sukob

  kung hindi ko siguro pinipigilan ang sarili ko mula pa kagabi siguro mala gulaman na ang utak sa loob ng bungo ko kakabatok sa sarili ko, bilib din ako sa tibay ng pagkakagawa ng mukha ko para hindi ito mabura sa kada tatlumpung minuto yatang paglamukos ko dito mula pa kagabi.
  pahirapan sa pagsakay ng bus pagpasok ng trabaho, nagsisimula ng maramdaman ang bagyo at marami rami na rin ang mga pasaherong nag aabang sa bus na pa isa isa lang kung dumating. swerteng isa ako sa mga unang grupo ng mga pinalad na makasakay sa unang bus na dumaan. sa gitna na ng kalsada ako inabot ng malakas na buhos ng ulan. hindi ko naman masyadong pinroblema ang ulan sa labas ng bus dahil preparado naman ako. s’yempre hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na ‘yun para maisuot ang hoodie ko at may payong naman ako sa loob ng bag ko na nakasukbit sa balikat ko. kung may kinababahala ako, ‘yung notebook sa loob nun na kinakatakot kong mabasa pagbaba ko mamaya.

   hindi pa naman ganun katrapik nung mga oras na ‘yun, siguro nga dahil kaunti na lang ang mga naglakas loob bumiyahe, mabilis ko naman narating ang bababaan ko. malakas pa rin ang ulan sa labas kaya takbo agad ako sa may puno para sumilong habang kinakapa ko sa bag ko ‘yung payong na dala ko.
naramdaman kong may tao sa likuran ko at naisip ko agad na kasabay ko rin s’yang bumaba sa bus na ‘yun, nagbigay ako ng daan sa gilid ko sa pag aakalang nahaharangan ko ang daan n’ya. nagulat ako nung tumigil s’ya sa mismong harapan ko, isang matangkad na babae na mukhang nagtatrabaho sa isang opisina, may idad lang siguro s’ya sa akin ng dalawa o tatlong taon nakatingin lang s’ya sa akin at hindi gumagalaw habang pinoprotektahan s’ya ng payong n’ya sa ulan at kasabay ng paghugot ko ng sariling payong sa loob ng bag ko ang bukas ng bibig n’ya

“ay akala ko wala kang payong”

  gusto kong sirain ng palihim ang payong na dala ko gamit ang mga kuko ko pero tumalikod na s’ya sa akin para mag abang ng jeep. tatlong hakbang lang yata ang layo n’ya sa akin at kaming dalawa lang ang nasa kalsadang ‘yun. naisip ko ang mga posibilidad kung sakali palang wala akong dalang payong, tatanggapin ko ang imbitasyon n’ya sa akin na makihati sa payong na dala n’ya at para makatipid ng espasyo makukumbinsi ko s’yang ilagay ang mga kamay ko sa balikat n’ya. .. at para makabawas sa ginaw baka tanggapin ko rin kung sakaling magiimbita s’yang magkape muna o pumunta kung saan para magpatuyo ng damit.
  swerteng may dumating na jeep at swerteng pareho pala kami ng hinihintay na byahe at swerte pa ulit na maluwag ang jeep na tumigil sa harapan namin ..pero malas lang dahil nahiya akong sumama sa kanya sa loob ng jeep kaya sa harapan sa katabi ako ng drayber sumakay.
  tulala pa rin ako pagdating sa opisina at hindi pa rin ako makatingin ng diretso ng mata sa mata sa repleksyon ko sa salamin hanggang ngayon.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “sukob”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s