anti-rape condom

narinig mo na ba ang bagong imbensyon na inaasahang magiging mabisa daw para mabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang kaso ng panggagahasa sa mga kababaihan?
tinawag nila itong rape-axe isa itong uri ng condom na ipapasok ng mga kababaihan sa mga ano nila na parang isang regular na tampon at pag may isang hindi inaasahang bisita ang pwersahang pumasok sa pintong ‘yun kusang magla lock ang device na ito at animo’y isang ahas na tutuka at babaon sa kanilang pagkalalaki ang animo mga pangil na nakapalibot dito at magbibigay ito ng matinding sakit sa pangahas na bisita, sa sobrang sakit hindi sila makakalakad o makaka ihi man lang, at sa oras na subukan nilang tanggalin ito lalo itong hihigpit.
at alam mo kung anong pinaka highlight n’yang device na ‘yan? tanging duktor lang daw ang makakapag alis nun. kaya ang gagawin na lang ng kapulisan pag may naiulat na gahasaan sa lugar nila? mag abang sa pinakamalapit na ospital.

tatlong bagay ang naisip ko na dahilan para hindi ako personal na matakot d’yan.

una, ang konsepto ng mahuhuli mo ba ang gamu gamo gamit ang isang lambat?
pangalawa, kung sakaling maiipit ako n’yan kayang kaya kong tanggalin mag isa ‘yan. maniwala ka, dati akong shoplifter at kaya kong tanggalin ang mga device na tumutunog na mahigpit na naka kabit sa mga damit sa pamamagitan lang ng gitnang daliri ko at hintuturo. walang isang minuto.
at pangatlo, dahil hindi naman ako rapist.

souce:
antirape.com

note:
oh ayan ha may link na sa source nakakatulong pa, ayan ang responsableng blogger.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

3 thoughts on “anti-rape condom”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s