lakbaydiwa

may kakayahan ang utak para labanan ang sakit pag sobra na, may paraan ang isip na pamanhidin ang sistema mo pag talagang hindi mo na kaya ang sakit. kung dumadaan ka ngayon sa sitwasyon na pakiramdam mo sobra na at hindi mo na kaya, ‘wag kang sumuko hintayin mo lang na utak mo mismo ang gumawa ng paraan. minsan nalilito tayo kung saan nanggagaling ang sakit, kung dahil ba sa taong umalis o dahil lang sa relasyong naiwan, at minsan din gusto mo ‘yung relasyon kahit hindi mo naman mahal ‘yung tao. anim na araw kang malungkot at isang araw na masaya, ayos na raw ‘yun sabi nila at least sumasaya ka naman daw ‘yung iba nga isang buwan ng malungkot hindi pa rin nakakakita ng magpapasaya sa kanila, kabobohang katwiran, bakit mo ikukumpara sa mga taong walang suwerte ‘yung sarili mo kung hindi naman imposibleng maranasan mo ‘yung nararanasan ng mga ibang pinalad na isang buong taon na puro kasiyahan lang ang nararanasan dahil kasama nila ‘yung totoong nagmamahal sa kanila? ‘wag kang makuntento sa “ayos na ‘to kesa wala” para hindi ka ituring ng iba na “ayos na ‘to pansamantala”.
lahat ng babae may naghihintay na prinsipe sa kanila pero minsan kailangan mo munang magkamali sa paghalik sa mga palaka para matagpuan mo ‘yun. lahat ng tao may katapat na magmamahal talaga sa kanila ng lubos sa isang sulok ng mundong ‘to hinihintay ka lang, kung nasa isang relasyon ka at hindi mo naman maramdaman na s’ya ‘yung taong tinutukoy ko ngayon pa lang kumawala ka na, maawa ka sa taong naghihintay sa’yo. milyong tao na ang nagsabi at sa ilang libong lengguwahe na naisalin, ‘wag kang manghinayang sa taong hindi ka naman panghihinayangan pag nawala ka..

wala sa tagal ‘yan lalo na kung alam mo naman na kaya lang kayo tumagal dahil nagpapakatanga ka.

maniwala ka, dahil sinabi ko.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “lakbaydiwa”

  1. Napakahusay mo ginoo! hanga ako sa paraan ng iyong pagsulat at kakayanang magpaliwanag ng bagay-bagay na sasapul sa mga mambabasa mo.Aray!Sapul na sapul ako dito. Napakahusay po ninyo talaga! :grinnod:

  2. Napakahusay mo ginoo! hanga ako sa paraan ng iyong pagsulat at kakayanang magpaliwanag ng bagay-bagay na sasapul sa mga mambabasa mo.Aray!Sapul na sapul ako dito. Napakahusay po ninyo talaga! :grinnod:(Sobrang pagkasapul ko nakalimutan kong ilagay kung sino ako.😆 )

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s