ang sagot ni jennylyn mercado sa diumano’y dalawang taong lihim na pakikipagrelasyon n’ya

dahan dahan kong tinanggal ang earfone na nakasalpak sa tenga ko pagrehistro ni jennylyn mercado sa telebisyon sa loob ng aircon bus na sinasakyan ko nung isang hapon habang pauwi galing sa trabaho. ang ganda n’ya yata ngayon, mukhang inspirado. mukhang nakalimutan n’ya na talaga si patrick garcia.
teka, komersyal daw muna sabi nung pang hapong palabas tungkol sa mga tsismis sa showbiz.

“susunooood! jennylyn mercado babasagin ang katahimikan tungkol sa isiniwalat ng umano’y dating naka relasyon na si andrei felix!

salpak ulit muna ng earfone sa tenga, ok din talaga ‘to si eminem ang bagsik ng mga lyrics, gusto kong maging ganito pag nagsusulat ako ‘yung walang pakialam sa pakiramdam ng ibang tao. halos pareho kami nito e, may hindi magandang childhood life at walang nakagisnang ama, ang pagkakaiba lang namin nito pareho kaming may gagong nanay pero ako, hindi ko naman isinusulat dito ‘yun.
mukha ulit ni jennylyn mercado sa tv, tanggal ng earfone.

“jennylyn mercado at ang sagot sa mga inilantad ng umano’y nakarelasyon ng dalawang taon na si andrei felix.. pakaabangan!

ibang istorya muna, susunod na siguro dito sa jennylyn mercado. sa tingin ko totoo ‘tong kay john lloyd at shaina talaga, andali naman kaseng ideny talaga kung wala e hindi mo na kailangan pang magpaligoy ligoy.
tangena, komersyal daw muna ulit.

“buwelta ni jennylyn mercado sa dalawang taon na lihim na relasyon daw nila diumano ni andrei felix… susunod na!

salpak ulit ng earfone. ‘yun pa lang isa kang puti tapos dinomina mo ‘yung mga itim at napabilib mo sila, iyon pa lang pagpapatunay na talagang may ibubuga ka. nasan na kaya ‘yung dinownload kong 8 mile mapanood nga ‘yun sa rest day ko. pag ako gagawing pelikula ang buhay ko, 8 inches ang ipapangalan ko.
teka, eto na.. tanggal muna ng earfone ulit.

“jennylyn mercado may lilinawin tungkol sa diumano’y lihim na relasyon n’ya kay andrei felix sa loob ng dalawang taon.. ngayon na!!

eto na nga! eto na mismo, una nagpapasalamat s’ya dahil naextend daw ‘yung palabas nila ni dennis trillo paghapon. sunod na tanong kung ano daw masasabi n’ya sa isiniwalat ni andrei felix tungkol sa lihim na relasyon nila na tumagal ng dalawang taon.

naging slowmo ang pag nguya ko sa babolgum, pakiramdam ko sa bawat pag galaw ng panga ko may makakalagpas na letra ng pangungusap n’ya sa pandinig ko..

ngumiti si jennylyn mercado at humarap sa kamera bago sumagot.

“wala po kase akong masasabi d’yan e, para na lang po hindi na humaba”

letche!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “ang sagot ni jennylyn mercado sa diumano’y dalawang taong lihim na pakikipagrelasyon n’ya”

  1. naiimagine ko ang eksena sa bus sir. lahat lahat. bwahahaha. naiimagine kong umuuga uga ka pa habang umaandar ang bus at nakikinig ng eminem songs errr rap songs. LOL

    at talagang interesado ka dyan kay jennylyn eh ubod ng sinungaling yan hahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s