netiquette ur feiz

samu’t saring reaksyon ang natanggap ko patungkol sa unang dalawang labas ng “upuan ni cabron” may mga nangati ang utak at s’yempre merong mga nagbitaw ng mga ligaw na salita. hindi nalalayo sa tunay na hangarin ko nung binubuo ko ang konsepto ng pakulong ‘yun. gaya ng inaasahan ko, aaray ang mga “may pangalan” na mahahagingan nu’n at magkikibit balikat lang ang mga “walang masyadong pangalan” na masasapul ng entry. dalawang magkakontrang reaksyon ng dalawang grupo ng mga tao sa internet depende sa pagkakakilala nila sa sarili nila. gumagawa lang daw ako ng ingay at naghahanap ng kaaway para mapag usapan tipong pampadami ng hits ng blog, lalo ko lang daw dinagdagan ang mga taong galit at nayayabangan sa akin. seryoso, wala akong natatandaan na may nilapitan akong tao sa internet na magiliw kong inalok ng kamay ko para imbitahan s’yang bumisita dito sa espasyo ko sa internet. ganito ang estilo ko ng pagsusulat mula pa nung umpisa at malaki ang kumpiyansa ko na may nabuo na akong kahit na papanong matibay na pundasyon para sa mga masugid kong mambabasa, hindi ko kailangang magpakakontrobersyal para mapagusapan lang.. subukan mong isearch ang pangalan ko sa tinatambayan mo. .. at oo, mayabang ako.
iyan ang madalas na ikot ng kwento dito sa internet, makikita mo ang isang taong nilalatayan ng mga salita sa isang blog na malimit mong puntahan at isa ka sa nakikitawa kung papanong paglaruan ng mga salita ang taong ‘yun nung manunulat na ‘yun. ang galing na manunulat sabi mo pa, pero sa sandaling madaanan ng mga mata mo ang pangalan mo sa mismong blog na ‘yun at hindi mo nagustuhan ang mga nabasa mo, napakayabang na manunulat nito, papansin, at naghahanap lang ng atensyon.
seryoso, hindi naman ako nandito para magustuhan ako ng mga tao, matibay na halimbawa nga ang “upuan” ko, maliwanag na hindi ko naisip ang konsepto nun para mahalin ako ng mga tao o para makaipon ako ng mga kaibigan. kung hindi mo nakuha ng tama ang gusto kong palabasin sa mga entry na ‘yun, seryoso, nag aalala ako para sa’yo ikaw ang tipikal na babaeng mabubuntis ng wala sa panahon at tatakbuhan lang ng lalaking may gawa nun o maaaring ikaw ang lalaking suki ng lahat ng manloloko sa kalsada dahil mahina kang bumasa ng intensyon ng taong nasa harapan mo.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “netiquette ur feiz”

  1. Sino kayang nasapul! ahaha!

    Tama, nung bumisita ako sa bahay mo hindi mo ko pinagbuksan ng pintuan para anyayahan bagkus hinayaan mo lang pumasok ang isang estranghera at sya na ang humusga kung sa paanong paraan masasanting ang isipan nya. pero seryoso, gusto ko ang likot ng isipan mo na syang nagbibigay ng kontribusyon sa magulong mundo ng internet.

    Nakss!! Isa kang idol Sir Jon! Walang halong pang-uuto. Claf! Claf!😀

  2. Isa akong ligaw na napadpad sa pahina mo.Tulad ng iba, hindi mo ako inimbitahan, hindi mo rin naman ako pinagdamutan.Hanga ako sa husay mong kamutin ang iyong utak at ilahad kung ang anumang bagay na pumasok sa isip mo, tipong batu-bato sa kung saan, tamaan ang tatamaan.Iyon ka..pakialam nila at pakialam mo sa kanila.😆

  3. Ano po ba yung batayan para maging isang blogger? may batas po ba para sa mga blogger? actually po, ikaw yung inspirasyon ko sa pagbblog at yung isa pa sa isang website yung letter T. at inaamin ko na madalas e nirerepost o nirereblog ko yung posts mo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s