ang upuan ni cabron (pangatlo)

Jon Cabron: anong gusto mong pangalan sa “upuan” ?
….gusto kong pangalan ay nene.

muli, kung nakapunta ka na minsan sa wp-p (‘yung samahan ng mga pinoy na gumagamit ng wordpress na nawalan ng saysay buhat nung naging admin dun si ambo.. at nauso ang plurk) gumawa kaming mga opisyal dati dun ng isang thread
hotseat kung saan binabato namin ng mga tanong ang kung sinong napagkasunduang pumuwesto dun sa loob ng isang linggo, at tinatawag namin ‘yun na “Hotseat” mala forbidden questions sa radyo at mala tough ten questions sa tv. nakakaaliw ‘yung thread at hanggang ngayon naniniwala ako na isa ‘yun sa pinakamasaya at pinakamakabuluhang lugar sa forum na ‘yun kaya naisipan ko na dalhin at subukan ‘yun dito.
para sa kaligtasan ng nakaupo sa “hotseat” napagdesisyunan ko na burahin ang pangalan n’ya at para mas maging totoo at matapang  ang mga sagot pinahawakan ko sa kanya ang pangako na kahit anong mangyari hindi ko ilalabas ang pagkakakilanlan n’ya. walang palakasan at walang clue.. kung mapapansin mo tatlong hati ang pag uusap na ‘to, andaming nangyaring aberya bago natapos dumating pa sa punto na parang ayoko ng ituloy.. pero, nangyari ang nangyari at natapos ang kailangang matapos.

ang upuan ni cabron, ikatlong labas. 

Jon Cabron: eto ang batas, pag hindi mo kayang sagutin ang tanong halimbawa tingin mo masyadong personal o masyadong delikado magba BUZZ! ka lang. hindi ko na itatanong ‘yun, walang pilitan. pero pag ginawa mo ‘yun tapos na ang tanungan. pareho lang din pag naramdaman ko na nagsisinungaling ka lang. malinaw? gud, game!
Nene:
okay game
Jon Cabron: 1. ilang taon ka nung unang ginawa mo ‘yun?
Nene:
18 barely legal
Jon Cabron: bakit ang tipikal na babae e laging 18 o 19 no? dapat talaga tanggalin na ‘yang handaan pag disi otso na ang babae e, nalalagay kase sa isip nila na dalaga na sila kaya pwede na lahat’
Nene: di ko pa naman natatanong sa ibang babae yan, yaan mo tatanong ko rin
Jon Cabron: kids!
Jon Cabron: 2. naranasan mo na bang madisappoint sa itsura ng isang blogger sa personal?
Nene:
di pa naman, wala naman akong ine-expect na itsura nila e
Jon Cabron: 3. craziest place na ginawa mo ‘yun?
Nene: sa kwarto, na may ibang tao pa at tulog sila.. ata.
Jon Cabron: hmmmm parang normal yun ah … pag hayskul tapos praktis ng mga play kunyari
Nene: ewan ko di ko pa na try yun nung hs. yun yung puntong disente pa ako.
Nene: disente pa naman ako, medyo na nga lang. slight.
Jon Cabron: 4. anong pinaka ayaw mo sa internet at sa mga tao dito?
Nene:
yung ayaw ko kasi sa kanila e yung gusto ko rin e.
Jon Cabron: hmmmmmm?
Nene: para silang mga superman na hindi. magandang panget. mabait na gago. supladang malambing. they’re all interesting. so siguro yung ka “wirduhan” nila
Nene: walang masamang tinapay sa akin. pag di ka interisante sa pananaw ko, di kita aanuhin, ganun lang.
Jon Cabron: iyan ang ayaw mo dito sa internet at sa mga tao dito?
Jon Cabron: hmmmm pwede
Nene: oo yung pagiging magulo ng lahat.
Jon Cabron: 5. blogger na sa tingin mo gumagamit ng medyo mapurol na lapis sa pagsusulat o tipong nagsusulat sa ilalim ng hindi masyadong maliwanag na bumbilya
Nene:
malamang wala sa blogroll ko yun at wala sa tumblr list ko. wahaha!
Nene: yepoi, xg
Jon Cabron: sabi na, dapat akong kabahan sa’yo e
Nene: ang totoo wala sa blog roll ko yung mga binabalikan ko talaga. tulad nila professionalheckler. wala ng nag susulat kasi ng hindi patungkol sa sarili nya e. lahat tungkol sa “i, me, mine..”
Jon Cabron: o bakit si yepoi?
Jon Cabron: gumagamit ng mapurol na lapis sa pagsusulat. hmmmmm
Nene: ang pilit e. pwersado ang pagging pacool nya. kulang sa tasa nga ang lapis.
Nene: you are what you write/post
Jon Cabron: galing mo
Nene: mas magaling ka. kilalala mo ako e.
Nene: bwahahaha! kayabangan. sige tuloy
Jon Cabron: oh bakit si xg? nanalo kaya ng ano ‘yun ano ba ‘yun ‘yung kay badoodles?
Nene: gaya ng sabi ko, hindi ako mahilig sa mga taong MASYADONG mahilig mag sulat ng tungkol sa buhay at sarili nila. hindi naman ako si badoodles at di naman siguro si badoodles ang batayan ng kung ano man. mas nakakatawa ka pa sa maraming nanalo sa contest na yun. partida yan.
Jon Cabron: ahhmmmm thanks?
Nene: welcome?
Jon Cabron: pero sa tingin mo ba nakakatawa si xg?
Nene: yung mukha nya oo
Jon Cabron: aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaargh!
Nene: lalo na yung mga pictures nya, hilarious. baka nga mali ako. karapatdapat lang pala talaga syang nanalo dun kay badoodles. galing mo cabron naparealize mo sa akin yun.
Jon Cabron: pwede bang wag ko na lang ilabas lahat ‘to tapos ipagpalagay na lang natin na sinayang ko ‘yung oras mo ngayong araw na ‘to?
Nene: ahahahaa!
Jon Cabron: kinompronta pa naman ako nun nung nakaraang “upuan”
Nene: pinagbintangan ka rin bang nakikisawsaw sa kasikatan nya? ahaahaha. sana nag sorry ka. tapos sabi mo joke. (sa fans ni xg, hi!)
Jon Cabron: sabi ko e mukha naman hindi talaga humor blog ‘yung kanya e tingin ko di naman ako didiretsahing awayin nun.. ewan ko lang ngayon ha hahaha
Nene: wala naman diresahang inaaway yun e. lahat puro pautsada sa post or mga social networks.
Jon Cabron: oo nga, puro pahaging
Nene: baka isang araw humingi yun ng request sa iyo na umupo sa upuan ni cabron. haha
Jon Cabron: ganun naman dito e lahat kase takot mag umpisa kaya namporpovoke ka lang para kumprontahin ka kung s’ya ‘yung pinaparinggan mo Nene: tapos pag sinabi mong “ako ba yang pinatataaman mo?” sasagot ng “guilty ka lang.” or to that effect. basta ganun.
Nene: can we move on? she’s not a good topic to talk about.
Jon Cabron: mukhang matagal tagal lalabas ‘to. andami ko ieedit e kung hindi ko inedit yung pangalawang upuan at hindi ko eedit ‘to magmumukhang hate blog kay xg ang blog ko
Nene: ahaha.. bawasan mo na lang yung kay xg
Jon Cabron: 6. patuka sa utak: ang kakornihan parang anghit din ‘yan. madalas hindi alam ng may anghit na meron s’ya nun. sa tingin mo kanino bagay ‘yang patuka na ‘yan?
Nene:
sa iyo!
Jon Cabron: sa akin? hahaha sana nag BUZZ! ka na lang para tapos tapos na
Jon Cabron: sige sa akin na, sabi mo e.. at bakit?
Nene: bakit hindi!
Jon Cabron: hindi na nga ako nage entry masyado e
Nene: natawa kasi ako sa anghit
Jon Cabron: so natawa ka sa anghit kaya nakornihan ka sa akin?
Nene: hindi.. wala akong masagot na bagay dun e
Jon Cabron: wala kang kilala na korni pero hirit pa rin ng hirit dahil hindi n’ya alam na korni s’ya? .. maliban sa akin?
Nene: meron pero di ko na sya friend
Jon Cabron: taong internet at kahit papano e notable character naman ha?
Nene: pag sinagot ko yan malalaman ng lahat kung sino ako.
Jon Cabron: hmmmmm clue? tapos huhulaan ko tapos kahit hindi mo kumpirmahin
Nene: okay sige
Jon Cabron: hmmm
Nene: ricky martin
Jon Cabron: errrr
Nene: mamaya bubulong ko sa iyo
Jon Cabron: hmmmkei
Jon Cabron: pero kilala ko yan ha?
Nene: di naman sya interisanteng tao. korni lang sya ang sensitive kasi.
Jon Cabron: andaming kong kilalang korni sa net e.. eka nasa dubai ba yan?
Nene: nasa dubai? wala na akong kilalang taga dubai. maliban sa offline friends ko dun
Jon Cabron: ahhhhh mahihirapan ako kilalanin ‘yan, madali pag korni tapos tiga dubai e
Nene: kung may pinatataaman kang taga dubai, go ahead. malayo naman sya. go! sos internet lang to.
Jon Cabron: ang intensyon ko talaga e para lang maisip nila na maraming korni sa dubai
Jon Cabron: pang pito ka na, malapit na
Nene: mahusay!
Jon Cabron: malapit na akong makahinga ng maluwag haha
Jon Cabron: 7. hmmm sinong blogger ang gumagaya kaninong blogger?
Nene: aren’t we all? kamon!
Nene: pero sige for fun. iisip ako
Jon Cabron: iba ‘yung umiinspirasyon dun sa kumokopya
Nene: sabagay may punto
Nene: parang “di ko naman sya talaga ginagaya, idol ko lang.” ganun.
Jon Cabron: hindi, kumbaga.. sundan mo yung yapak n’ya pero humiwalay ka sa bandang gitna at gumawa ka ng sarili mong bakas.
Nene: siguro lahat ng nagpapaka bob ong sa tabi tabi. si bob ong nag simula sa net bago nya iniwan nya blog nya at nag sulat ng libro. nasa HS ako nuong nagsimula sya sa net.
Jon Cabron: hmmm may ano dyan sa nagpapaka bob ong na ‘yan e, karamihan kase sa mambabasa gamitan mo lang ng malalim na tagalog bob ong na ang tingin sa’yo e
Nene: nakakainsulto na nga kung minsan parang sya na lang ba ang may kapasidad mag isip ng ganun? sos. im not anti bob ong okay, its his followers i cant stand.
Jon Cabron: oo nga! parang nung araw, umingay ka lang metallica ka na, magpaka senti ka lang bon jovi na tingin sa’yo haha
Nene: 9th question na noh?
Nene: ikaw, kelan ka titigil mag blog?
Jon Cabron: pag wala ng koordinasyong ang mga mata at utak ko. game?
Nene: game
Jon Cabron: pang siyam… sa tingin mo, sino ang mananalo sa inyo ni xg pag nagsuntukan kayo?
Nene: sya ang mananalo kung makakalapit sya.

– pangalawa –

Jon Cabron: eka di ko makita yung nakahandang tanong ko sayo
Nene: haha sige hanapin mo muna
Jon Cabron: sampu. lalaking blogger na sa tingin mo kaya mong makuha
Nene: panong makuha?!  as in maging ka-iloveyou-han o makadate o maiuwi?
Jon Cabron: maiuwi! yung sa tingin mo hindi ka mahihirapan kunin kung sakali.
Nene: alam ko lalaki si professionalheckler. iuuwi ko sya. kidnap!  wala akong paki kung im not physically attracted, papatayin ko na lang ilaw.
Jon Cabron: sa tingin mo hindi ka mahihirapan kunin sya?
Nene: ang mura ng atiban
Nene: kasi kung si jon cabron ang isasagot ko, mahirap iuwi yun  kunsensya lang naman ang nagpapahirap kaya mahirap mang kidnap/rape e
Jon Cabron: ahhhhhhmmm pang labing isang tanong naaaaaa
Jon Cabron: overrated blogger? ‘yung tipong puring puri ng iba pero nung nabasa mo hindi pumasa sa pamantayan mo
Nene:
hmm teka isip ako ha.. hanapin ko lang link nya… weyt..
Jon Cabron: ‘yung kakilala naman ha
Nene: si chuvannes
Nene: di mo kilala si chuvaness? sikat yan sa mga ibang bloggers teh
Jon Cabron: di ako nagbabasa sa livejournal e
Nene: si celine.
Nene: celine nga ba o cecille.. teka nakalimutan ko..
Jon Cabron: baka celsa?
Jon Cabron: celia?
Nene: che!
Jon Cabron: che che?
Jon Cabron: eka anong problema kay chuvaness?
Nene: wala lang overrated lang.. wala naman syang naisusulat na kakaiba, pero sikat sya.. she appears on newspapers lifestyle pages.. nagulat lang ako na sikat pala tlaga sya.
Jon Cabron: maganda s’ya. iyon ang importante sa akin
Nene: oo maganda nga sya. wala naman kapintasan sa mga sinusulat nya. pero ayun nga. maraming hindi masyadong kilala ang may saysay pa ang entries.
Jon Cabron: pang dose, kabaliktaran naman.. blogger na may feeling sikat attitude.. ‘yung pakiramdam nya isinugo s’ya para magsulat at ‘yung pakiramdam nya tipong nabibigyan n’ya ng malaking pabor ang mga tao sa net tuwing may entry s’ya
Nene:
wala na kasi akong kilalang may morals ang sinusulat, puro tungkol kasi sa sarili na lang nila o kaya kumikitang kabuhayan na lang.. teka hanap ako sa mga sinusubaybayan ko ha.. ayaw ko kasing isagot na si xg e, mag hahanap ako ng katulad nya.
Jon Cabron: bugbog sarado na ‘yung kaibigan ko
Nene: naaaaks friends pala kayo. sige si xg na lang. may sense kasi talaga yung iba, yung kanya lang wala o at feeling sikat rin naman sya.
Jon Cabron: eka ibig mong sabihin si xg ang pag nag eentry sya e pakiramdam n’ya malaking pabor ‘yun para sa mga tao sa internet dahil pakiramdam n’ya isinugo s’ya dito para magsulat? parang ‘di ko naman nararamdaman yun
Nene: uhmm hindi ka nya reader ano? hinirang nya ang sarili nyang reyna ng blogshere dati, marami syang inaway na dahil may kahawig lang sa sinulat nya
o kaya ginaya kuno sya.. kung tutuusin, ano lang ba ang hindi pa nasusulat ng isang blogger na hindi pa naisulat nuon?
Jon Cabron: hindi ko pa yata sya kakilala nung may mga inaaway sya, dahil ang naka rehistrong imahe n’ya sa akin ngayon e s’ya ang inaaway ng lahat
Nene: hindi mo man lang ba naitanong sa sarili bakit sya inaaway ng lahat?
Jon Cabron: dahil sikat sya!
Jon Cabron: dahil reyna s’ya!
Jon Cabron: ahhhhm game pa?
Nene: game pa

-pangatlo-

Nene: ano yung last question?
Jon Cabron: blogger na nagpalipad hangin sayo na ikaw lang nakakaalam ..o kayo lang nakakaalam ..o pakiramdam mo nagbalak dumiskarte hindi lang nakakuha ng tyempo?
Nene: hindi talaga pwede e…
Nene: mahuhulaan kung sino ako.
Jon Cabron: sa bigat ng mga pinagsasagot mo nung una, sisiw na lang ‘yang tanong na ‘yan sa’yo at isa pa ‘di naman nagbabasa ng blog ko ‘yung mga ‘yun. go!
Nene: si tapsiboy
Jon Cabron: pwede ba si gasul na lang isagot mo?
Nene: hindi naman nagpalipad hangin sa akin yun noh, parang kapatid ko yun.
si tapsiboy, isa yun sa nagpalipadhangin
Jon Cabron: wala bang may kwenta? yung mapapanganga naman ang makakabasa? halimbawa, si gasul? si pots?
Nene: bakit mo ba pinagpipilitan si gasul?! lintek ka.
Nene: si pots e sos kabiruan lang yun sa plurk
Jon Cabron: eka nasan na si tapsiboy ngayon?
Nene: wag na natin hanapin baka sumulpot e kung nasan man sya, dun na sya.
Jon Cabron: ‘yun nga kaya ako nasasayangan sa sagot mo e.. wala na syang buhay sa internet ngayon ….ahhhmmm ibahin natin yung tanong?
Nene: geh
Jon Cabron: sikreto ng isang blogger na sa tingin mo magugulat ang mundo pag nalaman nila.. ‘yung ikaw lang nakakaalam?
Nene: gusto mo pati ikaw magulantang? maraming sikreto ang alam ko
Jon Cabron: gulantangin mo ‘ko at gulantangin mo ang mundo
Nene: tulad nung: hindi pala talaga daw nya mahal. naipit lang sya sa sitwasyon. pinangatawanan na lang nya, ‘yung isa: pinag palit sya sa mas malapit nakatira.
‘yung isa: napilitan na lang sa sitwasyon din kahit iba ang mahal nya talga
Jon Cabron: hmmmm sino yan? blogger ba yun? taong net ba yan?
Nene: oo taong net/blogger
Jon Cabron: u r d man!
Jon Cabron: game, sino ‘yan?
Nene: ayaw na…. BUZZ!!
Jon Cabron: taragiiiiiiiiiiiiiiiis
Jon Cabron: errrrrrrr.. salamat sa oras ulit
Nene: ikaw mag edit nyan! alam mo kung alin ang pwede sa di pwede. lintek ka, ngayon lang ata ako kinabahan a.
Jon Cabron:
haha ge ge.

psst

read:
salamat sa paanyaya mo sa upuan
sa susunod, pakandong naman
— nene


“isa sa pinakamalungkot na tao sa mundo ay ‘yung taong sobrang siniseryoso ang mundo ng internet”

maraming salamat.
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

15 thoughts on “ang upuan ni cabron (pangatlo)”

  1. hoy! san mo naman nakuha ang ideyang corny ang mga tiga dun sa Dubai?
    di ka naman inaano dyan..
    I’m disappoint :no:

    “isa sa pinakamalungkot na tao sa mundo ay ‘yung taong sobrang siniseryoso ang mundo ng internet”- TAMAAAAAAA! bye

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s