ang upuan ni cabron (ikalawa)

gaya ng nauna, kung nakapunta ka na minsan sa wp-p (‘yung samahan ng mga pinoy na gumagamit ng wordpress na nawalan ng
hotseatsaysay buhat nung naging admin dun si ambo.. at nauso ang plurk)
gumawa kaming mga opisyal dati dun ng isang thread kung saan binabato namin ng mga tanong ang kung sinong napagkasunduang pumuwesto dun sa loob ng isang linggo, at tinatawag namin ‘yun na “Hotseat” mala forbidden questions sa radyo at mala tough ten questions sa tv. nakakaaliw ‘yung thread at hanggang ngayon naniniwala ako na isa ‘yun sa pinakamasaya at pinakamakabuluhang lugar sa forum na ‘yun kaya naisipan ko na dalhin at subukan ‘yun dito.
para sa kaligtasan ng nakaupo sa “hotseat” napagdesisyunan ko na burahin ang pangalan n’ya at para mas maging totoo at matapang  ang mga sagot pinahawakan ko sa kanya ang pangako na kahit anong mangyari hindi ko ilalabas ang pagkakakilanlan n’ya. walang palakasan at walang clue..
ang upuan ni cabron, ikalawang labas.

Jon Cabron: 15 questions ‘to!
?????: oo sige kahit ilan pa yan!
?????: na excite na ako wag moko bitinin
Jon Cabron: lets do it!!
Jon Cabron: eka nawala yung opening spiel ko
Jon Cabron: eto ang batas, pag hindi mo kayang sagutin ang tanong halimbawa tingin mo masyadong personal o masyadong
delikado magba BUZZ! ka lang. hindi ko na itatanong ‘yun, walang pilitan. pero pag ginawa mo ‘yun tapos na ang tanungan. pareho lang din pag naramdaman ko na nagsisinungaling ka lang. malinaw? gud, game!
?????: kinabahan naman ako
Jon Cabron: hmmmmm
Jon Cabron: 1. kung gagawa ka ng sex video, anong gagamitin mong title nun?
?????: ang hirap naman agad
Jon Cabron: pinakamadali yan, nahihirapan nga ako pumili
?????: hmmm
?????: ang hirap  isang katunayan na hindi ako manyak.
Jon Cabron: buzz?
?????: ahmmmmmmmmmm Tampisaw sa Kama
Jon Cabron: hmmmm pwede
Jon Cabron: pag ako, teh long playing jon
Jon Cabron: series gusto ko
?????: WOW di nga, gano ka ba katagal?
Jon Cabron: mga 20 minutes..
?????: matagal ba ang 20mins?
Jon Cabron: teka pota baka nga hindi matagal ‘yun magmukha akong tanga dito. pakikalimutan mo na ‘yan.
Jon Cabron: 2. anong pinaka ayaw mo sa internet at sa mga tao dito?
?????: mga nagmamarunong.
Jon Cabron: alam mo seryoso, andami nga ng mga nagmamarunong sa grupo n’yo ‘no?
?????: meron naman kasing kapatapatawad magmarunong, pero yung wala ng punto nagmamarunong pa eh kesarap saksakin sa ngala ngala
Jon Cabron: pero eto totoo, nasa grupo n’yo ‘yung matatawag na magagaling talaga magsulat
Jon Cabron: ‘yun nga lang andun din sa inyo ‘yung mga dunung dunungan
?????: prang gusto ko tanungin kung sino yan
?????: DALI! seryoso walang lalabas
Jon Cabron: haha, basta ‘yun ‘yung lahat na lang ng issue e pakiramdam n’ya yata inoobliga s’ya ng mundo na iparinig n’ya ‘yung opinyon n’ya
?????: ang hirap parang gusto ko hulaan
?????: kaso hindi ako magaling manghula
?????: tapos ako pala yun?
Jon Cabron: lagi yun! tapos pagkabasa ko naman ng pinagsasabi n’ya bumabagsak ang balikat ko
Jon Cabron: ngeks hindi
Jon Cabron: game na
?????: TEKA
?????: naintriga ako
Jon Cabron: sasabihin ko sa’yo pag nakumpleto mo ‘yung 15
?????: sigeeeeee
?????: game
Jon Cabron: 3. sino ang tatlong pinaka korning tao sa tumblr mo?
?????: tangina ang hirap
Jon Cabron: sos!
?????: helga? kilala mo?
Jon Cabron: o kakilala naman ng mundo ‘yun
Jon Cabron: eka si helga? korni ba ‘yun?! nakaka aliw nga ‘yun ah
?????: tlga? inunfollow ko eh
?????: si kidaokagee
Jon Cabron: oh? hmmm ket? hoy! kahit sino ‘wag lang ‘yun naman naman
?????: baket
?????: teka
?????: ahmmmmmm
?????: si kaththecrapout
Jon Cabron: alam mo! nagkataon lang na hindi mo trip ‘yung trip n’ya pero hindi ibig sabihin nun na korni na s’ya!
Jon Cabron: aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaargh!!!!!!!!
?????: baket mahal mo ba silang 3?
Jon Cabron: oo hahahahahhahahaha
Jon Cabron: eka bakit korni ‘yung tatlo?
?????: hindi naman korni di ko lang digs. tsaka malamang kilala yan ng mga sangkatauhan kaya makakarelate sila
Jon Cabron: ahhhhhkei
?????: ah alam ko na
?????: http://crackedmymarbles.tumblr.com/
Jon Cabron: sino naman ‘yan?
?????: eto dali tgnan mo yung gif nya – http://yepoicalvo.tumblr.com
?????: http://jos55.tumblr.com/
?????: http://sidjimenez.tumblr.com/
Jon Cabron: parang nakita ko na ‘to si yepoicalvo
Jon Cabron: pamilyar sa akin ‘to
Jon Cabron: anong intensyon n’ya dun sa gif na ‘yun nga?
Jon Cabron:hindi ko kilala ‘yung sidjijimenez kaya ‘wala ‘yun, pati yung jos55 mo
Jon Cabron: hmmm so si yepoicalvo, helga, ghing, tsaka si kat?
?????: yepoicalvo, kath, tsaka kidaokageeee
?????: huuuy
?????: kinabahan ako taena
Jon Cabron: tsk ‘wag ka na
?????: baka mapahamak ako
Jon Cabron: kilala ko na ‘to.. kaibigan nila pedro tsaka nakafollow sa twitter ko pala ‘to.
Jon Cabron: pang apat pa lang?
?????: yes
Jon Cabron: 4. sinong blogger ang kaibigan mo pero hindi mo binabasa ‘yung blog n’ya?
?????: yung totoo? hindi ako nagbabloghop
Jon Cabron: sos
Jon Cabron: ‘yung kahit hindi ka naman busy hindi mo magawang basahin ‘yung blog n’ya
?????: hindi kasi ako nagbabasa tlga
Jon Cabron: ‘yung tipong mas gugustuhin mo pang magbasa ng dyaryo na basa kesa basahin ang kwento n’ya
?????: grabe namannnnnnnn
Jon Cabron: may ganun! marami akong ganun ah
?????: pero sige ganito na lang, yung binasa ko pero hindi ako natuwa
Jon Cabron: hmmm
Jon Cabron: pag kakilala ko ‘yan sige pwede na yan
?????: chiksilog
?????: ay teka wag na yan masyadong halata eh
Jon Cabron: eka bakit hindi ka natuwa? mahusay naman magsulat ‘yun ah
?????: hindi kasi ako natatawa eh, humor blog daw ata
Jon Cabron: alam mo ‘yung totoo
Jon Cabron: sana nga hindi na lang humor ang ginamit na salita ‘no? pwede naman pasikatan
?????: angyabangggggg
Jon Cabron: hindi, kase ‘yung iba ‘di ba parang o kung kaibigan kita iboto mo ‘ko .. parang ganun
Jon Cabron: kaya ang nangyari paramihan ng kaibigan
?????: parang popularity contest?
Jon Cabron: oo parang ganun
?????: parang dapat sana may panel of judges na lang ganon?
Jon Cabron: tama
Jon Cabron: ‘yung para pag hindi din sila natawa katulad mo babawasan nila ‘yung puntos nung isa
?????: kumbaga maliit na porsyento yung audience impact
Jon Cabron: tama
Jon Cabron: 5. overrated na blogger?
?????: hmmmm
?????: pwede bang dito na lang si kaththecrapout?
Jon Cabron: magaling naman magsulat si kath ah? tsaka dinownload ko nga ‘yung video nun ‘yung “pag nagpost ako ng ano nagagalit kayo…” ang cute
Jon Cabron: 6. website na sa tingin mo ikaw lang ang nakakaalam?
?????: ang hirap
Jon Cabron: meron ako dati alam mo ba, website na listahan ng mga cr sa mundo ilalagay mo lang kung nasaang lugar ka tapos lalabas kung saan ‘yung cr na malapit sa’yo.
?????: wOOOOOOOOOOOOOOOOOOW
?????: http://www.moninavelarde.com/newyears/
Jon Cabron: 7. kaninong blogger ka nababaduyan manamit?
?????: billycoy
Jon Cabron: papanong baduy?
?????: ahm parang batang ama
Jon Cabron: 8. si sharon cuneta ang isa sa pinaka plastik na tao sa showbiz, lahat paborito at lahat mahal n’ya… sino sa palagay mo ang kapareho n’ya dito sa internet?
?????: hmmmmm
?????: kelangan may analogy pa eh
Jon Cabron: syempre, para magtunog matalino ako
?????: parang wala pa akong na encounter na taong ganyan sa internet
Jon Cabron: sigurado ka?
?????: hmmmmmmmmmm
?????: para kasing sa ngayon dapat mag angas ka sa net eh
?????: para mapansin
Jon Cabron: ahhh wala ka pang nakakasalamuha na tipong “mahal ko talaga ‘to si ano e”
Jon Cabron: “ay kaya ko mahal ‘yan e”
?????: sa mga may karelasyon oo, pero yung sharonian way of life wala pa naman
Jon Cabron: ahhh mabuti
Jon Cabron: 9. patuka sa utak: ang kakornihan parang anghit din ‘yan. madalas hindi alam ng may anghit na meron s’ya nun. sa tingin mo kanino bagay ‘yang patuka na ‘yan?
?????: hinahanap ko yung mga nagcocomment sa blog mo kasi doon maraming may anghit
?????: sorry na
Jon Cabron: alam mo ang totoo? oo nga hahahhahha
Jon Cabron: siguro sa showbiz ang katapat ko pagdating sa class class ha, porkchop duo
?????: hindi ikaw yung korni, yung mga ibang nagcocomment. parang wala lang makacomment lang eh.
Jon Cabron: yun nga e, ibig sabihin ganun ang crowd ko
?????: yung mga tao kasi may mauso lang sasawsaw na
?????: eh bumenta ka, kakapit sila.
Jon Cabron: sino sa tingin mo ang blogger na gumagaya sa isa pang blogger?
?????: hmmm
Jon Cabron: 12 and 13 yan
?????: hmmmm
?????: may napapansin ako pero hindi ko maalala
?????: hmmmmmmm
?????: mangagaya?
Jon Cabron: isang puntos sa nanggagaya at isang puntos sa ginagaya
?????: may narinig ako dati, si pedro daw sa iyo
?????: pero siguro hindi naman intensyonal
Jon Cabron: may nagsabi din sa akin nyan.. pero parang hindi naman
Jon Cabron: hindi naman di ba?
?????: parang hindi naman
?????: siguro nainspire lang sayo
Jon Cabron: pero hindi e, seryoso wala akong nakikitang pagkakahawig kahit konti.. walang halong kaplastikan yan
?????: ako parang narinig ko lang not sure kung sino
Jon Cabron: hmmmm pwede na
Jon Cabron: 14 na hmmmmm dalawa na lang
?????: kinakabahan ako sa post
Jon Cabron: 14. blogger na kaibigan ng kaibigan mo na naiilang ka pag nakakasama n’yo sa gimik?
?????: MAHAHALATA AKO NITO
Jon Cabron: buzz?
?????: wala man lang ba akong karapatan mag pass?
Jon Cabron: takte ang hirap mo nga hanapan ng tanong
?????: kasi maliit lang mundo ko sa net
Jon Cabron: sila malawak kaya hindi ka nila mahuhulaan
Jon Cabron: sagot na
Jon Cabron: madali lang yung huli pramis pag nasagot mo’yan
?????: ang hirap.
?????: magbubuzz na ako
Jon Cabron: hindi mo malalaman kung sino yung sinasabi kong blogger na pakiramdam nya e laging hinihingi ng mundo ang opinyon nya
?????: baka naman si xg yan eh ahm ganun din
Jon Cabron: mumultuhin ka ng tanong na yun haha
Jon Cabron: hindi sos
?????: pag iisipan ko
Jon Cabron: hmmmm
Jon Cabron: mag buzz ka na lang para tapos na
Jon Cabron: haha ayoko din malaman mo yung sinasabi ko

?????: BUZZ!!

Jon Cabron: kung nasagot mo ‘yan, bibigyan kita ng magandang clue sana tapos sa huling tanong pag nasagot mo ibibigay ko sa’yo ng buo ‘yung sagot. iyan ang batas, wala ng bawian.

Jon Cabron: paki hintay hintay na lang kung kelan ko ipapublish ‘to. salamat’
?????: pwede bang mabasa muna bago mo ipost baka madeduce na ako to
Jon Cabron: hindi ka madededuce dahil bihira ang nakakaalam ng salitang ‘yun, kahit ako hindi ko alam yun e

maraming salamat.
Jon Cabron

at muli na namang lumiit ang porsiyento kong makahugot ng kapirasong lakas ng loob para dumalo sa mga pagkikita kita ng mga taong internet.
at muli na namang lumaki ang tsansa kong mamatay ng mag isa sa isang malayo at maliit na ospital.

isa sa pinakamalungkot na tao sa mundo ay ‘yung taong sobrang siniseryoso ang mundo ng internet

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

13 thoughts on “ang upuan ni cabron (ikalawa)”

  1. Hindi po ako kilala ng sangkatauhan, hahaha. :3

    Okay lang na masabing di ako gusto ng tao. Inaamin ko na hindi naman talaga ako ganun ka-likable dahil may tendency akong mang-away at magpaka-immature pero si Ms. Helga Weber at si Ghing (kidaokagee)? Wala lang. Nagulat lang ako. Well, kanya-kanya lang namang preference yan. Ahehehe.

    Huwaw. Nabanggit ako sa blog ni Sir Cabron. XDD

    PS
    Hala anong video yun? Yun ba yung umaarte akong umiiyak? Ahahahaha!

    1. sabi ko nga, nagkataon lang na ‘di n’ya trip siguro ‘yung mga trip n’yo pero hindi ibig sabihin nun na ganun na kayo… maniwala ka, inilaban ko kayo kahit sa huling sandali. haha!

      PS.
      dinownload ko ‘yun at andito pa rin sa notebook ko. “bakit ganoooon….” hahaha angkyut!

      1. Isip ako ng isip kung anong video yun, chineck ko yung Youtube ko, wala naman akong makitang may linya akong yun. Tapos naalala ko, may ginawa pala akong video na ginagaya ko si Agua. Binura ko yun, may nakapag save pa rin.😆 Nakakahiya.

  2. oo naman sir Cabron aminado akong korni ako… yung robo.to ko rin ay sadyang di nakakatawa… ewan di naman kasi ako nagsusulat at di naman ko intensyon magpatawa… kung may pumasok na kasabawan sa utak ko sige lang sulat lang… pinipilit ko naman maging responsable sa mga nilalagay ko sa tumblr site ko… kung sino man po yang ininterbyu nyo humuhingi ako ng paumanhin kung di nakiliti ng aking banat ang kanyang utak… iba’t iba naman talaga ang level ng humor ng isang tao… di lang siguro nakakatawa ako para sa kanya…

    pero negative man ang tingin nya sa akin… nasulat pa rin ako sa site nyo… PANALO na… :blush:

    I am a fan boy ahahaha

  3. hindi ako madalas dito. hindi naman sikreto ‘yun. pero ‘pag may bakante akong oras, isa itong site mo sa top priority list ko. parang stop ober ba. pahingahan. stress reliever kung ituring ko. ganun pa man, may mga entry kang hindi na nasisilayan ng mga mata ko. ang ‘pag babasa ko kasi dito ay kaparehas lang din kasi ng paraan ng pagbabasa mo ng bibliya. kung sa’n mabuksan, kung anong madatnan at kung hanggang saan ang matripan. isa itong entry na ‘to sa mga hindi ko natyempuhang madaanan. narinig ko lang kagabi na may nasusulat daw na ganito kung saan nabanggit ang pangalan ko. sabi ko ‘di naman bago ‘yun. ‘di dahil sa sikat ako o ano. may kaliitan na lang din kasi talaga ang mundo ng internet. isang patunay n’yan ay ang kutob kong kilala ko itong tao na nakapanayam mo.

    hind

  4. ah eh naputol. napindot ko ata agad ‘yung add comment.

    mabalik lang ako sa usapan. hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero isang karangalan ang maikumpara sa isang katulad mo. hindi ko sasang ayunan at hindi ko din papabulaanan ‘yung alingasngas na ginagaya kita. ang masasabi ko lang kung manggagaya ka na din lang bakit hindi pa sa isang jon cabron na? maraming ‘ pag pipilian at tanga ka kung supot pa ‘yung iyong mapupusuang hanguan ng ‘yong istilo at kaalaman. bago dito, may nakapagsabi na din sa aking katunog daw kita. sabi ko, blog ‘yun walang tunog ‘yun tanga! si bob ong ginagaya ko din daw. oo na lang ako. hahahaha.

  5. bat tawang tawa ako? napagkamalan pang ako ang iniinterview mo jan. anyway. totoong tao ako, mag email ka sakin jan sa email na yan.

    (walang gaguhan, magkaibigan talaga tayo as in, matagal nalang tayong di nag uusap. email lang ha. mahirap na :grinnod: .)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s