central

may mga lugar na ipinapangako mo sa sarili mo na hindi mo na muling babalikan. unang beses kong nagpunta sa isang medyo bagong bukas na bar dito sa muntinlupa malapit lang sa amin, muntik pa akong makipag sukatan ng lakas sa mga bouncers ng establisimentong ‘yun kung hindi lang pumagitna ang mga malalamig ang ulo at dumistansya ng konti ‘yung mga bouncer siguro dahil sa ilang na rin sa akin. medyo tago ‘yung bar na ‘yun na nasa tapat ng dating eskuwelahan na may tomboy na teacher ng english na kamukha ni popeye at ‘yung may ari ay nakademanda ng estafa dati.
ang totoo sabit lang ako sa inuman na ‘yun, kumbaga sa isang pelikulang ginagawa, ako ‘yung huling tinawagan para kumumpleto sa cast. katulad din naman ng isang palabas sa telebisyon, kung hindi nagre rate ang programa kukuha sila ng isang artistang magsasalba dito. ‘yung mas kilala at gusto ng nakararami.
masaya naman ang takbo ng usapan at maayos naman ang ikot ng inuman, masarap din ang mga pulutan at mukhang hindi naman ganun kamahal ang presyo nito. hindi rin pila sa cr at mukhang ok din naman ang crowd nung gabing iyon. pero sabi nga nila, pag sobrang smooth ang gimik ang ibig sabihin lang nun hindi iyon ganun kasaya.
tumawag ng last call ang waiter pagdating ng alas dos ng madaling araw. dahil kakadating ko lang umorder pa kami ng isang bucket ng san mig light at isang order ng buffalo wings. diretso ulit ang inuman at ang naputol na kwentuhan. pagkalipas ng eksakto trenta minuto, lumapit ‘yung bouncer sa mesa namin. eksaktong ako lang ang tao sa mesa nun dahil umuwi na ‘yung isang kasama namin at nasa cr naman ‘yung isa. bumulong sa akin si kuya bouncer thirty minutes na lang daw magsasara na sila. mahinahon kong itinanong kung pwede bang ubusin muna namin ‘yung nasa mesa namin. hindi daw dahil kailangan na nilang magsara pag alas tres na. bigla ang akyat ng dugo sa ulo ko, mahinahon kong sinabi na antagal ko ng nag iinom at andami ko ng napuntahan pero ngayon lang ako nakaranas ng ganun. nakatingin lang si kuya bouncer sa mga mata ko, walang kurap. sinabi ko rin sa mahinahong salita na sana pagtawag nila ng last call nung alas dos sinabi nila na kailangan naming ubusin ‘yun sa loob ng isang oras, papano kung nagkataon na may pera ako nung gabing ‘yun at anim na timba ng san mig lights ang inorder namin? maliwanag na harang ‘tong bar na ‘to. pero syempre hindi ko na sinabi kay kuya bouncer ‘yang huling dalawang sentence na ‘yan.. nakatingin pa rin s’ya sa akin ng mata sa mata at wala pa rin s’yang kurap. eksatong dumating na sa mesa ‘yung kasama ko, ibinulong ko sa kanya ‘yung sitwasyon at nadismaya din s’ya. “hayaan mo na ubusin mo na lang ‘yan kung anong makakaya mo tutal nauna na kami sa’yo, may 15 minutes ka pa” nilingon ko si kuya bouncer na naka pwesto na sa gilid ko, kausap n’ya ‘yung ibang kapwa bouncer n’ya. pag nakita mo sila para silang mga garapata sa laki ng mga katawan. dalawang mesa na lang kaming naiiwan, matulin ang aksyon na ginawa ko. ininom ko ng dire diretso ‘yung apat na bote sa harapan ko sabay salampak ng buffalo wings sa bibig ko. mahilo hilo ako pagkatapos ko at buong b’yahe hanggang makauwi hindi ako lumunok ng laway dahil pakiramdam ko masusuka ako pag ginawa ko ‘yun.

dalawang linggo na ang nakakalipas at masama pa rin ang loob ko sa bar na ‘yun sa may soldiers hills.

ps.
ang korni n’yo wala kayong dance floor.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “central”

  1. naku.. makuha ka daw sa tingin ni kuya hehe para di makapalag..
    at talagang nilaklak mo ang alak. in 15 mins.. *clap clap* hehe

    kahit bar or resto naman pinapaubos muna yung pagkain or drinks sa customer bago magsara.. kainis dyan aahh

  2. ang alam ko sa history ko ng pag-iinom at pag-gimik, kapag sinabing last call, pwede ka pang umorder pero hindi na sila magpapapasok pa ng ibang costumers. pagkatapos pinababayaan ka naman nila na ubusin ang mga inorder mo, and they clean around you. altho tinatantya din nila kung gaano pa karami ang dapat nyong ubusin. kung medyo ubos na ang iniinom ninyo, sasabihan ka ulit na kailangan na nila mag-sara, mas lalo na kung hindi naman kayo nanggugulo. pero at least, pinapasulit naman nila ang binayad mo sa huling mga inorder mo.

    medyo weird yung bouncer nyo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s