facebook

alam mo kung anong isa sa hindi ko mahuli ang lasa dito sa mundo ng internet? itong mga tao sa offline world ko na sumusubok gumawa ng kuneksyon sa munting pwesto ko dito. seryoso, hindi ako magugulat kung inadd ako sa facebook ni dolphy o ni daffy duck pero ‘yung iadd ako ng mga dati kong kaklase nung hayskul na halos hindi ko nakapalitan ng kahit yata isang pangungusap man lang dati at alam ko naman na wala talagang pakialam sa akin, otomatikong napatirik ang mga mata ko kasabay ng pag ngiwi ng bibig ko sabay buga ng hangin.  ’wag naman sanang ipagkamali ito na parang masyado namang sagrado ang facebook account ko kung maka react ako, ang punto ko dito alam ko naman kase na wala naman talagang interes ang mga gagong ‘to sa akin at malinaw na malinaw sa akin ang intensyon n’yang mga ‘yan. una, isa lang akong pandagdag sa listahan nila para dumaming tignan ang laman nun at maitago nila sa pamamagitan nun ang kalungkutan ng mga buhay nilang mga silahis sila.. o mga tomboy na itinatago ang boobs sa sports bra at polo shirts.. o mga matatabang pawisin.. hindi ko alam.. at pangalawa, nagbabakasakali silang makibalita sa facebook account ko kung gaanong naging miserable o mas naging miserable ang buhay ko pagkatapos ng hayskul.
seryoso, anong silbi sa isang dating kaklase na umagaw ng girlfriend kong nakipag break pa sa akin sa mismong monthsary namin pagkatapos kong ibigay sa kanya ang regalo kong bench na bimpo sa mga panahon  na ‘to ‘yung mga nakaposteng mensahe sa wall ko kung anong ulam namin ngayon o kung nasaang inuman ako kagabi? at seryoso, aanhin ng dating kaklaseng babae na kailangan pang itanong kung anong section ako bago ako iadd sa facebook n’ya ang impormasyon na hindi ako nakapasok sa opisina dahil nagtatae ako? kagaguhan.
sinubukan kong buksan ang chat sa facebook kagabi at natyempuhan ako ng isa sa grupong ‘yun. kamusta na raw ako, mabuti naman ako at mabuti din naman s’ya, kinuwentuhan n’ya ako kung saan s’ya nagtatrabaho at sinabi n’ya sa akin kung saan saang lugar sila nagpalipat lipat ng tirahan. wala akong naalala kahit isa, at bago pa magyelo ang utak ko sa kaboringan ng kausap ko nagparamdam na ako na gusto ko ng bumitaw sa “kwentuhan” pero humabol pa s’ya ng isang tanong.. ilan na daw ang anak ko, sumagot ako na isa pa lang at ang reaksyon n’ya, tawa. tatlo na daw ang anak n’ya sa iba’t ibang babae pero hindi pa daw s’ya ikinakasal dahil ayaw daw nung tatlo, anak lang daw ang gusto sa kanya., hanggang ngayon iniisip ko kung anong dapat ipagyabang sa katotohanang walang gustong magpakasal sa kanya.
ewan ko, baka burahin ko na lang ‘yung account ko na ‘yun o baka subukan kong mag post ng picture ko na nakahubad ako at puno ng langis ang katawan ko habang naka suot ako ng maong na brief, baka maging daan ‘yun para sila na mismo ang magtanggal sa akin sa listahan nila ng mga “kaibigan” bahala na lang sa mga katrabaho kong babae na aksidenteng naiadd ko dun nung minsang lasing ako at maghalungkat sa mga albums nila dun.

.. at alam mo kung anong pinaka kinikilabutan akong itinatawag sa akin ng mga dating kaklase ko nung hayskul? klasmeyt. ughz!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “facebook”

  1. Haha. Simple pero nakakatawa. Seryoso tono pero humorous. Astig! Ako din, may nag-add sa kin, isang kaklaseng lalaki nung high school na masama titig sa kin noon pa man. Tingin ng papatay. Ayaw ko sa kanya, ayaw niya sa kin. Tapos inadd ako, at nakipagchat din para ichismiss na namatay na yung choreo namin date? Normal ba yun? Shitty!

  2. ntuwa lng yn ser n nkita k s FB, imagine nga nman HS p kyo nun khit nman cno mtutuwa n mkita ang kaklase nyang ilang taon dn nman ang nkalipas n hindi nkita….nkikibalita! at pra n dn mdagdagan ang mpgyayabangan :grinnod:

  3. I feel for you sirrrrr!!!

    Hindi naman kasi ako miyembro ng kahit anong “popular na clique” noong highschool. May pagka-low profile ako nung highschool.

    Okay lang naman siguro i-add ako ng mga highschool batchmates ko pero yung mga higher batches saka lower batches? Like wtf? Ni hindi ko naman nakasalamuha ‘tong mga ‘to. Di ba? Hindi naman ako naging officer nung CAT na myembro sila, ni hindi naman ako varsity na myembro yung iba, at kung anu-ano pa. Di ba? Sobrang gusto ko ng replayan ng, “pwede ba, di naman tayo close nung nagaaral pa ako dyan? ok?” o kaya “hu u pfouz?”

    Pati mga highschool teachers ko na kinainisan ko, aba, ina-add din ako. Plesss lang.

    Sorry sir, napaka madamdamin ang aking komento. Nakakarelate.

    – – – – – – – – – – –

    Natutuwa po ako/kami na nakikita ulit namin kayo sa Tumblr.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s