ano kaya kung gawing pelikula o libro ang buhay mo?

lahat naman tayo minsan sa buhay natin dumarating sa atin ‘yung mapapaisip ka.. ano kaya kung gawing pelikula o libro ang buhay mo? bigla na lang papasok sa isip mo ‘yan kadalasan habang nagpapaantok ka o kaya habang nasa byahe ka o minsan kahit tumatae ka. minsan nga kumpleto ka pa sa casting e. sino ang gaganap na ikaw kunyari, sinong matandang artista ang gaganap na nanay mo, girlfriend mo, mga kapatid, at mga kaibigan.
minsan din ‘yung mismong plot ng istorya binubuo mo na sa isip mo. saan magsisimula ang kuwento at saan magtatapos. kanina bago bumangon napaisip ako, kung pupwede sana kung gagawing istorya ang buhay ko sana laktawan na lang ‘yung mga panahon na estudyante ako ng elementarya. bakit?

1. grade 1 ako nung una akong nakaramdam na may kakambal ako sa loob ng tiyan ko na hindi nabuo. at mapili s’ya sa pagkain kaya konting kain ko ng mali at hindi n’ya nagustuhan isinusuka n’ya.
2. grade 2 ako nung nahimatay ako sa harap ng buong klase. nangisay ako at bumula ang bibig ko.
3. grade 3 ako nung nakikipag habulan ako sa mga boyscout na ayaw akong palabasin ng school dahil hindi pa uwian, kahit na umiiyak na akong nagpaliwanag na malapit lang dun ang bahay ng lola ko at kailangan ko lang mag hugas.

at bukod sa lahat ng ‘yan, kamukha ni princess fiona ang girlfriend ko nung grade 5 ako.

‘yun lang naman.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “ano kaya kung gawing pelikula o libro ang buhay mo?”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s