tanong sagot 17

uhaw sa sagot
MULA DITO

T. ako ang nagpapa-aral sa kapatid ko,akala ko maayos ang lahat sa amin at sumusunod sya sa mga bilin ko or ayaw ko,tulad ng di pagkakaron ng boyfriend. last week natuklasan ko na ilusion lang pala lahat yun. ang dami kong natuklasan na kasinungalingan nya.
S. ibig sabihin may boyfriend pala s’ya na itinatago? nakukuha n’ya pa palang gumimik kung minsan? tignan mo ‘yung grades n’ya, bumaba ba? kung sa tingin mo may kinalaman ‘yung mga natuklasan mo para mapabayaan n’ya ‘yung pag aaral n’ya ngayon pa lang putulin mo na ‘yung sustento n’ya, walang pangalawang pagkakataon sa ganun. pero kung sa tingin mo ginagamit n’ya lang inspirasyon o hingahan ang mga ‘yun para hindi s’ya tamarin sa pag aaral n’ya wala akong nakikitang problema dun. hindi ko alam ang istorya n’yo pero ganto na lang, malamang kaya ikaw ang nagpapaaral sa kanya kase ikaw ang meron at s’ya ang wala sa ngayon, bilang kapatid obligasyon ng meron na punan ang kawalan ng isa ‘wag sana nating gawing dahilan ‘yun para manipulahin ang buhay ng iba.

T. love ko ang friend ko
S. hmmmm pero pareho kayong lalaki, tama ba? lols

T. isnt it sad dahil sabi mo 3inches lang ang dick mo?
S. alam mo kung ano pang mas SAD maliban sa impormasyon na ‘yan? hindi mo ito matitikman.

T.nambabara ka ba ng magagandang babae pag bigla silang nag inarte?
S.otomatik.

T. nagbabasa ka ba ng biblya?
S. hindi ako ‘yung tipong bigla na lang pipitik sa utak ko na gusto kong magbasa ng biblia, pero nagbabasa ako pag meron sa harapan ko at may pagkakataon. kung saang pahina lang mabuksan ko.

T. maraming salamat po sa iyong payo. napa isip ako at tama naman ang sinabi mo tungkol sa pag titimbang sa dalawang tao. pero ano nga ba ang kaibahan ng GRO at hostess? ang alam ko sa hostess ay entertainer lang..ka table. tama ba ako?
S.ang totoo, pareho lang ‘yan mas ginagamit na nga lang ang salitang GRO sa ngayon dahil na rin sa masamang pag intindi ng nakararami sa salitang hostess.walang anuman.

T. sir jon, kami na pala. salamat sa iyong payo at mas napag isipan kong mabuti bago ako pumasok sa relasyon. kami na pla ng babae na love ko, kaso lang iba ang trabaho nya. maraming salamat ulit🙂
S.wow! congrats! nakikita ko naman na magiging mabuting boyfriend ka sa babaeng ‘yan, bilib ako sa’yo na ipinaglaban mo kung ano talaga ‘yung sa tingin mong makaka pagpasaya sa’yo. alam mo kung papano ako mas bibilib sa’yo? pag natutunan mo ng tignan ang babaeng ‘yan na hindi ‘yung uri ng trabaho n’ya ang makikita ng mga mata mo kundi kung papano ka n’ya mahalin at papano ka n’ya napapasaya. oh btw, kung may kaibigan ‘yang girlfriend mo, gusto ko rin ipaglaban kung ano mang pag ibig ang posible kong maramdaman sa kanya, pakisabi.

T. cguro hindi naman hadlang kung ano ang trabaho ng isang tao sa isang taong nag-mamahal diba? kung maganda sana ang buhay nya, bakit pa sya ma pupunta sa ganong trabaho diba?
S.eka ikaw pa rin ba ‘to?

T. sabi nga ng iba “love me not for what i am but for who i am” .mas importante ang katauhan ng tao kesa sa pera. ang pera na uubos, pwedeng makuha lng ulit pero ang pag mamahal ng isang tao di mbabayaran ng pera. salamat sir!
S.aaaaaaaaaaaaaaaaargh!

T. papano sumali sa txtm8t
S.sampung palo ng paddle sa pwet tsaka hampas ng sinturon sa likod, 5 minutes.

T. IT grad ka dba? san ka work? bka may opening dyan IT grad ako.. hehe!
S.oo, sa isang hotel na mas mahal pa sa sogo, wala e.. hehe din.

T. patatawarin ko ba ang asawang nambabae?
S. depende, nambabae ba s’ya para lang lumandio sa tingin mo may pagkukulang ka din kaya natuto s’yang hanapin ‘yun sa iba? anong gusto mong mangyari kung sakaling napagdesisyunan mo na hindi na s’ya patawarin? tatapusin mo na lang ba ‘yung relasyon basta basta? hindi ba parang mas lalo mo lang s’yang binigyan ng kalayaan na mambabae kung sakaling makikipag hiwalay ka sa kanya? anong naiisip mong malulutas mo kung sakaling makikipag hiwalay ka sa kanya? seryoso, kung sa tingin mo mahal mo pa s’ya at kung sa tingin mo kaya mong kalimutan ang lahat, patawarin mo.
basahin mo ang entry ko na ito, naniniwala akong marami ka d’yang matututunan.

tnxmuch.
Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.