sana niresetahan mo na lang ako ng mothballs

hindi ang alarm ng telepono ang gumising sa akin kanina kundi ang paghilab ng tiyan labinlimang minuto bago ang normal na paggising ko para mag ayos pagpasok ng trabaho. naantala din ng labinlimang minuto ang normal na oras ng pag alis ko dahil sa kaba na baka abutin ako ng delubyo sa daan papasok. kung normal lang sana ang opisinang pinapasukan ko na kahit kailan p’wede kang tumawag ng biglaan dahil sa mga problemang ganito baka nasa bahay lang ako ngayon, umiinom ng orange juice at kumakain ng biskwit na marie o sunflower.   pinara ko ang unang jeep na dumaan sa harapan ko at sumakay ako sa unang bus na nakita ko. wala na akong panahon na pumili ng jeep na may bakanteng unahan o bus na may bakanteng pwesto sa may bintana.. isa lang ang gusto kong mangyari nung umagang ‘yun, makapasok ng malinis at may dangal. matapos ang ilang dasal, makailang pangako ng pagbabagong buhay, at ilang minutong pagtutulog tulugan at pag iisip ng magagandang pangyayari sa buhay ko.. nakababa din ako ng bus para takbuhing habulin ang unang jeep na nakita ko na naghatid sa akin sa pedicab na padamba kong sinakyan. hindi na ako nakadaan sa convenient store para bumili ng tubig at pagkain. hindi ko na rin nakuhang manigarilyo na karaniwan kong ginagawa tuwing tinatahak ko ang lugar na ‘yun papasok ng opisina.
sa awa ng diyos na talagang kinulit ko ng pakiusap at mga pangako, dumating naman ako ng maayos sa trabaho. nilapag ko lang ‘yung bag ko sa pinupuwestuhan ko sabay takbo sa clinic, alam kong hindi masyadong makakristyanong paniniwala ito pero para sa akin may mga sakit at pakiramdam na hindi kayang lunasan ng dasal.. kailangan mo ng gamot.
may kung ilang minuto din akong kumakatok sa bintanang salamin ng kwartong ‘yun bago pupungas pungas na lumabas ‘yung nurse para sa oras na ‘yun. kung alam ko lang na s’ya pa ang magiging dahilan para mabasag ang moral ko, sana sa unang tatlong katok umalis na ako o kaya sana binitawan ko na lang ang pagma muscle control sa loob ng bus kanina, ganun din naman pala.

Jon: mam, hihingi sana ako ng gamot.
Nurse na pupungas pungas: gamot saan?
Jon: ansakit kase ng tiyan ko e, kanina pa pagkagising ko.
Nurse na pupungas pungas habang nagtatanggal ng muta: humihilab ba? hindi ba sikmura? anong inalmusal mo?
Jon: humihilab e, hindi naman sikmura pero parang nangangasim.. hindi ho ako sanay mag almusal.
Nurse na kunyari naghihikab pero halatang inaamoy lang ‘yung hininga n’ya: nagtatae ka ba?
Jon sa mahinang boses habang nakayuko: oho dok e.
Nurse na nagkakamot ng leeg: tubig na ba?
Jon sa mas mahinang boses: ‘di pa naman po dok, parang creamy lang.
Nurse na nakakunot ang noo at nakangiwi ang bibig: YUCK!

seryoso, ang gusto ko lang naman sana ‘yung nirerespeto ako at may pakialam sa nararamdaman ko. maraming salamat sa pagiging propesyunal sa pagtrato sa kalagayan ko, dok.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “sana niresetahan mo na lang ako ng mothballs”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s