ang upuan ni cabron

kung nakapunta ka na minsan sa wp-p (‘yung samahan ng mga pinoy na gumagamit ng wordpress na nawalan ng saysay buhat nung nauso ang plurk at naging admin dun si ambo) gumawa kaming mga opisyal dati dun ng isang thread kung saan binabato namin ng mga tanong ang kung sinong napagkasunduang pumuwesto dun sa loob ng isang linggo, at tinatawag namin ‘yun na “Hotseat” mala forbidden questions sa radyo at mala tough ten questions sa tv. nakakaaliw ‘yung thread at hanggang ngayon naniniwala ako na isa ‘yun sa pinakamasaya at pinakamakabuluhang lugar sa forum na ‘yun at naisipan ko na dalhin at subukan ‘yun dito.

hotseatpara sa kaligtasan ng nakaupo sa “hotseat” napagdesisyunan ko na burahin ang pangalan n’ya at para mas maging totoo at matapang  ang mga sagot pinahawakan ko sa kanya ang pangako na kahit anong mangyari hindi ko ilalabas ang pagkakakilanlan n’ya. walang palakasan at walang clue.. maliban sa huling hamon ko sa kanya. blah blah blah blah… game.

eto ang batas, pag hindi mo kayang sagutin ang tanong halimbawa tingin mo masyadong personal o masyadong delikado magba BUZZ! ka lang. hindi ko na itatanong ‘yun, walang pilitan. pero pag ginawa mo ‘yun tapos na ang tanungan. pareho lang din pag naramdaman ko na nagsisinungaling ka lang.
malinaw? gud, game!

___: ok ok
___: malinaw
___: game
___: hahaha ok
Jon Cabron: 1. ilang taon ka nung unang ginawa mo ‘yun?
___: 17
Jon Cabron: 2. saang parte ng katawan mo ‘yung pag nadaanan ng halik, mabilis kang makalimot?
___: tits
Jon Cabron: 3. naranasan mo na bang makipag meetup tapos nadisappoint ka sa itsura nung tao kaya minadali mong matapos na ‘yung araw?
___: oo
Jon Cabron: blogger?
___: oo
Jon Cabron: sino?
___: veggiecircle (di ko lam ano pangalan nya sa blog ngayon, basta yan yung gamit nya dati)
Jon Cabron: hmmmm sobrang pangit ba? mukhang mabaho? o weirdo lang?
___: weirdo tsaka di ko type
Jon Cabron: hmmmm 4. naranasan mo na bang makipaglandian sa bf ng kaibigan mo?
___: oo hahaha
Jon Cabron: …. nagkahulihan ba?
___: hindi..magaling ako eh
Jon Cabron: hmmm
Jon Cabron: 5. pinaka delikadong lugar na ginawa mo ‘yun?
___: bahay nya
Jon Cabron: sos! anong delikado dun?
___: eh kasi natutulog lang sa kabilang kwarto yung tatay nya po
Jon Cabron: hmmm magaling, pwede na.
Jon Cabron: 6: kung merong lalabas na isang malaking ibon na nagbubuga ng apoy at may matatalim na pangil, sinong tatlong tao sa internet ang iaalay mo sa kanya para ma isave mo ang buong mundo? ‘yung sa tingin mo hindi naman sila magiging kabawasan dito?
___: efbee, gasdude, ronturon
Jon Cabron: pakiramdam mo normal pa rin ang net pag wala silang tatlo?
___: normal na normal pa rin eh hindi naman ako nag enjoy basahin blog ng mga yan eh
Jon Cabron: ahhhmkei
Jon Cabron: 7: sinong blogger ang sa tingin mo kaya mong makuha pag nilandi mo?
___: yung totoo, wala
Jon Cabron: sigurado ka?
___: sigurado
Jon Cabron: wala ka man lang nabasa na tipong naisip mong subukang landiin?
___: sinubukan ko pero di naman nagtagumpay
Jon Cabron: sinong blogger ang kaibigan mo pero hindi mo binabasa ‘yung blog n’ya?
___: si homebodyhubby
Jon Cabron: ahhhh eka sino ‘yun? wala bang mas kilala pa dun? ikaw lang yata nagbabasa dun e
___: hahaha yung may hamsters sa blog nya
Jon Cabron: ahhhhhhhhhhhhkei
___: may nasabi sya sakin dati na hindi ko nagustuhan
Jon Cabron: 9. taong internet na hindi mo nakikitang makakasama mo sa isang gimikan kahit kailan, bakit?
Jon Cabron: at kung pwede ‘yung hindi lang naman sana ikaw ang nakakakilala lang
___: yung ronturon.. una wala syang sense, pangalawa, magkaiba kami ng grupo
Jon Cabron: walang sense si ronturon? ‘yun ba ‘yung naging boyfriend ni ano ba ‘yun?
___: yung inaway mo sa plurk yata dati.. hahha sya ba yon?
Jon Cabron: oo nga yata, nahiya ako dun.. mabait pala, hindi ako pinatulan
Jon Cabron: nahihiya ako sa mga inaaway ko tapos hindi pumapatol
Jon Cabron: nahihiya na naiinsulto ako hahaha
___: hahahaha
Jon Cabron: 10. sinong blogger ang feeling sikat maliban sa akin?
___: ronturon try mo na lang basahin yung blog nya..malalaman mo kung bakit
Jon Cabron: kailangan ko pang igoogle, hindi ko tanda ‘yung blog n’ya e
___: hindi ko na rin tanda eh
Jon Cabron: natatawa ako sa mga taong nayayabangan sa akin na hindi ko naman kakilala, tsaka kalimitan ng nayayabangan sa akin sa ibang tao ko pa nalalaman’
___: eh duwag eh, hanggang sa iba lang kaya magsabi
Jon Cabron: kung babae ako hindi ako maiinlab sa lalaking ganun
Jon Cabron: 11. sa tingin mo pag nagsuntukan si libay at si nathan sino ang mananalo?
___: si nathan  mas bata yun eh
Jon Cabron: 12. sa tingin mo anong kailangang sandata ni libay para manalo s’ya kay nathan?
___: uhm, boxing gloves siguro
Jon Cabron: so kung walang boxing gloves bugbog sarado s’ya kay nathan?
___: oo naman syempre
___: kinakabahan ako na natatawa sa tanong mo eh
Jon Cabron: seryoso, ako din .. mainit na ako dun e
___
: parang dinamay moko
Jon Cabron: hindi naman nagbabasa ng blog ko ‘yun
Jon Cabron: 13. blogger na nagpost ng pictures tapos nabaduyan ka manamit?
___: libay
Jon Cabron: hmmmmm no comment
___: veggiecircle
Jon Cabron: ayos na ‘yung unang sagot mo, hindi ko kilala ‘yang veggiecircle na ‘yan.. at sa pangalan pa lang n’yan hindi na ako umaasa ng hindi kabaduyan d’yan.
___: hahahahaha
Jon Cabron: veggiecircles.. yuk!
___: ang yabang nito  vegetarian yun kaya ganyan nick nya
Jon Cabron: kabadingan
Jon Cabron
: hmmmmm
Jon Cabron: sinong manunulat ang sa tingin mo hindi gumagamit ng matalas na lapis o nagsusulat sa ilalim ng hindi masyadong maliwanag na bumbilya?
___: hmmmm
___: wala kong maiasagot gusto ko sanang sabihin si arnie o si bojoy kaya lang di naman mga sikat yun
Jon Cabron: ahhh si joy  e sikat ah
Jon Cabron: sa katangahan
___: bahahahahahhahhaha
Jon Cabron: hmmmmmm at sa panghuli, gusto ko ng isang hamon para sa’yo. kailangan ko ng picture ng kahit na anong parte ng katawan mo o kahit na anong gamit mo na may mensahe para sa akin.
___: pipicture pa ko ng gamit
___: kasi kapag sa katawan ko, malalaman yun sigurado
___: hahaha sure sure with message
Jon Cabron: … yari ako bukas
___: ikaw nagtanong eh kaya malamang sayo mag aalboroto kung sakali
Jon Cabron: wala naman akong itinanong na offensive ah
___: lols
Jon Cabron:  eka meron ba?
___: hahahahaha good luck
Jon Cabron: ako na naman ang masama
___: kinabahan ako sa mga tanong mo lols
Jon Cabron: kinakabahan din ako sa mga sagot mo
___: gusto ko malaman yung mga susunod kaya lagi akong sumasagot hahaha
Jon Cabron: pagka post ko nito siguro magpahinga muna tayo sa malayo haha
___: salamat much hehehe
Jon Cabron: salamat ng marami
___: tnx din
Jon Cabron: salamat sa paglalagay sa akin sa alanganin
___: bye bye
Jon Cabron: salamat

uulitin ko lang, pasensya na sa mga pangalang nabanggit at maraming salamat sa taong nakiupo sa upuan ko. katulad ng ipinangako ko, mananatiling lihim ang iyong pagkatao sa abot ng aking makakaya.. pero kung sakaling magkabukingan at malagay ka sa alanganin, isang taon na tayong hindi magkakilala at hindi mo ako nakausap nung gabing ‘yan.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

10 thoughts on “ang upuan ni cabron”

  1. 90% sure na kilala ko yang blogger na yan..hahaha! kasabayan ko siguro sya dati na nagpupunta sa blog ni homebuddyhubby..the hamster guy.

    ang pagsagot sa mga tanong at stuff toys.. :grinnod: alam na!

    anyways…gusto ko tong pakulo mo Jon. sawa na rin ako sa mga chismis blogs tungkol sa artista.

      1. hehe! sa totoo lang..2 babae yung pinagpilian ko pero malakas talaga kutob ko na kilala ko yan.😀

        game rin naman ako sa mga tanungan kaya lang mukhang maobvious ako na ako yung nainterview. subukan natin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s