tanong sagot 18

mga kinunsinting tanong
MULA DITO

T. bakit may mga taong walang isang salita? may mga taong di tumutupad sa pangako?
S.minsan hindi naman ginugusto ng isang nangangako na hindi tuparin ‘yung naipangako n’ya nagkakataon lang talaga na minsan may mga pagkakataon na nawawalan s’ya ng paraan para tuparin ‘yun. kung madalas kang mabigo pagdating sa mga nangangako sa’yo sa susunod ‘wag kang masyadong umasa. pag hindi natupad ayos lang, pag natupad.. jackpot.

T. puta ka?
S. minsan.

T. pag ba biniro ka ng isa babae ng green jokes, nawawala ba ang respeto mo sa kanya?
S.hindi, dahil hindi na ako bata at hindi naman din ako kasing tanda ng lolo mo.

T.
ibbreak mo ba ang girlfriend mo kung immature sya? kahit mahal na mahal mo sya?
S. hindi, hindi ako masyadong nageexpect ng maturity sa isang grade 6.

T. kailang mo i popost yung mga bagong pics ng Pibertdei for 2010?
S.
tsaka na siguro, kinulang tayo sa promosyon e ang konti masyado ng nagpadala wala pa yatang lima. loljke, walang boobs kase eh.

T. ano YM mo?
S. katulad din ng YM mo, baka magkaiba lang ng version. nag update ka na ba?

T. Paano kapag mahal mo pa ang ex mo tapos may pamilya na ako?
S. hindi ko makuha, anong kinalaman kung mahal KO pa ang ex ko tapos may pamilya KA na. .. mahal mo ba ako?

T. may pamiya na ako pero naguusap pa kame ng first love ko,paano kaya gagawin ko?
S.timbangin mo kung sino ang mas matimbang sa’yo at tantyahin mo kung kaya mo bang sirain ang pamilya mo kung sakali alang alang sa first love mo na kalandian mo pa ngayon.

T. natutuwa lang naman ako na naguusap na ulit kami ng first love ko,pero paano yan sabi nya madaya daw ako kasi may pamilya na agad ako?
S.gusto lang n’yan magpayari sa’yo. maniwala ka, alam ko.

T.payag ka ba sa long distance relationship? anong masasabi mo tungkol sa bagay na to?
S.wala naman sigurong tao na gugustuhin na malayo s’ya sa mahal n’ya lalo na kung may pagpipilian naman s’ya.hindi naman problema ang layo n’yo sa isa’t isa kailangan nga lang ng dobleng tiwala at pasensya pag nasa ganung sitwasyon kayo. .. at pagsasaltik.

T. bi po ako pero ayw ko pong maging bakla pero gusto po ng puso ko ayaw ng isip ko kc alam kong nakahiya ano po b ng gamot sa gnito para tuluyang ko na po namaiwasan to my gf po ako ngeun at nagsex2 nmn po kami
S.kaya ka nahihirapan kase ayaw mong tanggapin sa sarili mo ‘yung totoo, kaparehong dahilan na nakikita mo ‘yung bagay na ‘yun na isang kahiya hiya dahil papano ka tatanggapin ng lipunang kinabibilangan mo kung sarili mo nga ‘di mo matanggap. ikinalulungkot ko, hindi mo maiiwasan at matatakasan ‘yan.
mumultuhin ka n’yan habambuhay.

T. galit ka ba kay putangenang gloria macapagal arroyo?
S.hindi.

T. ilang days ng sisiw ng kalapati para lagyan ng singsing.
S.hmmm wala akong alagang kalapati kaya hindi ko masasagot ‘yang napakaimportanteng tanong mo na ‘yan na katulad ng sa isang dalubhasa pero kung gagamitin ko ang utak ko sasabihin kong pag sa tingin mo kasya na ang singsing sa paa ng inakay ng kalapati ‘yung tipong hindi na ito mahuhulog at sa tingin mo rin hindi naman magiging mabigat sa paglakad n’ya ‘yun.

T. tanong ko lang. pede mag tanong? thanks:)
asked by lostpiratekeko
S.
seryoso, hindi ko alam kung saan mo nakuha ang idea na ‘yan na baka pwedeng magtanong dito sa TANONG / sagot.

T. panu ko makakalimutan yung taong lagi kong kasama sa lahat ng oras? Dating kame pero may gf na siya ngayon at hindi ko alam kung mahal ko pa rin siya o hindi na. Salamat
S.umiwas kang laging sumama sa kanya. minsan ganyan lang kasimple ang lahat, ayaw lang natin dahil ayaw natin tanggapin ang napakaraming katotohanan sa buhay.

T. masama bang manligaw ang babae kapag type nila yung lalaki? bakit?
S.masama, dahil hindi naman marunong mambasted ang lalaki. yayariin ka lang nun kung hindi ka n’ya gusto. .. oo, malamang hindi ka n’ya gusto kaya ikaw pa ang kinakailangang manligaw kaya ang ibig sabihin malamang sa hindi ‘yun nga, yayariin ka lang nun.

T. bablik na po ba kayo ulit sa tumblr?
S.sorry antamad ko, bago ko masagot ‘tong tanong mo nakabalik na ako.

T. mr. cabron okay lang po ba na i-repost ko sa blog yung mga patuka sa utak mo?
S.dahil nakuha mo pang mag paalam naniniwala ako na wala ka naman balak ariin na sa’yo ‘yun,. walang problema.

T. ilan ang ugat ng utak
S.wala akong pakialam.

T. ba namatay si redford white
S.katamarang manood ng balita o mag search sa net. loljke, tumor daw sa utak.

T.naamoy mo ba ang sarili mo?
S.oo, mga kwarenta minuto pagkatapos kong mag spray ng pabango.
T.paano malalaman kng me putok ka kili kili?
S.pag hindi ka naman magaling magbasketbol pero lahat na lang gusto kang kakampi dahil umiiwas na bantayan ka nila.

T.http://30.media.tumblr.com/tumblr_l6fvg2d2Kr1qbvr04o1_r1_250.gif xoxo
S. pakyu n ur feiz.

salamat nagenjoy ako sa pagsagot pero nangalay ang kamay ko sa pagkakadapa sa kama.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.