tanong sagot 16

ang mga sagot sa tanong
MULA DITO

T. anung maipag mamalaki na meron si Mrs. Cabron na wala ang mga Beauty Queen at Cover ng FHM. si Mrs. Cabron ba na tipong kahit bulag eh mahuhulog ang loob sa kanya pag na kilala sya ng lubusan?
S.ako.

T. mabilis ka bang mag sawa sa mga bagay na ginagawa ng paulit ulit. oh madali kang maka adopt pag inalagay ka sa isang routine?
S.mabilis akong maka adopt pero mabilis din akong magsawa.

T. sa obserbasyon mo. anu pinag kaiba ng babae na 19 anyos sa 29 anyos pagdating sa paraan ng pag iisip? at pagdating din sa anuhan, yung anu.. hmmm…
S.bukod sa mas matatag ng magdesisyon at mas tuwid na kalimitan ang pagiisip ng isang bente nuwebe anyos, wala na.

T. bakit kaya pag sinabi fuck or sex d ganun kabastos pero pag tinagalog mo d maganda pakinga?
S.depende ‘yun kung saang pagkakataon mo ginamit ‘yung salitang “sex” o “fuck” ‘yung isa kase pwedeng ekspresyon lang ‘yun dala ng pagkabigla o panghihinayang. hindi tulad ‘yung tagalog version nun na hindi mo pwedeng gamitin kung saan saan dahil pag narinig mo ‘yung bagay na ‘yun hindi papasok sa isip mo na baka nagulat o nanghihinayang lang ‘yung taong nagsalita nun, masyadong verb kase ang dating ng salitang ‘yun sa tagalog.

T. kuya jon sobrang thankful po ako sa mga qoutes nyo!!
S.salamat din naman.

T.sir joh, meron akong iniwan na blog. tapos sa dalas ng pagbabasa ko ng blog mo parang gusto ko ulit gumawa sir. tingin mo?
S.ituloy mo lang, seryosong napakasarap magsulat.

T. tsaka ano ba ‘yang putangenang trigo na ‘yan? bugtong bugtong lang ng mga henyo nung unang panahon ‘yan e. — tama ka. Pero, ang trigo ba ay nagagamit mo pa rin kapag nagtatarabaho ka na?
S.dito sa amin? wala akong naaalalang may nakaengkuwentro akong may kinalaman sa trigo sa kumpanyang ‘to, maga apat na taon na yata ako dito.

T. kuya jon post ka naman mga new qoutation mo
S.sige pag may bago. buhat nung iniwan ko ‘yung tumblr ganun na ang ginagawa ko e post agad dito sa blog.. minsan sa twitter, follow mo ‘ko.

T. kung ang isang minamahal ay lumayo na at sa amsakit na salita ay pinapalit ka sa iba tapos eh nagbalik to para sabihing nagkamali at kung anu-ano pang drama na usual na sinasabi ng mga lalaki na ganyan,dapat pa bang patawarin at bigyan ng isa pang tsansa?
S.sabihin mo sa kanya ‘yung sinabi ni bea kay john lloyd.. “ano ngayon babalik ka dahil ok ka na? dahil pwede ka na ulit? eh putang ina mo!” .. pero ‘wag mong sabihin na ako ang nagpayo n’yan sa’yo.

T. feeling ko ikaw si kuya Jobert sa YouTube.
S. nung huli kong tinignan ang sarili ko, hindi.

T. bakit ka nagbablog?
S. masyadong malikot ang isip ko at kailangan kong kunsintihin ‘yun para hindi ako mabaliw.

ok, salamat na rin kahit papa’no,

Jon Cabron

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.