otistik

kontra sa kung anong merong imahe ako dito sa loob ng internet, tahimik lang ako sa tunay na buhay. kung nagbabasa ka ng blog ko at makikipag kita ka sa akin sa pag asang mapupuno ko ng kwento ang utak mo habang nag iinuman tayo, ikinalulungkot ko na malaki ang posibilidad na umuwi kang bigo sa inaasahan mo. kung iyon ang intensyon mo kaya mo ako pinainom, nagsayang ka lang ng pera.
nabasa ko dati na pag may bago ka daw isda na aalagaan hindi mo daw ‘yun basta ibubuhos sa loob ng aquarium, ilalagay mo muna s’ya sa plastic na may tubig at iyon muna ang ilulubog mo dun sa aquarium, hahayaan mo s’yang nakababad dun sa loob ng ilang oras para masanay s’ya sa temperatura ng tubig at para magamay n’ya ang bagong mundong gagalawan n’ya. ganun din siguro ako, hindi mo ako p’wedeng basta isalpak sa isang pagtitipon at umasang makikita mo akong nakaakbay at nakikipag apir sa mga tao dun pagkalipas ng ilang oras. kailangan kong masanay at magamay muna lahat. dalawa sa madalas na ipinagkakamali sa akin sa unang pagkikita pa lang ‘yung sobrang mahiyain daw ako at isnabero. una, hindi ako nahihiya dahil kung alam kong mahihiya ako hindi na sana ako nagpunta sa pagtitipon na ‘yun at hindi na sana ako nageffort magbihis. pangalawa, hindi ako isnabero hindi lang ako talaga marunong magbukas ng pag uusapan. halimbawa, ang alam ko lang na lohikal na dapat itanong sa isang bagong kakilala ay “wala kang pasok?” pag sumagot s’ya ng meron o wala, hindi ko na alam ang mga respondeng tanong na dapat kong pakawalan. natatakot akong buweltahan n’ya ng tanong na “bakit mo itinatanong?” lalo lang akong magmumukhang tanga.
ang kailangan kong kaharap ay ‘yung taong sagwan ng sagwan pero hindi ako hinahayaang anudin ng alon papalayo. hindi ko kailangan ng maya’t maya ako sisitahin ng “oh antahimik mo” at maya’t maya ako babanatan ng “baka mapanisan ka ng laway” nagmumukha akong engot. dapat bago ka nakipag kita sa akin naghalungkat ka dito sa blog ko para mabasa mo na mas madalas sa hindi, mag isa lang akong nagiinom sa bahay. sanay ako ng walang kausap.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “otistik”

  1. Parang ang hirap nga paniwalaan na tahimik ka sa personal. Pero ako din, hindi ako approaching at tingin ko hindi rin ako approachable. Pero once na makasundo kita, kaya ko ng makipagtagisan ng huntahan. Hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s