may araw ka din

ilang gabi na akong natutulog ng maaga dahil ilang araw na akong pinapahirapan ng lalamunan ko na namamaga. ilang araw na dagdag dusa dahil hindi p’wedeng magsick leave sa trabaho. naka leave ang reliever at nakarest day ang kapalitan kinabukasan. sobrang dusa ang kumbinasyon ng pamamaga ng lalamunan at ng ubo. ansakit na ng dibdib ko kakapigil umubo dahil pakiramdam ko nagagasgas ang lalamunan ko. at lahat ng pagdurusa na ‘yan basta’t nasa bahay rin lang ako pag talagang hindi ko na kaya idinadaan ko na lang sa pagtulog. hindi naiiba ang gabing ‘yun. maaga akong nagpaalam sa mundo ng internet at pinilit ipikit ang mga mata ko habang kinukumbinsi ko ang isip ko na matulog na at magretiro na para sa araw na ‘yun. eksaktong naghahalo na ang realidad at panaginip sa diwa ko ng tumunog ang celfone ko. isang mata lang ang kinaya kong gamitin sa pagbabasa ng mensahe na ‘yun dahil sa antok pero bigla ang pasok ng laman ng mga pangungusap na ‘yun, sapat na para mapatalon ako sa kama.. ng nakahiga.

“ui ung pic mo sa FB may nag edit tska binaboy.. naka tag lang sken. san kaya nakuha pic mo na un? tska ang sagwa.. dami nga nagcomment eh.”

andami daming posibilidad ng kwento ang nabuo sa isip ko bago pa ako makatayo mula sa pagkakahiga. anong picture ang tinutukoy dun? ‘yun ba ‘yung picture ko na lasing na umiihi at game na game na ngumiti sa camera ng tropa? pero nangako sila na walang maglalabas nun ah.. umiyak pa nga ako kinabukasan nun. anong picture ko ‘yan na paniguradong nasa masamang anggulo ako at anong picture ko ‘yan na malamang sa hindi e nakahubad ako at nakahandusay ang mga taba ko sa katawan? .. at aling scandal ko ‘yan na ipinagkatiwala kong mabubura ng simpleng SHIFT + DELETE lang sa hiniram kong digicam ng isang kaibigan?
eto ang isa sa mga sitwasyon na kung tunay kang lalaki hindi mo ‘to haharapin ng walang nakasinding sigarilyo sa bibig mo. kahit sumasakit ang lalamunan ko at halos masamid ako kada hithit ng usok pakiramdam ko nakaka kuha ako ng lakas ng loob sa bawat pagbuga nun. sa wakas, nakuha ko na mula sa bag ko ang notebook ko at sa wakas kahit nanginginig ang mga kamay nailagay ko ng maayos ang baterya n’ya. kabadong kumonek sa wifi at kinakabahang nag login sa facebook. .. payapa naman ang lahat.
nakadalawang padala na ako ng text sa naghatid ng mensahe sa akin na wala akong natanggap na sagot bago ko napag pasyahang tumawag na lang.

Jon: hello! nasaan? anong picture ba ‘yun?
Babaeng iyon: hahaha! tanga! joke lang ‘yun, iiscroll mo kaya!

bigla kong naramdaman ang hapdi ng lalamunan ko at ang sakit ng dibdib ko na kanina ko pa sana naipahinga, bigla ang akyat ng dugo sa ulo ko.

Jon: putangena natutulog ako!  tangena, may sakit ako!
Babaeng iyon: ay sori, hindi ko alam.. sori.
Jon: letse!!!

at ibinaba ko ang telepono. sinilip ko ulit ang mensaheng ipinadala n’ya at tinignan hanggang sa hulihan, dun sa hindi na nabasa ng mga mata ko kanina dahil sa pagkabigla.

” JOKE wag kang kabado HaHa! bawi k nlang sa iba. Bwahahahaha!”

isang oras at tatlumpung minuto na yata akong nakabalik sa pagkakahiga pero nagngingitngit pa rin ako. parang babae din ang antok, pag nagbigay ng motibo sa’yo at hindi mo pa sinunggaban papahirapan ka n’yan ng todo sa panliligaw sa susunod na ikaw naman ang magkainteres sa kanya. may maitim akong planong nabuo sa isip ko at nasasabik akong isakatuparan ito sa lalong madaling panahon.
susubaybayan ko ang bawat galaw n’ya at sa oras na malaman ko na wala s’ya sa bahay nila at magkakataon na putol ang telepono nila sa bahay dahil hindi nabayaran o kung ano pa man, tapos kukulangin ang isang araw para bumiyahe pauwi dahil sa layo. magpapadala ako ng mensahe sa telepono n’ya.

“emergency umuwi ka agad, may narinig na sigawan sa loob ng bahay n’yo kanina tapos biglang tumahimik. walang makapag bukas ng pinto n’yo para tignan ang nangyari sa loob dahil parang may bangkay na nakaharang sa pinto”

at pag scroll n’ya:

“sorry, wrong send”

ahhh matamis ang paghihiganti.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “may araw ka din”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s