kung saan s’ya masaya

‘wag kang magtago sa cliche na kung saan s’ya masaya dun s’ya
dahil dapat kung mahal mo at importante sa’yo ikaw mismo ang gagawa ng lahat para maging sa’yo s’ya masaya. –
patuka sa utak

iyan ang  karaniwang ginagawang pantakip ng isang tao pag hindi nagtagumpay ang relasyon na meron s’ya. kung tutuusin tama nga naman, bakit mo nga naman ipipilit ang sarili mo sa isang tao na hindi na masaya sa iyo, sabi nga pagmahal mo palayain mo pero may isang problema d’yan.. papano kung alam mo naman na meron ka pang maibibigay at meron ka pang magagawa pero hinahayaan mo lang?  pag mahal mo palayain mo, napaka hindi makasariling pananaw pero alin nga ba dito ang tunay na nagmamahal, ‘yung nagpapahalaga at gagawa ng paraan para hindi mawala ‘yung isang tao sa kanya o ‘yung basta magpaparaya na lang? sa ganito lang naman kalimitang nagkakaproblema e, lalapit s’ya at sasabihin n’ya ‘yung problema n’ya sa’yo at ikaw bilang sagot imbis na idepensa mo ‘yung sarili mo maglilitanya ka rin ng mga problema mo sa kanya. hanggang sa huli wala kayong naresolbang problema, nagbatuhan lang kayo ng nagbatuhan ng mga putik n’yo. hindi kayo p’wedeng parehong lagi sa taas, kailangang may bumaba sa gitna para salubungin ang isa.
ikaw ang magtatapos sa kwentong isinusulat mo. makailang ulit mo munang basahin mula umpisa at timbangin ang mga sobra at kulang bago mo ito wakasan. kung saan s’ya masaya dun s’ya.. bagay lang ‘yan sa taong ginawa na ang lahat pero hindi pa rin naging masaya ‘yung isa, hindi ‘yan para sa isang taong umupo na lang sa isang sulok at pinagmasdan ang pagkawasak at pag guho ng relasyon sa harapan n’ya.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “kung saan s’ya masaya”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s