mayor mayor

sinabayan ko ng mahinang katok ang pagpindot ko ng doorbell sa kwartong ‘yun. may ilang segundo pa ang lumipas bago ko naaninag sa maliit na butas na silipan ang pagkawala ng sinag ng ilaw na nagmumula dun tanda na may tao na sa kabila ng pinto na sumisilip sa akin. isang malaking lalaki ang nagbukas ng pinto at sa ingles na salita pinatuloy n’ya ako at inesplika kung ano ang problema ng internet n’ya. akala ko nung una taiwanese s’ya dahil kakaiba ‘yung puti n’ya, at oo hindi intsik ang unang pumasok sa isip ko dahil.. maputi nga ‘di ba? naayos ko naman agad ang problema n’ya habang nakaupo lang s’ya sa may kama at pinagmamasdan ako. at nung nagpaalam na ako para bumaba, nagulat ako dahil nagtagalog s’ya itinanong n’ya kung saan ako nakatira at sinagot ko na tiga muntinlupa ako.. medyo nagtaka ako sa tanong n’ya dahil medyo bihira itanong ang lugar bago ang pangalan ng isang taong ngayon mo lang nakaharap pero ako din ang kumontra sa isip ko, mauuna ang pangalan kesa sa lugar kung interesado ang tao na makilala ka. malay mo naman kung magtatanong lang s’ya ng lugar na pwedeng pag galaan dun o kaya magkukuwento ng tungkol sa trapik. tumango tango lang s’ya sabay isinunod ang lohikal na naunang tanong dapat para sa akin na sinagot ko naman ng “Jon, sir”. nagulat ako sa sumunod na sinabi n’ya “ang pogi mo talaga, pwede ka bang mag stay?” pero hindi ko binigyan ng malisya sinabi ko na lang na hindi p’wede dahil mag isa lang ako sa opisina sa baba dahil wala pa ‘yung mga boss ko at mapapagalitan ako pag may tumawag dun at walang tao. sa puntong ‘yun binawasan n’ya ng ilang hakbang ang distansya sa gitna naming dalawa, magkukuwentuhan lang daw kami kahit 10 minutes lang at masahihin ko daw s’ya ng konti.. dahan dahan ngunit maingat kong dinagdagan ang distansya naming dalawa ng dalawang hakbang patalikod at inulit ko na hindi ako pwedeng hindi bumaba agad dahil mapapagalitan ako. naglakad na ako papalayo sa kanya at papalapit sa pinto sinabi n’ya na tatawagan n’ya na lang daw ulit ako mamaya, klaro at madiin kong sinabi na “ok lang sir, tawag ka lang pag may problema” pero ang sagot n’ya “basta akyat ka lang kahit ‘di kita tawagan” pipihitin ko na lang ang bukasan ng pinto ng nakaramdam ako ng mahinang tapik sa may puwetan ko kasunod ng dalawang ulit na mabilis na paglamutak “mamaya bumalik ka, bibigyan kita ng allowance” muntik na akong mapatalon sa gulat. may kulang isang minuto na sigurong nakasara ang pinto sa kwarto n’ya pero hindi pa rin ako nakakahakbang papalayo, nagdadalawang isip ako kung kakatok ako ulit dun para sipain s’ya.. sa bayag. seryoso, nainsulto ang pagkalalaki ko sa pag molestya n’ya sa pwet ko at nabastos ang pagkatao ko sa harapan n’yang pag iimbita sa akin ng ganun. naka polo at slacks ako.. konting respeto naman sana. pero nanaig ang hinahon sa sistema ko, bumaba ako sa opisina na mabigat pa rin ang dibdib ko at pakiramdam ko ang init ng lumalabas na hininga sa ilong ko. isang bagay ang nakalimutan ni sir, nasa linya ako ng IT sa hotel na tinutuluyan n’ya at may access ako sa program kung nasaan ang profile ng mga bisita sa hotel na ‘to.
pero nakahinga din ako ng maluwag nung nabasa ko ang profile n’ya, mabuti pala hindi ko ipinakasal ang betlog n’ya sa paa ko dahil hindi pala s’ya pangkaraniwang tao, mayor s’ya sa isang lugar sa isang bayan sa mindanao. isang silahis na mayor.
naisip ko, ano kaya kung sinubukan ko s’yang tanungin kung magkanong allowance ang pinag uusapan namin na ‘yun para lang malaman ko ‘yung market value ko. s’yempre kumbaga sa tinapa kung sa dyaryo mo lang ‘yun ibabalot mura mo lang din s’ya maibebenta kumpara kung ibabalot mo s’ya sa makulay na plastik o palara. sa madaling salita, kung dati na ang suot ko e sandong puti na parisukat ang butas sa leeg at ang presyo ko ay nagkakahalaga lang ng tatlong libreng gupit, magkano na kaya ngayon na naka polo at slacks na ako?
hanggang ngayon nagtatalo pa rin sa isip ko kung tama nga na pinalagpas ko lang ‘yun o dapat kahit papaano sinabi ko sa boss ko ‘yung nangyari. seryosong nainsulto ako.. dahil ngayon lang may baklang gumawa sa akin nun ng wala akong permiso.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

7 thoughts on “mayor mayor”

      1. Sayang nga yung ibinabayad nya sa mga h!nahada nya, e kung mahilig talaga yan, malamang kung iipunin lahat, kaya nang magpatayo ng isang eskwelahan sa probinsya nya. Magbigay ka naman brader ng clue???

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s