligasyon nila ‘yun.. pero bilang anak, kung ganun na walang trabaho ang mga magulang mo hindi ka ba kusa magbibigay? oo, depende sa paggagamitan nila. tama.

T. ang hirap mag mahal kapag mahal rin ng barkada mo noh?
S. mahirap manloko ng babae kung mahal ng barkada mo ‘yung babae. pero ‘yung magmahal ng mahal ng barkada, hindi.

T. masama ba kung maging kau ng ex ng friend mo?
S. depende sa lalim ng naging relasyon nila.

T. ano po ba ang tamang timpla para sa pang araw araw na patuka sa utak?
S. ako ang magtitimpla, tutuka ka lang. maging bukas ang isip sa pagtanggap ng patuka sa utak at maging matalino sa kung ano ang papaniwalaan at isasabuhay.

T. Anlaki na ng itinaba ng utak ko kakabasa ng patuka mo. Maraming salamat. S. katulad ng sinabi ng max’s restaurant matapos ang pamimigay nila ng pritong manok.. kung nabusog kayo, napasaya n’yo ako.

T. May entrance ba sa coco manggas?
S. eka di ako sigurado, pag weekends yata at pag may event lang.

T. anong saysay ng isang relationship para sayo? yung tipong magBFGF lang kayo habang teenager pa at yung hindi mo pa aasawahin. diba parang isang cycle lang yun? magmamahalan kayo, magiging kayo, tas maghihiwalay tas nasa huli bitter yun isa. tas panibagon
S. bakit ka makikipag relasyon sa isang taong wala ka naman balak o hindi mo naman pinangarap maging asawa? may mali sa ginagawa mo kaya ka hindi makaalis sa cycle na sinasabi mo.

T. ano ang kanta na di mo na lilimutan?
S.trick question ba ‘to? hindi kita malilimutan. hindi mo ‘ko kaya, iho.

T. bakit may mga babaeng parang anghel, pero pag naka talikod saksakan ng kalokohan at kasinungalingan?
S. ‘wag mo nga daw kaseng husgahan ang libro sa panlabas n’yang pabalat.

T. anong tingen mo sa taong puro yabang lang ang nasa katawan?
S. sa totoo lang, hindi naman masama magyabang minsan dahil paraan ‘yun para ibenta mo ang sarili mo, pero ‘wag naman sobra s’yempre na halos maski ikaw hindi mo na mamukhaan ang sarili mo.

T. kuya jon!! nako sobrang idol talaga kita.. keep it up.. dahil sa blogg mo medyo madami akong natulungan kaso. lang ang laki ng magiging feed back mo sa mga tao.. pero thank u talaga.. salamat jon cabron..
S. salamat, sobrang idol din kita.

T. hindi na ba kayo magkaibigan ni lengai? wala na akong naririnig na balita sakanya mula saiyo and vice versa.
S. hmmm hindi na siguro. nagkamali s’ya ng side na pinanigan at nagkamali s’ya kung bakit kailangan n’ya pang pumili ng papanigan e pwede naman s’yang gumitna na lang na katulad ng mga normal na kaibigang may matinong isip.

T. ano ang upuan na ito?
S. ako naman ang magtatanong at kailangan kong mapa BUZZ! ang nakaupo sa harapan ko sa pamamagitan ng labinlimang mabibigat na tanong para matapos ang tanungan.

T. mahl mo a ako?
S. hmmmnope?

T. paano ba makapasok sa internat sex yung nagsasayaw ng nakahubad yung babae sa harap ng video
S. download ka ng camfrog, pasalamatan mo ‘ko pagkatapos.

T. bkit kulay dilaw c spongebob???
S. dahil intsik s’ya. loljke.

T. Dapat bang palitan ang pangalan ng show na Ben10 dahil lagpas na sa sampu ang monsters nya??
S. wala akong pakialam.

T. bat ka galet kay chicksilog at baket ninyo siya lagi pinaparingan? insecure lang yta kayo sa kaniya? tanong lang po wag u mgalit
S. hindi naman ako galit kay xg at wala din naman dahilan para magalit ako sa kanya dahil hindi n’ya naman ako inaano. madalas lang akong maglaro dito sa net at minsan “natutuwa” lang ako sa kanya. masarap naman talagang makipag laro sa taong maingay. sinong “n’yo” ano sinasabi mo? wala akong natatandaan na ibinilang ko ang sarili ko sa kahit na anong “nyo” dito sa net, wala din akong alam sa ibang may issue kay xg kaya hindi ako makakapag salita para sa kanila. hindi ako kahit kailan nainsecure kay xg at sa kahit na kaninong blogger, may sarili akong mambabasa at naniniwala ako na may matatag akong pundasyon sa mga mambabasa na ‘yun.

T. heres hoping na tumagal kayo ni *** para hindi nman masayaang ang pananakit ninyo sa ibang tao, u know what i mean!
S. ‘wag kang mag alala, tatagal kami. bakit? dahil sinabi ko.

T. kamusta na si azrael?
S. azrael’s merryland? ok naman s’ya.. dito s’ya nagbablog oh.

salamat, motherfuckers.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.