is an island

katulad ng nasabi ko dati wala akong problema kung pumunta man ako ng mall mag isa, ang totoo madalas mas gusto ko pa nga ‘yung ganun. ayoko ng may iniintindi at ayoko ng nakadepende ang sarili kong kaligayahan sa ibang tao. kumportable akong maglakad sa mall ng mag isa at walang kausap, walang problema sa akin kumain sa mall ng walang kakuwentuhan. madalas pag kumportable ako sa isang bagay.. wala akong pakialam.
nasa festival mall ako nung isang araw para bumili ng dalawang importanteng bagay, gel at deodorant. naikot ko na yata lahat ng groserya at bilihan ng mga gamot pero wala ‘yung flavor ng gel na hinahanap ko.  habang naglalakad ng mag isa nakatungo ako dahil nag iisip ako kung saan pa posibleng makakita ng mailap na gel na ‘yun ng may sumigaw ng apelido ko sa gilid ko.

cabron! cabron! ay si cabron oh!

paglingon ko nakita ko ‘yung grupo ng mga section A sa dating eskuwelahan ko nung hayskul puro nakangiti ang mga labi nila pero puro din halatang may hinahanap ang mga mata sa may parteng likuran ko.

sinong kasama mo? mag isa ka lang?

kinumpirma ng pagtango ko ang pag iisa ko, nagulat ako sa reaksyon nila na parang mga nakatanga at namatandang nakatitig lang sa akin habang naiwang nakanganga ang mga bibig.

hindi nga?!

hindi ko napag isipan ang sumunod kong ginawa, isinalba ko ang sarili ko mula sa napinpintong pang aalipusta sa pagkatao ko.

joke lang, kasama ko ‘yung mga kaibigan ko. humiwalay lang ako saglit dahil may binili ako.

mabilis gumuhit ang ngiti mula sa mga naka bukang bibig nila at kung pagbabasehan ang biglang pumayapang pagtaas baba ng mga dibdib nila masasabi ko na maayos na silang nakakahinga ngayon hindi katulad kanina na muntik na silang mga mangamatay sa pagkakapigil ng hininga dahil sa impormasyon na mag isa lang akong palakad lakad sa mall na ‘yun . matapos ko silang kawayan tigi tigisa nagpatuloy na ako sa paglalakad. naka ilang tindahan pa akong napuntahan at nabigo ng nakaramdam ako ng gutom at dahil KFC ang pinakamalapit na kainan sa pwesto ko, pumasok  agad ako dun.
inabutan ko sa pila ‘yung isang customer na lalaki na nagrereklamo dahil bakit daw hindi bottomless ‘yung iced tea na ibinigay sa kanya kanina, malakas ang boses n’ya pero hindi nagpatalo ‘yung tao sa counter na kausap n’ya dahil tinanong daw s’ya kanina kung drink all you can ‘yung drinks pero nagsabi s’ya ng hindi. ilang minuto rin naantala ang pila dahil sa pagtatalo nila, sa huli sumuko din ‘yung lalaki matapos n’yang sabihan na tanga ‘yung tao sa counter at payuhan na umuwi ng probinsya para magtanim ng kamote. may dalawang tao pa ang nauna sa akin sa pila bago ako napasalang dun, hindi pa rin nawawala ang inis ni kuya counter s’ya pa daw ba ang tanga e anlakas lakas na nung tanong n’ya kung drink all you can at sana daw hindi sumagot si pareng customer kung hindi s’ya sigurado sa tinatanong sa kanya.
umorder ako ng zinger meal, tinanong ako ni kuya counter kung large na daw ba ‘yung sofdrinks at fries? sabi ko oo, at paki upgrade na rin sa iced tea ‘yung drinks. pagdating ko sa mesa, small lang ‘yung fries na dala ko at kakulay at kalasa ng coke ang iced tea na inorder ko. imbis na magalit natawa na lang ako, naalala ko kase ‘yung diskusyon kanina ni pareng customer at kuya sa counter. literal na natawa ako kaya tumatawa ako habang kinakagat ko ‘yung zinger ko ng may nadaanan ang mga mata ko sa gilid.
andun ‘yung mga grupo ng dating section A na nakita ko kanina lang. mga nakanganga at titig na titig sila sa akin pero walang kinang ang mga mata nila.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “is an island”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s