flash disk

at dahil nga naiwala ko ‘yung flashdisk ng buong IT Department sa isang hindi maiiwasang aksidente, wala akong magamit ngayon dito sa opisina dahil kasabay nun ang pagluluko naman ng sarili kong external drive na pinangalanan kong porn stash .. at hindi ko na dapat pang sinasabi sa inyo ‘yang pangalan na ‘yan.
may kinailangan akong itransfer na files kanina, backup nung ginagawa kong laptop ng isang manager sa taas. nagtanong na ako sa bisor ko at nagbakasali na meron s’yang maipapahiram pero wala daw, hindi naman ako pwedeng magtanong sa manager ko dahil .. ahmmm malalaman n’yang naiwala ko ‘yung flashdisk namin dito at naniniwala akong hindi pa ito ang takdang panahon para malaman n’ya ang mga bagay na ganun kakumplikado.. makakasama sa kanya.
lumabas ako ng department at saktong nakita ko dun ‘yung bagong trainee nila na maikli magpalda at malagkit tumingin. may kung ilang beses ko ng nakatitigan ‘to siguro kung sampu ang bilang baka siyam dun sa senaryong ‘yun ako pa ang naunang nagbaba ng tingin. mahina ako sa titigan pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko tsaka naiihi ako.
wala na akong pagpipilian tsaka saglit lang naman.

Jon Cabron: miss, ahmmmm may flashdisk ka ‘ba?
Trainee na Babae: ay meron, sir.
Jon Cabron: baka pwede pahiram, saglit lang.
Trainee na Babae: saglit lang ba sir?
Jon Cabron: saglit lang…

tumalikod s’ya at may kinapa sa bag n’ya sa likod ng upuan.. malamang ‘yung flashdisk na ‘yun. tinititigan ko ‘yung katawan n’ya habang hindi s’ya nakatingin sa akin, parang pang hayskul lang. kung sa ibang lugar kami nagtagpo nito at hindi dito sa opisina baka isipin ko pang estudyante lang ‘to ng hayskul, estudyanteng biniyayaan ng boobs.

pakiramdam ko tumalon ang buo kong katawan maliban sa paa kong nakasayad pa rin sa semento nung bumalik ako sa realidad at nakita ko s’yang kanina pa pala ako kinakausap.

Trainee na Babae: sir, eto na..

habang pinapaikot ikot n’ya sa hangin ‘yung flashdisk n’ya na hawak n’ya sa tali na pansabit sa leeg.

Jon Cabron:
ay sori may iniisip lang ako, salamat.

inabot ng kamay ko ‘yung flashdisk sa kamay n’ya at inimagine ko na may mga kuryente kunyari akong naramdaman sa pagtama ng maliit na parte ng hinliliit ko sa kapirasong parte ng palad n’ya. nakatalikod na ako at pahabakbang na pabalik sa opisina namin ng sinitsitan n’ya ako..

Trainee na Babae: psssst!
Jon Cabron: hmmmmm?
Trainee na Babae: sir, sabi mo saglit lang ha!

bigla ang mabilis na pasok ng malisya sa bawat piraso ng katawan ko, iyon ‘yung mga pagkakataon na hindi ko na kinakailangang amuyin kung ano ang niluluto sa kusina para malaman kung ano ang ulam, naka hain na ito sa mismong harapan ko.

Jon Cabron: saglit lang ‘to, pramis bibilisan ko lang.

ngumiti lang s’ya at ipinagpatuloy ko ang paghakbang papalayo ng nakarinig ulit ako ng sitsit mula sa likuran ko.

Trainee na Babae:
psssst! ahhhmm sir, malaki ba ‘yan?

.. may tatlong kutsaritang laway yata ang nalunok ko.

Jon Cabron: maliit lang e, ayos lang ba?
Trainee na Babae: baka hindi kumasya?
Jon Cabron:
titignan ko na lang muna.
Trainee na Babae: o kaya sir, unti untiin mo na lang kung hindi talaga kasya.

pakiramdam ko nagsikip ang… sapatos ko nung mga oras na ‘yun dahil bigla akong nahirapang maglakad. ako lang ba ang nakakahalata ng makulay na itinatakbo ng usapan namin o talagang sinasadya n’yang makipag laro ng mga salita sa akin?

Trainee na Babae: putul putulin mo na lang, sir!

mabilis ang reaksyon ko..

Jon Cabron: huwaaaag!!!!

napuno ng pagtataka ang mukha n’ya, nagulat sa pagsigaw ko at nabigla sa reaksyon ko.

Trainee na Babae: sir? may problema ba?
Jon Cabron: wala, pasensya ka na.. magulo lang ang isip ko.

.. at mabilis akong tumakbo papalayo.

ngayon ko lang naisip, napakatagal na panahon na din pala.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “flash disk”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s